"Hey."

"Hi. Napatawag ka?"

"I just wanna hear your voice. To prove that I'm not dreaming."

Pabulong lang ang pangalawang sentence kaya hindi ko nakuha kung anong sinabi niya.

"Ha?"

"Nothing. Did you have breakfast already?"

"Um, oo kakatapos lang."


Hindi siya sumagot pero rinig ko ang hininga niya sa kabilang linya. It feels nice to receive calls from him again and hear his voice on the other line again. I never had this kinds of calls anymore after we broke up. Well what do I expect, he'd call me after I broke his heart? Stupid.



"Nandyan ka pa?"

"Yeah. Sorry to call you this early."

"Ayos lang."



I missed hearing his sleepy voice. Dati tuwing gabi lang kami nag uusap sa phone dahil takot akong biglang papasok si mama sa kwarto ko para tignan ako at maabutan na may kausap ako. This is the first time he called me this early.


"This is the first time I called you this early."


Natigilan ako dahil sa sinabi niya. We're thinking the same thing. I smiled at that thought.


"Yeah I know."


Hindi ko maiwasan ang mag isip na baka sa pagkakaton na ito, makaranas na ako ng isang normal na relasyon. Kung noon, halos patago lahat ng mga ginagawa namin ni Jake, maging siya ay kinailangan kong isekreto sa mga magulang ko dahil sa takot ko sa sakanila.



Ngayon na pwede na, wala akong ibang nagustuhan na lalaki dahil hanggang sa ngayon ay ramdam ko parin ang pagmamahal para sa iisang lalaki. Naging maikli man ang oras naming magkasama, pinaramdam niya saakin na espesyal ako. He made me feel feelings I never knew existed. Nagmarka siya sa buhay ko kaya hanggang ngayon ay siya parin.




Hindi ko ikakaila na gusto ko parin siya, na mahal ko parin siya hanggang ngayon. Kung magkakaroon pa kami ng pagkakataon na sumubok pang muli, susugal ako. Pero gaya ng sinabi ko, ayokong ipilit sakanya yun. Alam kong nasaktan ko siya sa mga nasabi at nagawa ko noon. Gagawin ko ang lahat para makabawi sa lahat ng nagawa ko. Dahil ngayon, wala akong gustong mangyari kundi ang sumubok pa.





He's one of the best things that ever happened to me. Naalala ko ang mga panahon na pinagsamahan namin at totoong sobrang saya ko noon. He introduced me to many new things and he held my hand every hardships I experienced. He was there to comfort me, to guide and cheer for me. He's indeed a great man.



Noong nanliligaw siya noon, sinabi niya na bigyan ko siya ng pagkakataon para mahulog ako sakanya, nagtagumpay siya. Hindi naging mahirap na mahulog sakanya pero ang hindi ko inexpect ay hanggang ngayon, mahal ko parin siya.




"Good morning Teacher Aya."


Mapanuya ang ngiting ibinigay ni Teacher Agatha saakin pagkapasok ko ng faculty room. Alam ko na agad kung anong meron sa ngiti niyang yan.



Noong weekend, naging maayos naman ang usapan namin ni Jake. Hindi na nga lang nasundan ang tawag niya dahil mukhang naging busy siya. Hindi ko nalang pinakialam dahil wala naman akong karapatang magtanong.


"Good morning din Teacher."


Hindi ko na siya nilingon at dumiretso na lang ako sa log in book namin para pumirma. Pagkatapos ay sabay kaming lumabas ni Teacher Agatha papunta sa classroom niya. Dahil doon kami magtatrabaho ngayon.



One Drunk NightWhere stories live. Discover now