Chapter 13

53 24 15
                                    

Zaiden's POV
Yeah, I just confessed to Naomi. Let's see how it goes then. Umuwi na ako then I noticed na wala si Tim sa bahay. Tinanong ko si Mama kung nasaan siya at sinabi niya may lakad siya at pumunta sa malapit na coffee shop dito sa subdivision namin.

Pumunta ako doon and nakita ko si Tim and Naomi. I didn't bother to disturb them, may pinag-uusapan eh so I just sat down on the nearest table sakanila. They didn't even notice me since parang nakatago yung face ko dahil sa sumbrero ko.

I ordered coffee then nung lumakad na ang waiter palayo, I heard Tim said this.
"Zaiden was in a car accident together with his parents. Namatay sila, and he had amnesia. Hindi gusto ni Clayton na malaman ni Zaiden kasi ayaw niya itong mag alala and baka he'll blame himself dahil sa nangyari. Kaya si mama dinala siya sa Iloilo and kami na ang kinikilalang pamilya niya. Clayton is avoiding him kasi nga ayaw niya malaman ni Zaiden"

I was shocked when binanggit niya pangalan ko and ni Clayton. Car accident? My parents died? I know that I had amnesia pero di ko inexpect na may tinatago pala sina mama at Tim sakin. All this time pinaniwala nila ako na sila ang pamilya ko? But why!? Di ko na narinig ang iba pang sinabi nilang dalawa. All i heard next is this.

"Uhm...he told me his name there was Jacob and I remembered palagi niya tong kinukwento sakin noon. He met a girl, palagi daw siya binubully kasi chubby yun tsaka parang nerd daw. But he didn't care about appearance and naging friend daw silang dalawa. He also said she was an inspiration to him, kala mo nga inlove eh"

Sumakit bigla ang ulo ko, I-i think I remember everything n-now. Tumayo ako, still holding my head then nakita kong tumingin sila sakin. Next thing I knew, everything went black.

Naomi's POV
Nabigla ako sa sinabi ni Timothy. Siya nga yung bata noon. May biglang tumayo na lalaki near sa table namin siya naka upo. Hawak-hawak pa niya ang ulo niya then biglang bumagsak siya sa sahig. Tumakbo si Tim at agad din ako pumunta sa pwesto niya.

It was Zaiden.

"Shittt! Dalhin na natin siya sa hospital!" sabi ni Tim at agad akong tumawag ng ambulansya. Dumating na kami sa hospital, wala pa ring malay si Zaiden at dinala sa ER para e check.

Nag hintay kami for like 30 minutes then lumabas ang doctor. "He's ok, he just lost consciousness. He should take a rest first" ang sabi ng doctor. Na transfer na siya sa isang room.

"Tim, ma una na muna ako ha. Baka hanap nako dun sa bahay. Balitaan mo na lang ako sa lagay ni Zaiden ha" sabi ko at umuwi na sa bahay.

"Oh, san ka galing anak? Ba't ginabihan kana?" tanong ni papa. Kaka-discharge niya lang sa hospital last week and the medicines and therapy were effective naman. Unting-unti na gumagaling si papa.

"A-ah may kinausap lang na kaibigan hehe" sabi ko sakanya. "Ah ganon ba...kumain ka na ba? Nag luto si yaya ng dinner baka gusto mong kumain? May tira pa dun sa table"

"Ok lang pa. Busog pa ako. Akyat muna ako ha" at umakyat ako sa kwarto ko. Dumating na pala si kuya pero nasa kwarto siya kaya di ko siya nakita.

Nag-alala tuloy ako, paano kung narinig yun ni Zaiden tsaka maalala niya lahat? Tinext ko si Timothy kung ano na kalagayan ni Zaiden. Tulog pa din daw. Nandun na rin si mama niya.

flashback

(Third Person's POV)

Zaiden and Naomi's Childhood
Hapon na and dismissal na ng school. There's Naomi walking home since malapit lang ang bahay nila sa school. Her nickname was "Smarty Chubs" at palagi na lang siya binubully ng mga classmates niya.

Until the Flowers Bloom | Book #1Where stories live. Discover now