Binitawan ako ni Kuya Frank at hinayaang mas lalong lumapit dito. Hindi na ako nagdalawang isip pang yakapin siya. "Daddy, nandito na po ako" umiiyak na sabi ko sa kanya.

Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking luha habang nakayakap sa kanya. Ilang taong ipinagkait sa akin nito. Lumaki man ako na may kinikilalang ama sa pagkatao ni Mr. Serrano ay naging malupit naman siya sa akin.

Naramdaman ko ang paglapit ni kuya Frank sa akin nang ang mga mahihinang hikbi ko ay naging hagulgol. Mahigpit kong niyakap si Daddy habang halos malukot ang kumot dahil sa mahigpit kong pagkakahawak duon.

"Frances..." tawag ni kuya Frank sa akin. Marahan niya akong pinapatahan habang hinahaplos ang aking likuran.

Kumalma din ako kalaunan. Pareho kaming tahimik na nakatanaw sa tulog na si Daddy.

"Nagwawala na daw ang asawa mo sa bahay niyo" nakangising sabi niya sa akin ng may binasa siya sa kanyang cellphone.

Napanguso ako lalo na ng makita kong mukhang tuwang tuwa pa si Kuya Frank dahil sa nalaman. Ano kayang dahilan at galit siya kay Kenzo? Dahil ba alam niyang may gusto si Fidez dito?

"Naging si Fidez ba at Tadeo?" tanong ko.

Tipid siyang umiling. "Dated for months? Pero ang pagsusundalo ang priority ni Tadeo nuon" sagot niya sa akin. Napatango ako, mabuti na lang talaga! Hindi ko maiimagine si Tadeo kung hindi si Castellana ang asawa niya. Kung titingnan mo silang dalawa, makikita mong ginagawa talaga sila para sa isa't isa.

"Pero si Kenzo ang gusto ni Fidez ah. Palagi pa nga akong inaaway nuon nung college" sumbong ko kay Kuya Frank. Nagtiim bagang siya.

Hinila niya ako at halos isubsob sa kanyang dibdib. "Hinding hindi ko mapapatawad si Fideliz dahil dito. Sa oras na mahuli na ang mga magulang niya...kakalimutan kong naging kapatid ko siya. Pinakikisamahan ko lang siya ngayon dahil may kailangan pa tayo sa kanya" matigas na sabi nito. Kahit pa mahinahon ang pagkakasabi niya nuon ay ramdam ko pa din ang puot at galit duon.

Muling uminit ang gilid ng aking mata kaya naman inipon ko ang lahat ng natitirang lakas ko para pigilan iyon. Dala na rin marahil ng pagdadalang tao ko kaya naman sa konting kibot lang ay umiiyak na ako.

"Bakit kaya ganuon si Ate...bakit galit na galit siya sa akin?" malungkot na tanong ko.

Parang wala naman akong naalala na naging madamot ako sa kanya. Kung ano naman ang meron ako nuon ay meron din siya. Kung mayroon mang binili si Mommy at Daddy para sa aming dalawa ay hindi naman akong nangakin.

"Fidez suffered from physical abuse and trauma from her real parents. Tsaka lang siya naging maayos nung napunta siya sa poder nina Mommy at Daddy. Nasa kanya ang lahat ng atensyon nuon, bigay lahat ng gusto at minahal siya at hindi itinuring na iba..."

"Hindi naman inakala na darating ka. Kaya naman kahit hindi namin gustong mangyari ay unti unting nabaliwala si Fidez..." pagod na kwento niya na para bang mabigat din ang dibdib niya habang inaalala ang mga pangyayaring iyon.

"Pero hindi ko nga nuon alam na ampon siya" laban ko. O sadyang masyado lang akong bata nuon para makitang iba talaga ang turing nila dito?

Nagkibit balikat si Kuya Frank. "Gusto ko siyang intindihin, pero hindi ko magawa. Wala akong nakikitang ibang rason para gawin niya ito sayo. Inggit? Bakit? Hindi naman siya pinagkaitan ng materyal na bagay...binigay din ang lahat ng gustuhin niya" paliwanag pa niya.

Sandali akong natigilan. Muling bumalik sa akin ang lahat ng mga nangyari nuong college. Kung paano siya muntik ng magpakamatay dahil hindi sila magkasundo ni Daddy.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now