00

329 19 24
                                    

“What's your plan for this year's summer vacation, Zai?”

Napangalumbaba ako sa naging tanong ng aking kaibigan. Malapit ng matapos ang pasukan, ilang linggo nalang, mags-summer vacation nanaman.

“Honestly, I haven't thought about that yet,” nakapangalumbabang sagot ko sa kanya. “Kayo ba? Ano’ng plano niyo?” tanong ko sa kanilang dalawa.

Jazmin and Mea. My bestfriends. Kasama ko silang dalawa ngayon rito sa canteen, tumatambay lang dahil wala din naman kaming magawa roon sa room namin. Wala naman ng klase kasi, busy na ang mga staff ng school sa paparating closing. Next week.

“Well.. my family's planning to stay in New York for the whole vacation,” sagot ni Jazmin sa tanong ko at nagkibit-balikat.

“Uhm, nagf-fifty-fifty pa ang isip nina Mommy at Daddy. Hindi sila makapili kung saan kami mag-stay this vacation,” Mea answered.

Napabuntong hininga nalang ako at nag-isip-isip kung ba ang gagawin ko ngayong bakasyon. My parents are not here. Nandoon sila sa ibang bansa, business, obviously. Pero ayaw ko namang magpunta ng ibang bansa, ano. Nakakatamad kayang bumyahe ng matagal. At isa pa, I want to spend my vacation here on Philippines. Lalong lalo na sa Tagaytay..

Tagaytay.. that's right!

“Ah! Alam ko na kung ano ang plano ko this vacation,” I said while grinning.

Napatingin naman sa akin ang dalawa kong kaibigan at hinintay akong magsalita pa. So, I cleared my throat and told them my plan.

“Oh. That's great,” nakangiting sabi ni Mea nang matapos kong sabihin sa kanila ang plano ko.

“At least, may gagawin ka na this year's vacation. Last year kasi, namalagi ka lang sa mansion niyo,” natatawang sabi ni Jazmin.

“Sup.”

Napatingin kami sa kararating lang na si Kevin. Naupo siya sa upuang katabi ni Mea at pasimpleng pumuslit ng fries sa platong nasa harap ni Mea.

“Pasimple ka pang gago ka,” puna ni Mea sa ginawa ni Kevin. “Wala ka talagang manners, Kevin.”

Binelatan lang siya ni Kevin. “Ang laki naman talaga ng problema mo sa manners ko, Meanne.” Reklamo niya.

“Eh paano ba naman kasi, nawawala palagi ang manners mo–– saan mo ba nilalagay?”

Nag-kunwari namang nag-iisip si Kevin. Pinapanood lang namin silang dalawa. Ganito naman palagi, mag-babangayan–– kung bangayan nga ba ang tawag sa ginagawa nila –– sila at manonood lang kami ni Jasmine.

“Crush mo ba manners ko, Mea?” seryosong tanong ni Kevin kay Mea.

“Crush ka ba ni Hazel, Kevin?” matamis na ngumiti si Mea kay Kevin habang nagtatanong.

Natahimik naman si Kevin at sumimangot. Kinuha niya ang plato ng french fries na nasa harapan ni Mea at iyon ang pinag-diskitahan. Napailing nalang kaming dalawa ni Jasmine.

Si Kevin. Kasali sa circle of friends ko. Originally, kaming tatlo lang sana ang magka-kaibigan talaga. Nasali lang itong si Kevin dahil sa akin. Close kasi kaming dalawa. We're kind of.. mag-best friend. Kaya ayon, naging close narin siya sa dalawa.

“Nga pala, plano niyo sa bakasyon?” tanong niya habang kumakain ng fries, hindi na nakasimangot.

“Mag-stay sa New York,” sabi ni Jaz.

“Hindi ko pa sure,” sagot naman ni Mea.

Tumingin naman siya sa akin. “Eh ikaw? Plano mo namang manatili sa loob ng mansiyon mo? Buong bakasyon?” tanong sa akin ni Kev at tinaas ang kabilang kilay.

Summer VacationWhere stories live. Discover now