26- Bloodworth

962 66 20
                                    

"Grabe. Kinikilig pa rin ako sa inyo," ang laki ng ngiti ni Fenris habang nakatingin kina Kilmar at Kruz na ngayon ay parehong nakaupo sa lower deck ng isa sa mga bunk beds.

Ang saya niya dahil mukhang masaya rin ang dalawa lalo na si Kilmar. Hindi n'ya talaga in-expect na mangyayari ito.

"Di ba sabi mo tatae ka? Bakit chill chill ka lang d'yan?" nakangising sabi ni Kilmar kaya natawa s'ya.

"Bumalik sa large intestine ko. Naudlot dahil sa excitement," sagot niya kaya parehong natawa ang dalawa.

"Hindi eh. Balak n'ya lang talagang iwala tayo sa topic kanina. Saan ka kagabi?" ani Kruz na pinanliitan pa siya ng mga mata.

"Sa kwarto ko. May pinuntahan lang ako saglit," pagsisinungaling n'ya.

"Liar!" sabay na sabi ng dalawa.

"We slept in your room," ani Kilmar. "Magdamag kang hindi bumalik."

Agad na naalarma ang dalaga. Wala yata siyang lusot sa dalawang 'to. "Teka, bakit d'on kayo natulog?"

"May roommates kami. At least doon sa kwarto mo may privacy kami."

Napangiwi ang dalaga sa sinabi ni Kilmar. "You better not made a mess in my room."

"Eww! Dirty minded ka. Natulog lang kami. Cuddle cuddle. Ganyan lang."

Sinamaan n'ya ng tingin ang kanyang bestfriend. Talaga lang ha? "Labhan mo ang sheets ko pag-uwi natin."

Ngumisi lang ang mga ito.

"Stop changing the topic," kunut-noong sabi ni Kruz. "Where did you go, young lady?"

Napabuntung-hininga ang dalaga. Ano'ng sasabihin n'ya? Hindi naman siya na-orient ni Knight Blood sa ganitong sitwasyon.

Lagot talaga siya nito. Titig na titig pa naman ang kanyang mga kaibigan sa kanya na para bang nababasa ng mga ito ang nasa isip n'ya. Para bang sinasabi ng mga tingin ng dalawa na alam ng mga 'to na nagsisinungaling siya at may ginawa siyang kababalaghan.

"Young lady?" untag ni Kilmar gamit ang matigas na boses.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Fenris. Ano'ng sasabihin n'ya? Nag-jogging s'ya at nakatulog sa labas?

Pwede, pwede.

"You better not lie," sabi naman ni Kruz na parang tatay ang tono ng boses.

Or pwede ring sabihin niya na nasa ilalim siya ng kanyang kama the whole time.

Ugh! Gusto n'yang tumakbo palabas ng cabin.

And then there was a knock! Gulat na napatingin sila sa pinto.

"May tao!" sobrang lakas niyang sabi na halos mabingi rin siya sa sariling boses. Tumalon siya para pagbuksan ang pinto.

"Hey," isang sobrang gwapong lalaki ang nasa harapan niya. Nakasuot ito ng itim na sweatsuit at medyo basa pa ang buhok na abot hanggang noo na. May hawak itong toothbrush na naka-wrap pa ng plastic.

Mabilis niya itong hinila saka siya umabrisyete sa braso nito.

"What the!" gulat nitong bulalas na muntik pang matisod.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon