CHAPTER 6

8 2 4
                                    

HANNY'S POV

"Hello Dy?" sa wakas nasagot na din ni Daddy ang cellphone.

"Oh! Hi Princess! Do you need anything?" I have this feeling na nakalimutan ni Daddy kung anong meroon ngayon kaya kailangan kong subukan siya.

"Wala naman Dad,... Wala po ba kayong nakakalimutan ngayong araw?" pababa ako ng hagdan habang kausap si Daddy.

"Hmmm... Wala naman sa tingin ko. Ano ba iyon?..." nawala ang ngiti sa mga labi ko "They are waiting, Mr. Fynn" narinig ko ang tinig ng sekretarya ni Daddy. "I'll be right there... Hindi ko naman nakakalimutan ang ilalabas nating press conference mamaya. May iba pa ba?"

"Ayy wala naman Dad. Sige po!" tinapos ko ang tawag at pinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan.

Umuwi si Daddy kahapon pero hindi niya man lang ako binati sa gagawing Moving Up ngayon. Gusto ko sanang sabihin ang matatanggap kong award pero may kausap pa siya sa cellphone. Inabot na din ng gabi ang long quiz ni Luke kaya tulog na si Daddy ng matapos ako. Pagka gising ko naman ay maaga daw pumasok sa opisina si Daddy dahil kakausapin pa daw niya ang Board of Directors kaya hindi ko nagawang sabihin pero nakasisiguro akong nabanggit ko na sa kaniya ang araw ng Moving up namin nakaraang linggo kaya imposibleng nakalimutan niya. Hayst! Bahala na nga! Lagi namang ganito eh! Bakit pa ba ako nagtataka.

"Ok ka na ba Karryl?" tanong kaagad sa akin ni Nay Nelly pagkababa ko sa hagdan.

Si Nay Nelli ang tatayong magulang ko ngayong Moving up kaya bakasyon niya ngayong araw.

"Ok na po... Magpapahatid lang po tayo hanggang sa may waiting shed na palagi kong pinagbababaan Nay. Mula doon maglalakad na po tayo."

"Ano ka ba naman... Sanay ako maglakad sa Probinsya kaya ayos lang sa akin." natatawang pahayag niya pero sumeryoso ding bigla. "Nabati ka na ba ng Daddy mo?" sumakay kami sa naghihintay na sasakyan sa labas bago sumagot sa tanong niya.

"Syempre naman po Nay, hindi naman daw po niya nakalimutan. Sadyang busy lang po siya ngayon kaya kanina niya lang nasabi." pilit ang ngiti na ipinakita.

"Mabuti naman kung ganoon..." hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Sigurado akong proud na proud ang Mommy mo ngayon sa iyo."

"Salamat Nay," ginantihan ko ang higpit ng hawak niya bago bumitaw. Tumigil kami sa may waiting shed at hindi ko na hinintay na pag buksan ako dahil ako na mismo ang nag bukas ng pinto.

"Alam ko kung gaano kahirap mabuhay ng walang magulang na gumagabay sa iyo." nagsalita ulit si Nay Nelly habang naglalakad kami bitbit ang bag "Hindi kita masisisi kung isang araw mapag isipan mo na mag rebelde ka..." pa minsan minsang sumusulyap sa akin at babalik din ang paningin sa nilalakaran namin. "Pero natutuwa ako na inuunawa mo pa rin ang Daddy mo." tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. "Naging mabuti kang anak sa kaniya ngunit hindi ko lubos maisip na gumagaling ka na sa pagsisinungaling."

Nangunot ang noo ko sa hulung sinabi niya "Po? Ano pong... Ibig niyong sabihin?"

"Pasensya ka na Karyll... narinig ko kasi ang usapan niyo ng Daddy mo." umawang ang labi ko sa pagtatapat ni Nay Nelli. "Sinubukan kitang tanungin para makapag sabi ka sa akin ng nararamdaman mo pero pinipilit mo pa ring sarilinin."

"Nay kasi... " wala akong maisipang idadahilan kay Nay Nelli kaya isinarado ko na lang ang nakabukang bibig ko.

"Ayos lang kung ayaw mong pag usapan natin ngayon." nauna na siyang maglakad kesa sa akin kaya sumunod ako sa kaniya.

BILDEN TWELVE: RevealOnde histórias criam vida. Descubra agora