Chapter 56: Planned 1.2

Start from the beginning
                                    

Bandang alas-dose ng gabi nang dumating si Astra.

Nag-usap sila agad at nagplano.

"Okay, Amore. I'll be there. Hindi ka namin hahayaang masaktan ng lalaking iyon. Sana nga mahuli namin siya bukas. Sana makiki-ayon ang panahon."

"Sana nga. Mag-disguise na lang kayo bukas na mga turista. Sa kabilang resort na lang kayo magcheck-in. Private kasi ang resort ni Regor kaya hindi kayo puwedeng makapasok doon. Gumamit na lang kayo ng telescope para makita kami ng malapitan. Saka huwag kalimutan ang mga sinabi ko. Bawat senyas na ginagawa ko ay may katumbas na kahulugan, huwag ninyong kalimutan."

"Okay. Copy!" sabay nilang sagot.

"Well, I have to go home now. Doon niya ako susuduin eh. Baka maghinala na talaga siya kapag wala ako doon. Sige, magkita na lang tayo sa location. I'll already told you the details. Don't forget. I'll go ahead."

Umalis na si Amore. Umuwi siya sa apartment niya.

Nag-usap din sina Astra at Scarlett ng mga gagawin nila bukas. Kailangan nilang maging handa sa anumang oras. Kilala nila si Regor kaya hindi sila dapat makampanti.

KARARATING lang ni Amore sa apartment niya. Naiinip siyang umupo sa couch pagkatapos ma-i-lock ang pintuan.

"Sana walang masamang nangyari kay Liam. Almost a month ko na siyang hindi nakaka-usap. Si Lita siguro busy rin siya. Ano ba ang mga dapat kong gawin bukas? Hmm."

Tumayo siya at tinungo ang kuwarto niya. Kinuha niya mula sa ilalim ng higaan niya ang 38 caliber na armas niya. Tiningnan niya ito. Kumpleto ang bala.

"Humanda ka bukas Regor. Hindi kita hahayaang gumawa pa mg kasamaan."

Napailing siya. "No, hindi ko pa siya pwedeng patayin. Marami pa akong gustong malaman. Gusto ko ring malamang ang katotohanan sa pagkamatay ng ama ko. Anong kinalaman niya sa kaso ng Daddy."

"Kailangan kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Kaya humanda ka Regor. I'll make you pay! Naniniwala akong may kinalaman ka talaga. Oo may mga bagay akong hindi natatandaan pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ka."

Naikuyom niya ang mga palad. Isinilid niya sa bag niya ang baril niya. Baka naisipan niyang dalhin ito bukas. May iilang gamit pa siyang dinala. Mga maliliit ang mga iyon pero mga deadly weapon. Pwede niya iyong gamitin ano mang oras na nanganganib siya.

Hindi siya pwedeng magsuot ng bullet proof kapag yayain siyang magswimming.

Umupo siya sa kama niya. Nagtatagis ang mga bagang niya sa galit.

Napaisip siya. "Kung magkapatid sina Liam at Regor paanong hindi ko nakilala si Liam noon? Hmm. As what Liam told me already, half brother niya si Regor."

Napailing siya. "Aist. Anong paki-alam ko. Kung anong relasyon mayron sila. Pero nakakapagtaka. Gusto ko rin iyang malaman ng husto."

Napabuntong hininga siya. Humiga na siya sa kama niya. Gusto niyang makatulog na. Ayaw niyang mapagod at baka wala siyang lakas para bukas.

Nagising si Amore sa tunog ng busina ng kotse. Bumangon na siya at tiningnan kung sino. Si Regor na iyon. At sa hindi kalayuan may dalawang kotse na nakaparada. Baka mga tauhan niya.

Dali-dali na siyang naligo at nagbihis saka binuksan ang pinto at lumabas na ng bahay.

"Good morning Darling, I'm sorry ha. Nakatulog ako ng mabuti. Hindi ko agad narinig ang busina ng kotse mo."

"Ayos lang. Sige sumakay ka na." Pinagbuksan siya nito ng kotse.

"Okay. Thanks."

Pumasok na rin ito. "Let's go."

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Where stories live. Discover now