Kahit kailan ang isang ito ay marupok. Hmph!

“Don’t worry, sis… my hand is still clean,” wika nito bago binalingan ng tingin si Veronica. “Right, sweetheart? I didn’t use it in you–”

“Shut up, Lanz!” Mukha naman itong maamong tuta nang pinanlakihan siya ni Veronica ng mata.

Under de saya ang loko. ‘Buti nga sa ‘yo!

“N-Nakakahiya ka, Lanz! Huwag mo ngang asarin ang kapatid mo. He’s your older sister.”

Hinawakan ni Lanz ang mukha ni Veronica. He gently caressed the face of his mate. His eye was pleading. “I’m sorry, sweetheart. Okay. I’ll see you later, sweetheart…” matamis na wika ni Lanz sa kabiyak.

“Sa akin ka dapat mag-sorry, Lanz Alexander… hindi sa kanya. Haller! Ako ang hindi mo ni-respeto bilang nakakatanda mong kapatid,” agaw ko sa eksena nilang dalawa.

“Oh, yeah. Dapat sa kanya ka nga mag-sorry,” pagsang-ayon ni Veronica sa akin.

“As you wish, sweetheart.” Ginawaran niya pa ito ng halik sa labi bago binalik ang tingin sa akin.

Napaikot ang mata ko sa kanilang dalawa. Napaismid ako at umiwas ng tingin. Hindi ko kayang tumingin sa ka-sweetan ng dalawa dahil naalala ko lang si Davin. Naalala ko lang ang matamis naming pagsasama. Nakaka-bitter lang.

“Okay, sorry…sis,” he said in a low tone voice.

“Whatever,” I replied in a flat tone. Sorry, your ass. You’re not even sincere. Dahil lang inutusan ka kaya ka nag-sorry sa akin. Tch!

Napagdesisyunan kong umupo na lang sa sofa dahil nangangalay na ang binti ko. Nang makaupo ako ay pinagkrus ko ang aking braso’t binti habang nakatingin sa dalawa.

“Ehem!” I let out a fake cough. Pinandilatan ko sila ng mata nang makita kong magpadala naman sana sila sa bugso ng kanilang damdamin.

“Okay, go… sweetheart. See you later.” Nakita kong inakay ni Veronica si Lanz papuntang pintuan.

“Take care, sweetheart. She’s not your wolf best friend anymore, she’s a tiger,” he whispered but I heard it. Nagkunwari na lang ako na hindi ko iyon narinig.

Humanda ka talaga sa akin, Alexander! Hindi ko gagawin ang mga pinasa mong gawain sa akin. Nakakabwisit talaga itong kapatid ko, lagi na lang akong inaasar. Nakita ko ang pagbabago ng aking kapatid. Hindi na siya masyado seryoso at tahimik. Lagi na siyang nakipag-asaran sa ibang Alpha ng Lebanese mountain, lalong-lalo na sa akin.

Dati ay ako ang nang-aasar sa kanya, ngayon ay siya naman itong nang-aasar sa akin. I am happy that he changed a bit.

“Lanz!” saway ni Veronica sabay pingot sa kanyang tainga.

“Ouch–sadista. Sweetheart… ouch!” hinimas-himas nito ang kanyang tainga na piningot ni Veronica. Nagreklamo nga ito pero hindi masama ang tingin sa kabiyak. Malapad pa rin ang ngiti pero nang dumapo ang tingin niya sa akin ay sumeryoso ang mukha nito.

Napangisi naman ako sa kanya. I mouthed ‘serves you right!’ to him. Magsalita pa sana ito pero tinulak na siya ni Veronica palabas at isinirado ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na si Lanz sa opisina niya. Lumapit agad si Veronica sa akin. Umupo na rin ito sa kabilang sofa.

Taming The Beta (Taming Series 2)Where stories live. Discover now