"Yup! Kailan ba?" I excitedly uttered. Next week na ang enrollment para sa second semester ng second year namin. Sina Joaquin naman ay nasa third year na sila. 

Sabay nga kaming ga-graduate ni Joaquin kung hindi babagsak ang isa sa amin. Apat na taon nalang ang accountancy dahil sa k-12, samantalang five year degree ang Engineering. Ang saya siguro kung sa taon na nagtake kami ng board, pareho kaming pumasa. 

"You decide." Magiging abala kami sa pag-open ng klase. Balita ko mabibigat ang mga subject namin ngayon kaya napanguso ako. 

"How about next week?" He nodded. After the enrollment siguro ay dederetso na kami sa La Trinidad. 

"Sure ka ba na nandoon na ang mga dog food?" Paninigurado ko. Papunta na kami ngayon sa may Alapang, La Trinidad dahil doon ang foundation nila.

Nakakatuwa nga dahil kahit mayayaman sila ay hindi sila nagdadalawang isip na tumulong. Tita Ainna's built a foundation for the dog because she is a dog lover, no doubt Joaquin too. While tita Aimee's built a foundation for the less fortunate students who aim to finish their studies. 

"Don't worry, it's already delivered." Sagot niya sa akin habang nakangiti. As usual, siya ang nagmamaneho at hawak-hawak niya ang kamay ko. 

"Marami bang dogs?" 

"I think, one hundred?" 

"Kailan last punta mo?"

"We visited last month with my mom, matagal na rin kasi simula nung last na punta ko." Ah oo natatandaan ko iyon, in-update niya ako noon nasa Manila na ako. 

"May malapit ba na pasyalan don?" I suddenly asked. Napasyalan na namin ang mga pasyalan sa Baguio pero hindi pa lahat sa La Trinidad, sa Strawberry farm pa nga lang kami nakakapunta. Tiyaka sa bell church and colorful houses. 

"Yup. The twenty thousand roses in Alapang La Trinidad." He said, mukhang hindi ako pamilyar roon. "It's a garden." 

"Punta tayo pagkatapos?" Ito na ang last na gala namin ngayon na walang iniisip na kahit anong school works. Naglabas nga ng grades ang SLU noong isang araw, kailangan kong pumunta sa dean para kunin ulit ang certificate for dean's lister. 

Nang makarating kami sa foundation, isang simpleng building lang din siya. May sumalubong kaagad sa amin na mga babae na mukhang namamahala. Naka-uniform din sila na blue and black. Narinig ko na ang mga aso mula sa loob kaya bigla akong sumigla. 

"Good morning sir, buti napabisita po kayo ulit." Tumingin ako sa plate name niya. Ate Rosalinda since mukhang nasa mid 40's na siya. 

"Yeah. How's the dog?" Tanong ni Joaquin tiyaka niya ako inalalayan papasok. Kaagad bumungad sa akin ang maraming kulungan pagkatapos ay mayroon pang play area. 

May iilang tao rin na bimibisita para magpakain ng mga aso, pwede rin mag-ampon ng aso kapag nagustuhan nila iyon. Magbibigay nga ng donation kapag mag-ampon para sa mga maiiwan na aso. May pitong attendant siguro, tatlong babae at apat na lakaki ang nag-aalaga sa mga aso. 

Nag-uusap pa sina Joaquin at si ate Rosalinda na mukhang siya ang head. Hindi na ako nagawang ipakilala ni Joaquin dahil lumayo ako sakanila para lapitan ang mga aso, may name tag sila para hindi makalimutan ang pangalan. 

Lumuhod ako and then I patted Geco's head. Mabuti nalang at hindi siya tumahol dahil hindi pa niya naman ako kilala. Kumuha ako ng dog food para ipakain sakaniya, kumuha rin ako ng ilang laruan para makapaglaro kami. 

Nagulat ako nang may tumabi sa akin, nakita ko iyong isang babaeng attendant na mukhang kaedaran lang namin. Napatingin ako sa name plate niya, her name is Kris. I smiled at her then she gave me a warm smile. 

Escape In A Cold City [Baguio Series #3]Where stories live. Discover now