CHAPTER 2

6 2 0
                                    

Hanny's POV

"Mart!" tawag ko sa kaniya.

"What?" nakangising sagot niya kaya lalo ko siyang pinandilatan ng mata.

"Just wait in the car." turo ko sa labas ng bintana.

"Alright! Jeez!... The plane is waiting for almost an hour so you'd better hurry up." lumabas na siya ng coffee shop pero nananatiling nakatayo pa rin si Luke sa pwesto niya.

"Same goes with you Luke" tiningnan niya lang ako at umupo sa pinakamalayong table.

"I'll just stay here." bumuntong hininga ako bago umupo ulit ng ayos sa harap ni Maye na hanggang ngayon ay pina process pa rin ang narinig.

"Uyy! Ano na? May pupuntahan pa kami" tiningnan niya ako ng nanlalaki ang mata at bumubukas sarado ang bibig na parang may gustong sabihin pero binabawi din.

"A-ano... Paano?... S-"

"Sasagutin ko lahat ng tanong mo kaya isa isa lang." sunod sunod na huminga siya ng malakas bago tumingin ng diretso sa akin.

"Anong sister in law ang tinutukoy nung M-Mathew na iyon."

"Correction! Future pa lang iyon and yes may fiance na ako."

"Huh? Sino?"

"Yung nakatatandang kapatid ni Mathew... siya si Slade Miller" kinuha ko sa bag ang singsing at isinuot sa daliri. Ipinakita ko sa kaniya para kahit pa-paano ay maniwala siya.

"P-pero ang bata mo pa. Wala ka pa nga sa legal age para magpa kasal." problemadong pahayag niya. Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero natutuwa ako dahil kahit papano ay may tunay akong kaibigan na mas problemado pa kesa sa akin.

"Mahirap ipaliwanag pero sa mundong ginagalawan ko hindi na bago ang salitang arrange marriage."

"Arrange marriage? Sa mga palabas na napapanoood ko ang mga mayayaman lang na tao ang gumagawa non! Hindi ka nam-" natigilan siya sa sinabi at tiningnan ako na parang may na realize. "Oh My Gosh! Ma-ma-" tumango-tango ako bilang sang ayon sa kung ano man ang na-iisip niya.

"Hindi ka nagkakamali Maye."

"WAAIITT! Ano nga apelyido niya kanina?... Huwag!! Huwag mong sagutin..." nakahawak siya sa sintido pinipilit na alalahanin ang apelyido ng kasama ko kanina. Nanlaki na naman ang mata niya "... M-Miller? He's the famous Miller? Yung Miller na kilala ko sa news and magazine? Y-yung sa S-Sweren Corporation?"

"Oo Maye, may itatanong ka pa ba?"

"Kung siya si Mathew at Heizer Slade Miller then isa lang ang babae na dapat pakasalan ng mga Miller at iyon ang nag iisang tinatagong Anak ng Flynn na hanggang ngayon... hindi alam kung sino." wala sa sariling kausap na naman ni Maye ang sarili. "Eh bakit engage ka kay Slade Miller? Ooohhh Eem?" natatawa ako sa iba't ibang reaksyon na lumalabas sa mukha niya pero kailangan ko na talagang bilisan ito.

"Again! I'm Hanny... Karyllhann Xenesz Flynn" inulit ko ang pagpapakilala sa kaniya tulad ng ginawa kong pagpapakilala noong nakaraang apat na taon.

"Yaaa! Naka kainis kaaa! Bakit ngayon mo lang sinabi? Kaya ba hindi ka sumasama sa mga gala namin kasi nahihiya kang kasama kami. Oh wait! Kaya ba ayaw mong sumama sa Bilden dahil nagsasawa ka na doon Elementary pa lang! Huh?" nagbago ang timpla ng mukha ko pero pinili kong ngumiti para hindi niya mahalata.

"Excuse me! Hanny your father has been calling you countless times and he wants you to know that our arrival in Kuala Lumpur is expected 9 o'clock sharp." striktong sabi ni Luke. Binigay ko muna sa kaniya ang bag ko bago tumayo.

BILDEN TWELVE: RevealNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ