ODN-27

27 0 0
                                    

Nakatitig lang ako kay mama dahil sa sinabi niya. Halos hindi mag sink in sa utak ko ang ibig niyang sabihin. Totoo ba ito? Tama ba ang narinig ko?


"Aya, dalian mo na lalamigin ang pagkain."


Napakurap kurap ako at nalipat ang tingin sa mga supot ng pagkain na hawak ko. Unti unti nalang akong tumango kay mama at nagpaalam na.


Habang naglalakad ako pabalik ng school ay hindi maalis ang isip ko sa mga sinabi ni mama. It sounded normal but there's something about what she said that seemed really special.


I don't want to get my hopes up so I shrugged it off for now. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagpunta sa kung nasaan si Jake.



Pumasok akong muli sa school at dumiretso sa building namin. Nakita kong wala na sila Teacher Fe at Teacher Agatha sa kung nasaan kami kanina. Mukhang lumabas narin sila para kumain. Tinignan ko ang hallway, ang daan papunta sa site ng ginagawang building.



Noong nakaraan ay nagsimula na silang magkabit ng mga bakal na magiging pundasyon ng building. Kita kong maraming bakal ang nakalatag sa sahig at maging sa itaas.



Naabutan ko si Jake na nakatayo sa harap ng isang lamesa. May tinitignan siyang kung ano doon. Sinubukan kong lumapit at tawagin siya.

"Um Engineer?"


Agad namang napatingin si Jake sa direksyon ko. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Itinaas ko ang mga pagkain na dala ko.


"Kain?"

Tinignan niya ang mga dala ko at unti unting tumango. Nakita kong niligpit niya ang mga gamit na nakalagay sa lamesa. Kumuha rin siya ng mga upuan na pwedeng magamit.


Naupo ako sa upuan na inalok niya at agad na nilapag ang mga pagkain sa harap namin. Nakastyro naman ang mga ito kaya hindi na namin kailangan ng plato. May kasama narin itong plastic spoon and fork.


"Hindi ka na dapat nag abala. Ayos lang naman ako dito."

"Sabi ng mga trabahador dito wala ka daw dalang pagkain. Wala ka bang balak kumain?"

Tinitigan niya lang ako at wala siyang sinabi. I looked at him and I noticed something strange with the way he looks at me. I felt quite uncomfortable with his stares kaya umiwas ako ng tingin. Tinuon ko ang atensyon ko sa mga pagkain.


"Galing kay mama yan. Ibigay ko daw sayo."

Nagulat siya sa sinabi ko at agad na nalipat ang tingin sa pagkain. Napakurap kurap siya habang palipat lipat ang tingin saakin at sa pagkain. Maging siya ay hindi makapaniwala na binigyan siya ni mama ng pagkain.


Nagsimula na akong kumain dahil kanina pa ako nagugutom. Maging si Jake ay kinuha na ang kubyertos niya at sinubukang tikman ang pagkain sa harap. His face lit up when he tasted the food. Napangiti ako ng mapansin na mukhang nasasarapan siya sa pagkain na niluto ni mama. Halos mauna na niyang naubos yung pagkain niya kaysa saakin.


Agad kaming natapos kumain. Doon ko lang naalala na wala nga pala akong nadalang tubig dahil nasa kung saan saan ang utak ko. Naisip kong kumuha nalang sana sa faculty room pero agad na naglapag si Jake ng tumbler sa lamesa. Mukhang may dala siyang inumin. Ayoko namang ubusin yun kaya umiling ako.


"Kukuha nalang ako sa faculty room. Sayo na yan."

"Drink, Aya." walang lingon niyang sinabi.



Hindi na ako nagprotesta at uminom nalang dito. Nagtira naman ako ng kaonti para sakanya. Pupunasan ko sana yung part kung saan ako uminom pero agad niya itong kinuha sa kamay ko at ininom ang natitirang tubig. Hindi ako agad nakareact dahil agad na niya itong nainuman. Gulat ang mukha ko ng tignan ko siya.


One Drunk NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon