Kinalma ko ang sarili ko tiyaka nagpasyang maligo na. Dadaan nalang siguro ako sa fast food para mag-almusal. Mabuti nalang nang lumipas ang thirty minutes ay medyo guminhawa ang pakiramdam ko kaya nakaligo ako ng maayos.

Hindi ako pwedeng mag-absent ngayon dahil ngayon na ang huling araw. Kaya kahit medyo nahihilo pa ako ay sinubukan kong pumasok. Dumaan lang ako sa drive thru sa may McDo sa may Legarda. Pancake at coffee lang ang in-order ko.

"Oh? Bakit mukhang maputla ka ata ngayon?" Nagtatakang tanong sa akin ni Tascia. Tumingin din sa akin si Tofer nang nagtataka.

"May masakit ba sa'yo?" Tanong ni Tofer. Kaagad hinawakan ni Tascia ang noo ko para tingnan kung mainit ako.

"Hindi ka naman nilalagnat?" Patanong na sagot niya sa akin, pinagmamasdan niya akong mabuti kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hindi lang ako nakaliptint. Nakalimutan ko dahil nahihilo ako kanina." Tumango-tango si Tascia, may kumausap kay Tofer. Akala ko tapos na si Tascia pero lumapit siya sa akin para bumulong.

"Kailan ang last period mo?" Napaawang ang labi ko sa tanong niya. "No judgement. Napansin ko kasi na lagi kang naiirita sa mga nakalipas na araw, well, lagi ka naman ganon noon pero sobra-sobrang ikli ng pasensiya mo ngayon! Tiyaka ayaw mo sa pabango ni Tofer, napilitan tuloy siya magpalit."

Napaisip ako sa sinabi niya. Posible, kung ano man ang nasa isip namin ngayon. Kaya pagkatapos ng last day namin ay dumaan ako sa isang botika para bumili ng pregnancy test. Pero pagkauwi ko sa condo ay hindi ko muna ito ginamit, kinakabahan ako sa magiging resulta.

Lalo na at dalawang linggo ng walang paramdam sa akin si Joaquin. Napabuntong hininga ako tiyaka lumabas ng unit ko, hawak-hawak ko ang duplicate key sa condo ni Joaquin tiyaka iyon binuksan. Kabang-kaba ako habang naglalakad sa loob pero bumagsak din ang balikat ko nang makitang walang kahit anino ni Joaquin ang nandoon, nabawasan lang ang gamit na nandoon.

"Are you sure you want to come?" Joshmer asked for a hundred times already! Gusto ko siyang irapan at batuhin dahil iritado ako, kanina niya pa tinatanong iyan. Sa palagay niya ba sasakay ako sa kotse niya kung ayaw kong sumama?

"You ready?" Nag-alalang tanong naman ni Dianna sa tabi ko. Tinabihan niya ako sa likuran ng kotse, instead na sa harapan siya para katabi si Joshmer na nagdadrive.

"Ready." Desididong sagot ko. But the truth is, am I really ready?

Parang kanina lang, nasa CR pa ako ng condo. Tahimik na nakaupo sa toilet bowl habang naghihintay ng resulta. Parang kanina lang ay hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko ang dalawang linya.

Masaya.

Malungkot.

Nakakaiyak.

Masakit.

Magulo.

Halo-halo ang nararamdaman ko nang makita ko ang dalawang linya na hawak-hawak ko. Bahagya pa akong natawa dahil lahat ng test ay naipapasa ko, hindi ko inaasahan na pati pregnancy test ay maipapasa ko rin.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa mga oras na iyon. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong gawin. Kung ano mang meron sa amin ay napakalabo ngayon, hindi ko nga alam kung meron pa bang kami.

Masaya. Dahil kahit na hindi man kami ang para sa isa't-isa, nag-iwan naman siya ng regalo sa akin. Na kahit hindi na niya ako mahal, may papalit naman sa kaniya. Alam kong mamahalin din ako ng bata na nasa tiyan ko ngayon at mamahalin ko siya ng buong-buo. I'm happy that he or she will be my companion in the future.

Malungkot. Dahil ako lang ang magpapalaki sakaniya. Na ako lang ang makikilala niyang magulang.

Nakakaiyak. Dahil hindi man lang niya mararanasan ang pagmamahal ng isang ama. Hindi man lang niya mararanasan na magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Kahit panandalian lang.

Escape In A Cold City [Baguio Series #3]Where stories live. Discover now