Chapter 44: Going out of the Sight

Start from the beginning
                                    

"Bakit palagi siyang nangangailangan ng pera? May utang ba siya?"

"Wala. Sadyang malakas lang talaga manghingi ang nanay niya. Galit daw ito kapag hindi mabigyan ng pera. Iyon lang daw ang malaking rason bukod sa breadwinner siya sa pamilya."

"Ah. Ganun ba. Salamat Amore."

"Tulungan mo na lang siya kung anong meron ka. Huwag mo nang awayin. Hindi mo lang alam na kahit anong tapang at astig niya. Malambot pa rin ang puso niyan."

Natahimik bigla si Dindo sa narinig niya. 

"LAHAT ng kalahok ay pumarito na dahil i-a-announce ko na ang mga nanalo. Lima ang mananalong grupo este lahat na lang para masaya. 

Ang champion ay sina Astra at Dindo, pangalawa..." sunod-sunod na anunsyo sa mga nanalong pair. 

Napatalon at niyakap ni Astra ang lalaki pero agad naman itong kumalas. Nahiya siya sa ginawa niya  ng maalala na minaliit lang niya ang kakayahan ng lalaki. 

Natapos ang laro na lahat ay kapwa masaya dahil lahat ay may premyo.

Nauna na ring umalis si Amore dahil may gagawin na naman ito. Parte pa rin ng misyon niya. Parang hindi na nga ito nagpapahinga. 

"Congratulations Doc Dindo and Astra," bati ni Scarlett. "Kailan kayo babalik ng bahay ninyo? Ngayon na rin ba?" Nanalo rin sila ng second place sa laro. 

"Ano ka ba Scarlett. Siya lang ang babalik sa bahay niya. Dito na ako simula ngayon. Hindi na ako ang bodyguard niya. Maghahanap na siya ng bago," sagot ni Astra.

"Hindi puwede. Ang utos ni Amore ay sasamahan mo siya pauwi. Okay ba? Saka feel free to contact us if inaaway ka ni Doc."

"Ano?"

 "Okay? Sige na. Doc isama mo na siya. Bye, Ash. See you next time around," sabi ni Scarlett. Wala na siyang magawa kundi sundin ang utos ni Amore. 

Lumabas na sila ng hideout. Sumakay na siya sa motor niya. Umangkas na rin si Dindo. Pero walang imikan ang dalawa. Ang laking himala. 

Hanggang sa nakarating na sila sa bahay nila. Hindi na nang-asar si Dindo kaya nakahinga na siya ng maayos.

Sa isip niya mas mainam nga. Baka pinagalitan ni Amore kaya nagtino.

Sa kabilang banda, kung may mga nagkakasaya ay mayroon ding nalulungkot.


NGAYONG araw ay buo na ang desisyon ni Liam pero puno pa rin siya ng pag-aalinlangan. Marami siyang pangamba pero kapag nasabi na niya ang tungkol sa nililihim nila ay magiging malaya na siya na sundan sa Maynila ang nobya, pero paano?

Telling the truth is harder compared for being broken. Paano nga ba simulan ni Liam ang pagsasabi ng katotohanan sa matanda ng hindi ito mabibigla o magagalit?

Simula ng umalis si Amore sa isla ay hindi na siya kailanman napanatag. 

Kinukonsensiya siya sa araw-araw na paglilihim sa matanda. 

Sa bawat araw na nagtatanong ang matanda ng tungkol kay Amore ay wala siyang magagawa kundi ang pagtakpan ang lahat ng tungkol sa nobya. 

Kasalukuyan siyang nasa dalampasigan at naglalakad-lakad. Gusto muna niyang pag-isipan ng mabuti ang magiging desisyon niya.

Nalilito na talaga ang utak niya. Ang bilis lang naman magtapat pero mahirap para sa kanya na makitang masasaktan ang matanda.

He need to think more about it. Hindi siya pwedeng magpadalus-dalos ng basta-basta.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Where stories live. Discover now