Chapter VIII: The Journey to the Hidden City

45 3 3
                                    


NIKOLA SAHARA

It was purring gently. Yet, that little noise it made reached my ears.

This might sound unlikely, but then I give you the fact that these creatures are truly adorable and lovely. Animals with baby like features are irresistible, you can instantly get hit by that UWU feels.

Unhappy without you vibes.

These creatures can easily melt your stress away.

Pero imbes na maging stress reliever, I fear them. Lalo na sa mga bagong panganak na mga ganitong hayop. Don't you dare scare me with it, I might faint and it will surely be the death of me.

Pero sa paraan ng pagbitiw ko ngayon ng malalalim na buntong hininga, nasagi sa isipan kong sana nagadopt nalang ako ng pusa at sinama ito ngayon.

Tila hinahapo na ako habang binibilisan ang pagpadyak ng mga paa para tuluyang makalayo sa mismong kinatatatuyuan. Nanginginig ang kalamnan ko, maging ang aking buong pagkatao. Siguro nga ang swerte ko sa lagay na ito dahil nagawa kong kumilos agad bago pa ako mapako at maestatwa sa kinatatayuan.

Everything is giving off that unrealistic, fictional, movie-like setting.

Kalakip pa ang mga mummies na tila sana'y papaligiran kami kung hindi lang sa maliksing galaw kong iyon, ay baka ano na ang nangyari sa aming dalawa ni William. May mga ingay akong naririnig, gaya ng bawat padyak ng aming mga paa, ang bigat ng bawat buga ng aming hinga, at ang kung anong hindi pangkaraniwang tunog na hindi ko mawari kung saan nanggaling.

"You okay?" Tanong ni William sa gitna ng pagtakas namin sa tagpong iyon.

Mapanlisik ang aking mga matang tiningnan siya, dala na din siguro ng pagod sa pagtakbo. Hinahapo na ako, natantong maaaring maubusan ng lakas dahil sa kakaibang uri ng kapagurang nararamdaman.

Habang ako ay tila nalalantang gulay na sa kapaguran at pinagpapawisan na ang kabuuan, siya ay nanatili sa kung ano man ang ayos kanina. Mas presko pa sa mga bagong aning prutas, matatag din at parang walang makikitang paghihirap o takot sa kanyang mukha. Kalmado ang lagay niya, kahit pa sa masamang tinging pinupukol ko sa kanya.

"Baka pinapatay mo na ako sa isip mo, huh?" Aniya, pagak na tumawa pa.

"Buti naman alam mo!" Pasinghal na tugon ko na ikinatawa niya pa.

Umirap ako sa hangin at hinigpitan ang hawak sa palapulsuhan niya.
Pinagpatuloy pa din ang pagtakbo.

"Halata namang naiinis ka. I'm sorry." Sinserong sambit niya, pero hindi nakaligtas sa akin ang saglit na pagngiwi niya dahil na din siguro sa higpit ng pagkakahawak ko sa kanya.

May kaunting sinag ng ilaw sa lugar, hindi ito ang tipikal na puti ngunit sa dilaw na kulay na may roon ang liwanag na tinataglay ng paligid. Lumiko kami pakaliwa, niluwagan ko din ang pagkakahawak sa kanya, habang tahimik na pinagmasdan muli ang kapaligirang natatanaw sa gitna ng nagmamadaling kilos na kasalukuyang ginagawa.

"Hindi mo kasi sinabi agad na may nakikita ka na pala!" Tunog paninisi ang sinabi kong iyon.

Teka nga, bat ba ang init ng dugo ko sa lalaking ito?

Siguro nga tama ang sinasabi ng ilan na kahit pa walang ginawang Mali o masama ang isang tao sa iyo ay makakaramdam ka ng inis dito. May mga tao talagang unang pagkikita at pakikipagsalamuha mo pa lang ay hindi mo na agad siya gusto.

Naiinis ako kay William sa hindi malamang kadahilanan, pero hindi naman sa ayaw ko talaga sa kanya.

"Nagtanong nga ako kasi wala akong ideya diba?" Aniya pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tales Of Asgard: The Hidden CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon