19

51 7 9
                                    

"Dito na ako, Kyro."

Huminto siya sa harapan ng bahay nina Juri. Mabilis naman akong bumaba sa likod niya at hinarap siya. I smiled.

"Thanks!" I said with a wide smile. "Though, medyo kaunti ng time para sa atin," nakangusong sabi ko.

He grinned and messed my hair. "Nah, it's okay. There's still a lot of time, yenno." He winked at me before gesturing me to enter the gate. "Pasok na, madame Arzuela."

Tumango ako at ngumiti. "You will be missed, Ky!"

He grimaced. "Ano akala mo sa'kin? Mamamatay? Bobo naman," he said while frowning.

I laughed. "Mukha kang patay kasi," asar ko pa sa kaniya.

"Ikaw, mukhang tyanak," asar pabalik nito. "Pasok ka na nga sa bahay mo. Text nalang kita kapag gusto ko," he said.

"K!" tanging sabi ko at mabilis na binuksan ang gate saka pumasok. Agad ko namang sinara ang gate. Narinig ko pa ang malakas na halakhak nito. Gago talaga always.

Dahil malaki naman na siya at kaya na niya ang sarili niya, naglakad nalang ako papunta sa pintuan ng bahay. Pagkabukas ko ay agad na mukha ni kuya James ang sumalubong sa akin. Agad siyang nameywang.

"Aba, anong oras na, Zairene Arzuela. Bakit ngayon ka lang?" parang nanay na tanong nito.

"Kasi ngayon lang po ako," pabalang na sagot ko 'saka mahinang tumawa. "Sup. Pasaan ka?" tanong ko sa kaniya.

"Garden lang. Samahan mo'ko?"

"Ewan lang." I chuckled. "Bibihis pa ako," sabi ko bago nagpaalam na aalis. Tumango lang siya at lumabas na ng bahay para pumuntang garden, ako nama'y pumasok sa loob ng bahay.

Nakita ko pa si Hairo na tumutugtog ng ukulele. I secretly smiled and approached him. Buti nalang walang Keila dito!

"Marunong ka pala?" Tanong ko.

Agad namang tumaas ang tingin niya sa akin. "Oh, Zai. Dito ka na pala."

"Hindi, baka picture frame ko lang 'to," I joked.

He chuckled. "Yeah, yeah, whatever," said Hairo. "About your question, well, I'm not good. I just know how to play."

I nodded. "Can you sing a song with that ukulele?" I suddenly asked.

He forehead knitted. "Depends. Why?"

I shrugged. "Wala lang. Kasi kung kaya mo, request akong kumanta ka," nakangiting sabi ko sa kaniya.

He chuckled, amused. "Sure thing. What song?" He asked.

"Uhm... whatever you want. I'll just go to my room to change. Balik ako agad. Practice ka ah!" I chuckled and he nodded. Mabilis naman akong pumunta sa kwarto ko.

Imbes na magbihis lang, naisipan kong maligo nalang ulit. Amoy pawis kaya ako! Kakahiya naman kung haharap akong amoy pawis, diba? Pero kanina... ah, basta!

I took a quick shower. I wore a pink oversized hoodie with 'GUCCI' printed on the center and a white pedal short. I sprayed some spray cologne too. Before going out of the room, I looked at my reflection in front of the mirror.

"Zairene Arzuela, ang ganda mo!" puri ko sa sarili habang nakangiti. Napasimangot agad ako nang may naalala. "Mas maganda ka pa sa kaniya, pero why kaya?" pagkausap ko pa sa sarili ko sa harap ng salamin. I sighed. "Dahil ba mas bata ka sa kaniya?" I asked. "Ah, basta nalang. Para kang baliw. Pusha pink. Dinaig mo pa si Juri!" I shooked my head and finally went out of my room.

Summer VacationWhere stories live. Discover now