“E-eh, bes… a-ano nga ang itanong mo sa akin?” tila nahihiyang wika niya, hindi pa ito makatingin ng deretso sa akin.
“Not a question but it’s all about the–”
“It hurts when you pushed me away, sweetheart. I hate it when you chose my sister over me. My heart is aching, sweetheart…” Lanz cut my words, dahil bigla itong pumasok at nagdrama.
Naningkit ang mata naming dalawa habang nakatitig sa kanya. Mukha siyang bata na inagawan ng pagkain. He’s acting weird lately. Minsan nakita ko ito sa garden ng mansion nangunguha ng mga bulaklak. Ilagay niya raw sa vase at ibigay kay Veronica. Tapos, nitong nakaraang araw nakita ko siyang dumakip ng paru-paro, uod, gagamba at iba pang insekto. Siguro inutusan ni Veronica.
Hindi na nga ako nito tinulungan sa mga tungkulin niya. Halos lahat ng gawain ay pinasa niya sa akin tapos kung si Veronica ang mag-utos ay mabilis pa sa kidlat ang loko. Ang unfair ‘di ba?
“Lanz–” naputol ang salita ni Veronica dahil inagaw iyon ni Lanz.
“Yeah, I should go. You should better lock the door,” he groaned. Sinamaan niya pa ako ng tingin.
Bagsak ang balikat nitong lumabas ng pinto. Nagpakibit-balikat lang si Veronica nang tiningnan ko siya. Magsalita na sana ako para ipagpatuloy ang sinabi ko kanina pero napatigil ulit ako dahil pumasok naman ang kapatid ko.
“I’m jealous. Ask as fast as you can, sister. I want to be with my mate, please….don’t steal our moment together,” he whined and darted his eyes on me full of jealousy. After that, he left with a long face and heavy march on his feet.
“Such a shame. You’re acting like a child, brother. You’re weird. Ganito ka ba ka-possessive at ka-seloso? Pati kapatid mong babae, pinagseselosan mo?” pang-aasar na tanong ko pero binagsak niya lang ang pinto bilang tugon. Nice one, Farah!
Nagpipigil naman ng tawa sa tabi ko si Veronica. Enjoy na enjoy ito habang nakatingin sa pinto kung saan lumabas si Lanz. Isa rin ‘tong weirdo.
Anong ginawa niya kay Lanz bakit naging gano’n iyon? First-time kong makita si Lanz na umakto na parang bata.
“Anong pinakain mo doon? Did your taste make him weird like that?” Binaling ko ang tingin kay Veronica na malapad ang ngiti.
“Hindi lang ‘yon naka-score. Naputol, eh… nabitin.”
Ako naman ang nagpipigil ng tawa. Minsan talaga nakakatawa obserbahan ang aking kapatid. Obsessed na obsessed kay Veronica. Halos ayaw niyang tatantanan ang ama ni Veronica para madala niya na ito sa pack house.
I am so happy that my hard work paid off with the happiness of my one and only brother. Masaya akong masaya ang kapatid ko. Halos tumalon ang puso ko nang binalita sa akin ni Veronica noong isang araw na lubusan nang nakuha ang lason na naamoy ni Lanz noon. Patuloy niya kasi itong pinapainom ng gamot.
Napaamo niya na rin si Lanz kung magpalit-anyo na ito bilang isang asong lobo. Hindi na ito ngayon nahihirapan pang magpalit-anyo. He’s finally cured. Natutuwa ako dahil wala na akong dapat pang isipin na problema tungkol sa kapatid ko.
Napukaw ang pag-iisip ko nang hinawakan ni Veronica ang kamay ko.
“Um, I’m just kidding about bitin thing. Actually, may lip shiner kasi akong ginawa na organic ang sangkap tapos nilagyan ko ng kaunting emotica potion para mapakita ang totoong damdamin ng tao kung sino ang makatikim. I applied it to my lips. And, it worked. Proven and tested. Nakita mo naman ang epekto kay Lanz,” humagikhik na wika niya.
YOU ARE READING
Taming The Beta (Taming Series 2)
Werewolf[Taming Series 2] Maria Farah McMahon and Davin MacLee love each other. One day this love turns into hate because Farah found out the truth of Davin's lies. Davin got kicked out of being a Beta of Blood Moon Pack and Farah replaced his position. Far...
Chapter Four
Start from the beginning
