Chapter 27

4.1K 100 5
                                    

Chapter 27

Sabay kaming bumalik ni Joaquin sa Baguio. Kaya sabay rin kaming nagpaenroll. Fourth year na siya samantalang nasa third year kami nina Joshmer. Sa main campus ang enrollment, maaga rin kaming pumila dahil panigurado maraming estudyante mamaya. 

I'm glad that Dianna passed the qualifying exam, hindi nanamin siya naging kaklase dahil sa grades niya. But at least, she's trying her best to have a good grades. Nakakatulong nga siguro ang kuwentuhan session nila ni tita Aimee. 

Napasinghap ako dahil don, kung gaano kabait at kasweet si tita Aimee kabaligtaran naman siya ng kakambal niya. Though, I understand tita Ainna's side but if my son love one woman and I can't see anything wrong with that, I'm gonna support him. 

"What's wrong?" Nagtatakang tanong ni Joaquin sa tabi ko. Kahit bukas pa ang enrollment nila sa department nila ay sinamahan niya kami. Hindi naman ako mag-isa kung hindi siya puwede pero fifth wheel nga lang. 

"Wala. Inaantok lang." Pagdadahilan ko. Ayoko munang i-open ang mommy or kahit sinong Tan na relatives niya. Kakaayos lang namin gagawa nanaman ba ako ng away? 

"Nako! Mabuti nalang nag-ayos kayo at hindi na fifth wheel si gaga." Napairap ako sa sinabi ni Tascia tiyaka nagmake face nalang ako. Our friends are not really keeping their mouth shut, aren't they? 

"Pero grabe din ah. Nagbago rin iyan, hindi na masyadong mataray magsimula nung naging kayo." Tofer added. Gusto ko sana siyang patigilin kanina pa sa unang salita niya pero ano pa nga bang in-expect ko sa magjowang ito? 

"Really?" Joaquin sounded amused. I don't know if that amusement is supposed to be mine or he's amused himself because he changed some of my toxic behavior. 

"Yeah, hindi na rin siya basta-basta nag-iinit ang ulo." Sagot ni Tascia. 

"Oh shut up. I'm always kind." Pagdepensa ko sa sarili ko. Masyado nilang sinisiraan ang pagkatao ko kaya kailangan kong ipagtanggol. 

"Oh really? You're always pissed." Tascia mock at me, I imitate what she said to mock her. 

"I'm always." Pagsakay ko sakaniya. "That because people around me are annoying!" Tiningnan ko pa silang dalawa ni Tofer ng death glare. They were the one I'm talking about. 

"But we're happy that you've change." Singit ni Joshmer, akala ko lagi nalang namin silang makikita ni Dianna na nagbabasa ng libro and trying to solve problems. 

Minsan ako ang na-stress sakanila kapag nakikita ko silang nakatutok sa libro, nagsosolve at ang ingay ng calculator. 

Pero napahinto ako sa sinabi ni Joshmer, they knew that I've change. Akala ko ako lang ang nakapansin, nagbago nga ako magsimula nung nakilala ko si Joaquin.

They think it's good but it's not. 

Mabilis ang paglipas ng araw, hindi nanamin namalayan na kaharap nanamin ang hell week. Busy na kaming magbasa ngayon dahil exam week. Nandito nanaman si Tascia na nagbebreakdown pero nagbabalance pa rin. 

Kasi wala namang magagawa ang breakdown. Kaya habang nagbebreakdown ka, gawin mo ang kailangan na gawin. Of course, you need to stay focus even though you're having a mental breakdown, that's a secret to pass college. 

"Inom?" Anyaya ng isang kaklase namin pagkatapos ng prelims pero kaagad akong tumanggi hindi dahil hindi ako pinapayagan ni Joaquin kung hindi dahil ayoko lang. 

"Pass. Mas kailangan ko ng tulog." Prelims feels like finals though. 

Isang semester nalang at isang academic year nalang, matatapos na rin kami. 

Escape In A Cold City [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon