48- Hunted

658 50 4
                                    

Tahimik ang buong bailey ng Harfeld castle. Walang kahit na anong ingay na maririnig. Kahit huni ng ibon. Para iyung vacuum dahil sa kawalan ng kahit na anong ingay.

Inihanda ni Fenris ang kanyang hawak na espada. Gan'on din ang ginawa ng kanyang mga kasama habang alerto nilang inilibot ang paningin sa paligid.

Wala talaga. Wala rin ni isang Knight o witch.

It didn't make sense. Inabandona ba ng Grand Knight ang castle? So, bakit may protective spell doon kaya hindi nakikita ni Linus ang paligid gamit ang remote viewing nito?

"Where do you think they are?" pabulong na tanong ni Fenris pero laking gulat n'ya nang walang ingay na lumabas mula sa bibig n'ya.

Tiningnan n'ya ang kanyang mga kasama. Hindi siya nilingon ng mga ito.

"Linus! Maryan! Elliot!" sigaw niya pero wala talaga siyang boses.

Fenris stomped her feet pero maging iyun ay hindi lumikha ng ingay. Medyo mahirap din ihakbang dahil parang naglalakad siya sa dagat.

Ano ba talaga itong nangyayari?

They really were in a vacuum! Kaya pala wala talagang makita si Linus dito sa loob ng castle.

Mukhang napansin na rin ni Linus ang nangyayari dahil lumingon ito sa kanya. Ang laki ng mga mata nito at nakita niya ang paghakbang nito palapit sa kanya. Mabilis naman ang lakad nito, hindi katulad n'ya na halos hindi makahakbang. Pero nakita n'ya rin na tila nag-strain ito para lang makalapit sa kanya nang mabilis. Hinila rin nito sina Maryan at Elliot na parehong nahihirapan ding kumilos.

Maryan's mouth open pero hindi nila marinig ang sinabi nito. Fenris couldn't read lips kaya wala siyang ideya kung ano ang sinasabi ng kanyang kapatid. Patuloy pa rin kasi ang pilit nitong pagsasalita.

Gusto nang mag-panic ni Fenris. She felt so helpless. And vulnerable.

Nang tuluyang makalapit sa kanya ang tatlo ay siya naman ang hinawakan ni Linus at inilapit siya sa katawan nito.

Fenris looked around and the action required so much energy kaya nangawit ang kanyang leeg.

"Oh my gods! Ano'ng nangyayari?" sigaw ng kanyang utak.

But of course, alam niya kung ano... o mas tamang sabihin, sino ang may pakana nito.

Nasa paligid lang ang Grand Knight.

Linus squeezed her hand and she almost leaned on him. Kailangan n'ya ang lakas nito. Masyado siyang nanghihina. But Linus was also straining. At nang nanlaki ang mga mata nito ay alam na ni Fenris kung sino ang nasa likuran n'ya.

Gamit ang natitira niyang lakas, lumingon sa likuran ang dalaga at tuluyan na siyang napaluha nang makita si Kruz sa tabi ng Grand Knight. Parehas pang nakangisi nang mala-demonyo ang dalawa.

They were captured and they were held inside a vacuum bubble.

Hopeless.

Helpless.

—-
Gregory arrived at the province assigned to him to save but he didn't expect what he saw. There were five airships evacuating the citizens. Ang daming mga nakaitim na suot na katulad ng kay Cole.

Sentries.

Nagtatago lang siya sa itaas ng isang mataas na puno kung saan niya tanaw ang lahat ng nangyayari. Wala siyang maramdaman na paparating na mga witches. This was weird. Linus said witches were coming here to massacre those who don't follow the Grand Knight.

"Greg... can you hear me?"

Napaayos siya ng upo sa sanga at naningkit ang kanyang mga mata para makapag-focus sa boses ni Draven na nasa kanyang isip ngayon.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon