She's my best buddy in life.

flashback

"Naomi! Nandito na ako!" sabi ko tsaka bumaba siya sa hagdan at niyakap ako.

"I-irene...b-buti nandito ka. Nasasaktan na ako. I can't move o-on...di ko kaya ata" sabi niya na parang iiyak na.

"Naomi wag kanang umiyak. Iwan mo na yong kupal na yon! Let go na. Madami pang lalaki diyan. Pag nag sorry at nag pakita siya ulit sayo. Baka di niya na makita pa ang mundo!"

"Irene naman eh! Huhu, I know na kaya ko pero ang hirap pala"

"Natural teh? Hindi yan magic na bukas makalimutan mo na agad lahat. Na mawala ang sakit" she just hugged me so niyakap ko din siya. I know Naomi, palaban nga to at masungit pero she's soft hearted. Madaling masaktan. Kaya nga para sa ex niya...ang masasabi ko lang is...gago siya! Try niya lang lumapit sakanya kasi baka makita niya na ang empyerno.

present

Kaya nga ayaw kong masaktan ulit si Naomi. I know she needs someone in life, pero...hays. It's her decision and not mine. I'll just support her and kung ano man ang mangyari nandito ako palagi for her.

Zaiden's POV
I looked at my mom and dad's room. Makikita mo talaga ang malaking portrait namin as a family, nung kinasal sila. I was 3 years old, Clayon was 5. Natanaw ko ang isang letter sa desk. It's a letter from dad.

Binasa ko yung letter. "If anything happens to me and your mom, anak you know what to do. I trust you for the company. I love you son. Happy New Year!"

Ito ang nakalagay sa dulo ng letter. So this was written last 2 years, before the accident. Did they know? May alam ba sila na mamatay na sila kaya ganito? Fvck this! It's confusing!

Naomi's POV
Magandang umaga! Back to work na tayo yehey! Na miss ko na mga kaibigan ko eh. "NAOMIIII!!!" sigaw ni Irene tsaka niyakap ako. Tsk, di lang kami nag kita ng one day eh parang one year na di kami nag kita. "Salamat nandito kana huhu, miss ka namin" sabi ni Ruby. Mga OA naman neto.

"Hehe, may inasikaso lang kasi" sabi ko. "Hoi Naomi ha! Baka may boyfriend kana diyan?" nabigla ako sa sabi ni Irene. Wow ha, boyfriend agad. Di ako malandi noh.

"Asa." walang gana na sabi ko. "Wehhh! Nakita ko IG post mo mag kasama kayo ni kuya Zaiden! AYIEEEEE!" taranda talaga tong si Rosie eh.

"Hoi! N-nang lilibre lang y-yung tao eh. T-tsaka ano naman ang m-mali dun" Tae bakit ako na bubulol. "Bakit parang nagba-blush ka? Sabi na nga eh! Kayo na lang kasi!" Isa pa tong si Lisa.

"Ewan ko sa inyo! Mag trabaho na nga tayo." sabi ko. Ang kukulit kasi eh. Napansin ko din wala dito si Tim. Hays, alam kong di na rin nagtatrabaho dito si Zaiden eh siya naman ang may-ari ng kompanya and this cafe is under it.

Ayun nga lang, concern ako sa kalagayan niya. Like everybody else say, baka sisishin niya sarili niya sa pagkamatay ng magulang niya. Gusto kong tumulong, gusto ko siyang tulungan. Gusto kong tulungan siya paalisin ang galit sa puso niya.

Tinext ko siya to see kung ano ang kalagayan niya. Baka mamaya magpakamatay- char! Wag sana. I don't know kung hahayaan ko siyang manligaw sakin o ano. Di pa kasi ako ready eh hehe.


-
Finally tapos na din ang trabaho! Pupunta ako ngayon sa apartment nila ni Irene kasama din si Ruby kaya bonding kaming mag kaibigan. Syempre girls only at wala sina Dexter at Frederick. Makipag chikahan daw kami haha.

Nakarating na kami sa apartment. "Oi ate Naomi, chikahan naman diyan about sa inyo ni Zaiden- aray ko!" binatukan ko si Lisa. Kanina pa to eh. Feeling ko siya tong number one shipper namin ni Zaiden.

"Sorry, wala ako may e chika" taray na sabi ko. Nag puppy-eyes pa siya, kala niya cute siya. "Pero...chikahan mo muna ako sa inyo ni Tim yieeee!" kinulit ko din siya. Karma lang to beh.

"Ate naman! Sabi na ngang wala eh. Epal niyo talaga" sabi niya and crossed her arms. Haha yan kase kulit mo.

"Sa totoo lang bagay kayo ni Tim. Cute niyo pag nag-aaway. HAHAHA" sabi ni Irene tsaka tumawa kami except kay Ruby. Makikita mong inis na inis na tong si Lisa. "You know what, si Rosie talaga at si Cristian eh! Nanliligaw na nga tong-"

"Hoi ikaw Lisa ha! Kupal ka talagang babae ka." sabi ni Rosie.

"OMG! KAYO NA!?" sabay sabi namin ni Irene while si Ruby nag simula ng mag luto ng pagkain.

"Tangek! Nanliligaw pa nga kami agad? Wawser speed yan ah"

"Nagsisigurado lang. Btw SS sa inyong dalawa ha...seperate soon! Char!" kulit talaga tong si Lisa eh.

"Pota ka! Inggit ka lang kasi wala kang jowa! Ligawan mo na kasi si Tim!"

"Ano ako tomboy? Bakit ako manliligaw sa kanya. Ew kaya! Di ako nanghahabol noh"

At ayun na nga nag hampasan ng unan ang dalawa. Kahit kelan talaga nag aaway tong dalawang batang to. Ewan.

"Umamin si Tim sakin na crush niya ako. Aakyat daw sana ng ligaw sakin" natigilan kaming lahat sa sinabi ni Ruby. Oh no, love triangle na ba dis?

Lisa's POV
Awts gege. Nagulat kami sa sinabi ni Ruby. Well I'm not hurt since wala naman akong feelings sa lalaking yon. Epal lang kasi eh. Pero bakit parang nasasaktan yung puso ko? The heck?

"Heol! So ano sabi mo?" tanong ni Irene.

"Idk, i do admit gwapo at cute siya-"

"Tch!" oops.

"Pero di ko alam. I'm not into relationships yet. I'm not interested" sabi ni ate Ruby. Ay, parehas sila ni ate Naomi. Di makapag move-on sa ex ganon?

"Yan Lisa, galaw-galaw naman diyan-" eto nanaman si Rosie.

"Tumahimik ka nga!" at hinampas ko naman ang unan sa kanya.

"Wag na kayong mag away diyan, kain na tayo" sabi ni ate Irene at umupo kami sa dining table. Nag pray muna kami bago kumain. "Enjoy sa pagkain!" sabi ni ate Naomi tapos kumain kami.

May bigla na lang nag doorbell tsaka ako na bumukas ng pinto. What-the-actual-fuck. Bakit nandito yang kupal na to?

"Oh ano nanaman!?" tanong ko.

"Nandito daw si ate Naomi? Puwedeng makausap siya?"

"Ok."

"ATE NAOMI TAWAG KA DAW NI TIM MAG USAP DAW KAYO" sigaw ko doon sa kanila.

Dumating si ate Naomi tsaka ako bumalik sa table. Tsk! Akala ko kung sino eh.











A/N: Hello guys! Last day na lang tomorrow sa school. Hopefully hehe. Matatapos ko din tong book. Ready na ba kayo sa next story ko? HAHA. Hindi ako mag spoil char. Enjoy reading this chapter and also the book! Love lots!

-E💜

Until the Flowers Bloom | Book #1Where stories live. Discover now