Chapter 55: Plan 1.1

Start from the beginning
                                    

Natawa ang tatay nila. "Anong hindi? Guwapo iyon at saka mabait pa. Nagka-usap kami noon at itinanong kung anong klaseng anak ka para sa amin? Siyempre sinabi ko ang totoo."

Nabigla siya sa narinig niya. "Hala, si tatay. Anong sinabi mo? Hindi ko alam iyon ah," tanong niya habang hindi pa rin makapaniwala.

"Sinabi ko na ikaw ang bread winner ng pamilya. Mabait at masipag kang bata. Kaya napangiti siya ng mga oras na iyon. Hindi na rin nagtanong pa ng inaya mo ng umalis dahil nga hindi maganda ang loob mo sa nanay mo."

"Ah, ganun ba?"

"Ate, dito ka na muna matulog. Hindi ka na natutulog na kasama mo kami. Na miss na kitang katabi." Ingos ng kapatid niya.

Nag-isip muna siya kung pagbibigyan  ba niya ang hiling ng kapatid niya. Ang plano sana niya ay sumaglit lang para magbigay ng pera. "Sige na nga. Pero maaga pa akong aalis bukas. May trabaho ako eh." Napilitan siyang pagbigyan ang kapatid. Totoo na man na hindi na siya nagtatagal o nakikitulog sa bahay nila simula ng magtrabaho siya kay Amore.

Pumupunta at sumasaglit lang siya para mag-iwan ng pera.

"Yehey. Salamat Ate. Bili rin tayo ng masarap na ulam mamaya."

"Oo, siyempre bili tayo. Teka, mag mall na lang kaya tayo ngayon. Mamili tayo ng damit ninyo at mga gamit dito sa bahay. Kasusweldo ko lang sa isa kong part-time job kaya mag-shopping tayo."

"Eh, si nanay?" tanong ng kapatid niya. Kahit ganuong ina meron sila ay nag-aalala pa rin naman sila para rito.

"Bibilhan na rin natin siya. Uuwi na lang tayo mamaya para sa hapunan. Okay ba iyon tay?"

Tumango naman ang tatay niya. Excited na rin itong nagbihis ng damit. Mabuti nga at wala ang nanay niya. Dahil kung nandiyan purnada na naman ang shopping nila. Hindi 'yon papayag. 

Nakapagbihis na ang ama at kapatid niya kaya umalis na sila. Wala siyang pakialam sa nanay niya. Kahit magalit pa ito dahil wala sila sa bahay.

NASA mall na sila, umakyat sila sa second floor para bumili ng mga damit. Pumili na rin siya ng damit sa nanay niya. Hiniling niya na sana ay magugustuhan nito ang binili niyang damit at sapatos.

"Ate, gusto ko rin sana ng bagong phone." Ingos pa ng kapatid niya.

Ngumiti siya. "Sige," tiningnan niya muna ang wallet. May 15,000 pa siyang natira. Ito lang ang dala niyang cash.

"Totoo ba iyan Ate na bibilha mo ako ng bagong phone? Pero baka kulang na ang pera mo." Ang mukha nitong kanina ay masaya ay napalitan ng lungkot. Naisip nitong baka wala na siyang pera.

"May pera pa ako rito pero puwede bang medyo mura lang muna. Pang  six thousand pesos na cellphone lang muna. Medyo kukulangin na ang pera ko. Bibigyan ko pa mamaya si Tatay at si nanay. Alam mo na."

Napangiti ulit ang kapatid niya
"Ayos lang iyon Ate. Maganda na ang cellphone na pang-6k, Vivo Y11 na lang ang bibilhin ko."

"Sige. Tara na."

Nagbayad na sila sa counter ng mga pinamili nila. Pagkatapos nilang nagbayad ay napadaan sila sa Mang Inasal. "Ate, dito na lang tayo kakain."

"Anong dito, ha?Ang nanay ninyo ay naiwang mag-isa sa bahay. Doon na lang tayo kakain. Magagalit iyon malamang."

"Take out na lang tayo. Sa susunod na lang tayo kakain sa labas."

"Sige na nga lang. Si nanay kasi, puno ng kaek-ekan sa buhay," usal ng kapatid niya, na narinig din naman  niya dahil may kalakasan. Bahagya siyang natawa. Nagtake- out na lang sila at umuwi.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Where stories live. Discover now