Whoooahhh!!!!! Hayssssst ang sakit nanaman ng ulo ko. Anong oras na ba? Alas dies na ! Nasobrahan ko nanaman ang pag inom ko kagabi. Uhhhh ihing ihi na ako! Oppppss bakit ba nasa sahig tong notebook . Muntik ng masira ang mga to do list ko. Hayssst kaasar naman bakit ba parang hindi umaayon ang panahon ngaun! Bad trip!
Uhhhh by the way ang pangalan ko pala ay Jiro. No special talent at walang lovelife. Kung baga isa lamang akong malaking extra sa mundong ito. Kailan ba ako sisikat! Well alam ko namang di na ako sisikat kaya bahala na . Haaayy medyo ginugutom na ako ano kayang magandang ulamin . Uhmmmm ah! Alam ko na may natira pang sardinas kagabi, buti nalang. Kung matatanong niyo lang im 26 years old na, di ako nakapagtapos ng college due to some medyo heavy na mga circumstances. Medyo lang naman . So right now napaka dami ko ng sidelines tagahugas, delivery boy, newspaper boy, postman, mowdel, Mowdel ng gulay in short kargador,security guard minsan at madami pang iba para lang maka survive. Buhay nga naman parang life.At heto ako ngaun nag titiis sa nag iisang sardinas na natira.
Naku po ano bayan! nahulog ung kutsara ko. Naku naman talaga sobrang malas ko today. Huh. Ano yun bakit may sulat doon sa tabi ng pintuan ko. Mabilis akong lumapit sa pinto ng bahay ko at nakita ang isang sulat. Sa madaling sabi ay binuksan ko nga ang sulat at ito ang nilalaman nito.
"Its me
Find me
Meet me at the train station,
Exactly when the clock strikes the mid day
At the place where you can see the shining beauty of the sea"
Ahhh so isa tong invitation letter. Okay gets. Kung mid day edi alas dose. Anong oras na ba? hala alas onse na!!! Naku po baka mahuli ako sa ligaya. Pero bakit ba ganito, nakakaramdam ako ng kaba. Piling ko di ako makahinga. Nararamdaman ko lang naman to tuwing may danger sa paligid ko. Pero right now iba, para bang may halong excitement ung kaba. Di ko mawari pero bahala na. Maliligo na ako at ng kumalma.
A few momments later.
At tapos na nga ako ,mabango ,fresh at gwapo. Kunwari, hayaan niyo na akong mangarap paminsan minsan. Uhmmmm ang venue ay sa lugar na nakikita ang dagat. Ahhh!! alam ko na, sa terrace ng train station. Napakaganda ng view of the sea doon,last time na pumunta ako doon ay kasama ko pa ung anim na kabarkada ko nung college, well wala naman cgurong masama kung mapuntahan un ng paminsan minsan. Okay! mayroon pa ba akong nakalimutan?. Oks wala na , kompleto na ang lahat. Okay now im ready to go. Oopppps wait ung notebook ko, napaka halaga nito sa akin.
15 minutes ride at nakarating na nga ako dito sa train station. Pero bago ako pumasok ay dumaan muna ako sa drugstore kasi sumasakit nanaman ung ngipin ko, ang malas ko talaga today.
On the way to the terrace, nakita ko ung mga dati kong classmate nung college na si Joshua and Aina, mga close friends ko sila nung college pero ako lang di nakapagtapos kaya medyo nahihiya akong humarap at makipag usap sa kanila.
Si Joshua ay isang napaka mausisang taong nakilala ko, kahit mga small things napapansin niya lalo na nung one time , naiwan ni Aina ung kanyang isang hairpin ay napansin nya parin ito ,di ko ba alam kung mabibilib ako o makiki creep out kung minsan. Si aina naman sy sobrang makalimutin kaya minsan tuloy naiisip ko parang bagay talaga tong dalawang to na mag sama habang buhay, pero sa kasamaang palad may ibang gf si Joshua. Kaya di talaga pwede. Sa aming gropu silang dalawa ung masasabi kong para ng magkapatid sa grupo . Everytime na aawayin ung isa, tutulong agad ung isa. Sana all ganyan ka close. I wished to have real friends too, you know.
So back sa ating paglalakbay ay may napansin ako, parehas lang kami ng pupuntahang lugar nila Joshua. Sa kasamaang palad ay napansin nila ako. Di ko ba alam kung anong mararamdaman ko sa sobrang kaba at hiya. Pero nilaksan ko nalang ang loob ko at nakipag usap sa kanila.
Joshua:
Uy! Musta na pare. Long time no see.
Jiro:
Okay lang naman ayun buhay parin(medyo kabado)
