Chapter 19

109K 3K 307
                                    

Visitor






Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan dahil sa sinabi ni Lumi. Hindi ko magawang lingunin si Kenzo dahil sa takot na makita ko ang kanyang reaction. Wala naman akong ginagawang masama, but i feel guilty at the same time.

Nanatiling nakangisi si Lumi sa aming harapan. Nakahalukipkip pa ito, akala naman niya ikinaganda niya iyon. Bwiset!

"Luminiere, are you done with your form?" tawag sa kanya ng mga kasama niya. Sandali niya itong nilingon bago siya nagpaalam sa akin.

"See you around, Sera" mapanuyang sabi niya sa akin. Nagawa pa niyang tingnan si Kenzo. Tong malanding to!

Napakagat ako sa aking pangibabang labi, ramdam ko na ngayon ang tingin sa akin ni Kenzo. Kita ko iyon sa gilid ng aking mga mata. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?" seryosong tanong niya sa akin.

Imbes na harapin siya, bumagsak ang tingin ko sa sahig. "Wa...wala" alanganing sagot ko sa kanya.

Narinig ko ang kanyang pagtikhim. Buong akala ko ay mamimipilit pa siya. Umangat na lamang ang tingin ko sa kanya ng marahan niyang pinisil ang aking kamay.

"Umupo ka muna, sandali lang ito"

Pinaupo niya ako sa bench, nasa tapat iyon ng medicine registrar office. Glass wall ang buong office kaya naman kitang kita ko mula sa aking kinauupuan ang nangyayari sa loob. May tatlong counter sa harapan, nakapila ang mga med student, freshman man o hindi. Sa gilid ng counter ay isang office. Duon ay nakita ko ang anak ng president. Si Sir Zach Alonzo. Abala ito sa harap ng kanyang laptop.

Sa sumunod na pinto ay isa nanamang student conference room kung saan pwedeng magreview ang mga med student. Napanguso ako habang iginagala ang aking mga mata. Magkaibang college ang ginagalawan namin ni Kenzo kaya naman may mga ganitong klaseng pagkakataon talaga na magiging out of place ako.

Inirapan ko ang nakatalikod na si Lumi sa akin. Nakaupo sila ng mga kasama niya at naghihintay din sa pila. Sumikip ang dibdib ko habang iniisip kong halos isang mundo lang ang gagalawan nila ni Kenzo. Hindi ko inakala na gusto din pala niyang maging doctor. Parang nung highschool ang gusto niya lang magkaboyfriend.

Kaagad nakuha ni Kenzo ang aking atensyon. Mula sa panunuod ko sa mga galaw ng tao sa loob ay nakuha niya kaagad ang mga mata ko kahit nakaupo lamang siya duon. Nakatingin siya sa akin, nagawa ko siyang ngitian ngunit pansin ko ang pagiwas niya. Napanguso ako, suplado ang gago. Hahalikan ko to mamaya!

Bago pa ako mabagot, muli akong napatingin sa office nung anak ng president. Hindi ko napansin ang pagpasok ng isang babae. Tumaas ang kilay ko ng makita kong tumayo ito para salubingin ang bisita. Nang sandali niya itong halikan sa labi, duon ko nakumpirmang iyon ang kanyang asawa.

"Shet ang puso ko!" reklamo ng ilang estudyanteng kasama ko duon sa may bench. Kagaya ko ay nanduon din ang kanilang atensyon.

Napangisi ako. Hindi ko naman sila masisisi, gwapo at macho naman talaga itong si Sir Zach. Kahit halatang may edad na ay nagsusumigaw pa din ang kanyang sex appeal. Napangiti tuloy ako ng maisip ko si Kenzo. Ano kayang itsura namin oag tumanda na kami? Panigurado gwapo pa din ang gago. Baka marami pa akong makaaway!

"Dating estudyante din yang si Ma'm Sofia dito...pharma yan"

"Naku, ang swerte talaga ng mga Pharma" reklamo pa ng isa. Nagtaas tuloy ako ng kilay, taas noo ko silang tiningnan. Parang gusto ko tuloy ipakita sa kanila ang ID lace ko o di kaya naman ang registration form ko.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now