Chapter 1

14 2 0
                                    

"Earth to Hanny! " - snap- - snap- "Nakikinig ka ba?" nawala lahat ng nasa isip ko dahil kay Maye. Nangulubot ang mga kilay ko at tiningnan sila.

"Ano ba?! Hindi mo ba nakikita na busy ako?" nakakainis naman ehh!

"Mag relax ka nga. Katatapos mo lang kumain mainit na agad ang ulo mo." sabi ni Mica

"Alam mo bang open sa lahat ng outsiders ang Bilden kagabi tapos hindi ka man lang sumipot." dagdag pa ni Maye.

"Alam niyo... Sa halip na binasa niyo na lang ng modules ang mga kinuwento niyo, marami na kayong natutunan. Lalo ka na Maye..." turo ko kay Maye "Huwag kang makikipagsabayan kay Mica dahil malamang sa alamang tapos na yan mag review kagabi." ibinalik ko ang aking mata sa pagbabasa.

"Tch! Hindi naman ako nag hahabol ng Valedictorian ngayong moving up noh! Atsaka masaya na rin naman si Mama na hindi bumababa ang grade ko kahit puro lakwatsa ang alam ko... Huwag ka ngang kontrabida jan! Mag re-review din ako mamaya sa one hour vacant natin." nakangusong sagot ni Maye.

"Wag mo ngang ibahin ang usapan Hanny, Nasaan ka kagabi at hindi ka pumunta?" usisa ni Mica.

"Nasa bahay. Saan pa ba ako pupunta?" sagot ko pero hindi pa rin natatanggal ang mata ko sa libro.

"Ehh diba sabi namin pupunta tayo sa Bilden? Apat na taon kitang kaklase at kaibigan pero hindi ka sumasama sa mga gala natin. Parang nag date lang tuloy kami ni Mica kagabi. Grrr!"

"Alam ko! Pero marami pa akong dapat tapusin na libro. Atsaka huwag ka ngang mag inarte jan! Alam mo namang hindi ako sumasama sa mga gala niyo kahit isang libong paalala pa ang gawin mo."

"Ito namang babae na toh! Sige na! Magpakasaya ka kasama ng mga libro mo." sa wakas tinigilan din nila ako. Marami-rami na din ang nababasa ko gayundin ang pinagke-kwentuhan nila at talagang marami pang nakisawsaw sa kwentuhan nila kaya lalong humahaba. Pasalamat sila at wala ang dalawang teacher namin ngayong hapon at long quiz naman sa last subject.

"Hindi keri ng beauty ko ang mga aura ng mga studyante doon. Imagine! Uniform pa lang sinisigaw na kung gaano kamahal tapos yung mga accessories nilaaa... Shiyet! Sa magazine ko lang nakikita iyon." OA na kwento ni Jace, isang baklang kaklase ko at siya namang tango ng mga nakakita.

"Pero speaking of aura! Last appearance na pala ni Ate Kath kagabi at hindi na daw siya ang lead vocal next year." malungkot na pahiwatig ni Mica

"Graduating na kasi. Pero ang galing ni Jam mag guitara nakaka in love." pagpapantasya naman ni Maye.

"Correct ka jan gurl! Pero ngayon ko pa lang na realize na sobrang laki talaga ng Bilden! Biruin mo taon taon nagbubukas sila ng limang araw para sa mga outsiders pero hanggang ngayon hindi ko pa natat..."

-BLAG- Malakas na bumukas ang pinto kaya nalipat ang aking atensyon sa bagong dating.

"Diaaane! Sa iyo ba yung pulang sasakyan sa parking lot?"

"Yupp! Moving up gift ni Daddy!" nakangising sagot ni Diane habang pina paikot ang susi ng sasakyan sa hintuturo. "... But giiirls! That is not the main point." nagmamadali siyang umupo sa pinaka harapan at lumingon sa mga alipores niya. Isa si Diane sa pinakamayaman na studyante dito sa school. Iilan lang naman ang mayayaman dito kaya makikilala talaga sila sa pananamit. Isa din siya sa mga studyanteng humahabol sa Valedictorian sa darating na moving up.

Nagmamadali silang nagkumpulan sa harap ni Diane."Ehh Ano!?"

"May mas maganda pa bang balita kaysa sa bago mong sasakyan?" binalik ko na sa libro ang paningin pero sa sobrang lakas ng kwentuhan nila wala akong naiintindihan sa binabasa ko.

BILDEN TWELVE: RevealWhere stories live. Discover now