Narinig ko pa ang bulung bulungan ng mga babaeng walang ibang ginawa kundi ang manghusga, kala mo naman maganda.


"Arte mo naman pala!" Singhal sa akin nung babaeng mabaho ang hininga, my God! Hindi sa ganitong paraan ang gusto kong pagkamatay!


Napatakip ako ng ilong nang maamoy ko iyon at halos mahilo na din. Ayaw kong magmukhang masama dito at maging bully, you can't just blame me dahil nagsasabi ako ng totoo!


"For all of your information, hindi siya nagpropose!" I shouted. Doon ko na lang din napansin na may mga crew na ng media ang nagsisimulang maglitrato sa akin. "At, Ate please lang, uso magtooth-brush." Irap ko sa kanya at tsaka naglakad papalayo.


"Sissy! Dito!" Napatakbo ako papunta sa kotse ni Aihira, pagkasakay ko doon ay doon ko na lang din napansin na hinahabol pala ako ng press.


"Anong meron?" she asked.


"It was Oliver, dinumog kami, everyone thought he's proposing." I explained to her.


"Oh ano palang ganap?" she asked again,


"He was just saying sorry until lumuhod siya and of course, I told him to leave me, blah blah." Sa totoo lang ay ayaw ko muna iyong pag-usapan. Nasaktan ako ng makita siyang umiiyak. Napalapit ako ng sobra sa kanya, and I have seen all his sweet sides. He never failed to make me laugh and smile.


Not until I knew that he was just lying pala, and again, he was just faking it para makuha ang loob ko.


I can say na sa umpisa ay talagang nahypnotize nila ako but as days goes by, I thought that meeting them is maybe the reason para magsettle down muna ako sa piling nila.


Well my first try wasn't good at all.


Nang maihatid niya ako sa bahay ay napansin ko ang hindi pamilyar na kotse sa harapan ng aking gate.


"Ma'am, may bisita po kayo." Sabi sa akin ng guard. Agad naman akong pumasok at doon ko nakita si Ate Aleia.


"Vareen! Ano 'tong nalaman ko kay Helia na aalis ka na daw?" I kissed her cheek at tsaka umupo sa tabi niya.


"Doon muna ako titira kila Lolo, after what happened, I badly need a break, ate." I told her.


"Hay nako, sinasabi ko naman sa'yo, kung yung ading ko na lang sana pinili mo, edi sana okay ka pa ngayon!" Napairap na lang ako sa kanya, kahit piliin ko pa din naman si Raze ay ganoon pa din ang mangyayari.


I sighed and let go of the thought, my feelings for Raze faded away when I met the Jayce and Oliver.


"Kumusta na pala si Raze, ate?" I asked, noong nakita ko siya sa Marinduque ay mukhang masaya naman ito, hindi ko alam. Mukha naman siyang okay.


"Isang buwan nang hindi nagpaparamdam ang loko! Hindi din nagrereply sa mga text at sumasagot sa mga calls namin ni Mommy." She said. Mukha ding walang alam si Ate Aleia kung nasaan ang kanyang kapatid, it means hindi nila alam na nasa Marinduque siya.


Napatango na lang ako at hindi na binalak sabihin na nakita ko si Raze three weeks ago sa Manawayan.


"You don't deserve all of this to happen, naku! Hindi naman kita nakikitaan ng rason para lokohin at gamitin! Kapag nakita ko talaga yung dalawang yun, puputulan ko sila ng hinaharap!" I know what she's pertaining to.


Naku, Ate! Sayang lang, malalaki at mahahaba pa naman ang mga iyon.

I immediately removed that thought from my head at tsaka tumawa.


"Matagal na kitang kilala, Vareen. I know how much Carmelita's means a lot to you. I totally agree that you should at least have a break for now and start again. Iyon na lang naman ang magagawa mo eh, nangyari na. And I know, one day, makakabangon ka ulit and you will grow into a way more better woman."


**


"Ihatid na kita sa inyo." Jaydee insisted after yayain niya akong kumain sa isang restaurant dito sa Sibiu, Romania.


Yes, I met Jaydee here a few days ago after a got here in Sibiu. Hindi niya pala alam ang ginawa ng kuya niya. At first ay kinamuhian ko siya dahil naaalala ko ang ginawa sa akin ng kuya niya, at kahit wala siyang ginawa sa akin ay para siyang tanga na nagsosorry sa ginawa ng kanyang mga kuya. In the end, he realized na bakit daw siya mags-sorry para sa dalawa kung wala naman siyang connectivity sa kagaguhan na ginawa sa akin.


Nagkataon din pala na nakavacation mode siya dito sa Romania, just like the same way noong una kaming nagkita.


"Come on! Pasok ka muna." Hindi na din naman siya nagpatinag at nagpahila na sa akin papasok sa bahay namin.


Laking gulat ko nang makita ko ang buong angkan ng Dalton doon, even Auntie Amelia and Uncle Silvester (from the orphanage) ay nandoon din, naagaw ang atensyon ko nang makita si Helia na nandito din at umiiyak.


Lahat sila ay tahimik, nakatuon ang atensyon sa akin at naghihintay nang magsasalita.


Napahigpit ang paghawak ko sa kamay ni Jaydee nang tumayo si Lolo.


"What is the meaning of this?!" Umalingawngaw ang boses niya sa buong living room nang ipakita niya sa akin ang isang larawan.


Oh, fuck. I was about to surprise them, pero bakit ako ang nasurpresa?


Looks like the tables turned again. I'm so dead. 


**


TRINITY (Completed)Where stories live. Discover now