Chapter 44: Going out of the Sight

Start from the beginning
                                    

Saglit na tumahimik ang paligid sa pagitan nila.

"Ash, maganda ba ang tulog mo kapag nandito ka?" walang maang na tanong niya sa babae.

Ngumiti lang ito saka kunwari nag-isip. "Sa totoo lang oo, tama ka. Maganda ang tulog ko kapag nandito ako at hindi kita makikita ng mga mata ko".

Ouch! Saklap nun a. Napangiti naman si Dindo.

"Well, ibabalik na kita dito if ito ang gusto mo. Hindi na kita pipilitin na maging bodyguard ko. Forget everything about me. At iyong cash advance mo don't worry. Hindi mo na kailangan bayaran. Ayos lang."

Umismid lang siya. "Okay. Much better. Iyon lang ba?"

Bumalik na sina Amore at Scarlett. 

"Saan ba kayo pumunta?" tanong ni Astra. 

"Well, where going to have some game. Para sulit ang Sunday na magkasama tayong apat."

"Mga dalawang oras lang naman ang ilalaan ko kasi aalis na ako agad. I need to do my mission," sabad ni Amore.

"Ano naman ang laro na yan? Marami ang sasali? O tayo lang apat?" tanong ni Astra ulit. Tahimik lang si Dindo.

"Paramihan ng maasintang target. Practice sa firing at the same time laro na rin. Para may pakinabang. At ang premyo ng may pinakamaraming natamaang target ay may 100,000 saka one week vacation. Ayos ba iyon?" paliwanag ni Scarlett. "By pair ito ha,"  she added.

"Scarlett tayo na lang ang magka-partner please," ingos ni Astra sa babae. 

"May partner na ako. Saka si Amore di siya sasali. Siya lang ang scorer. So bali 10 kapares ang sasali kasama ka at ng partner mo. Si Doc Dindo na lang kaya."

"Ayoko. Ano namang alam niya. Ang hirap kaya niyang turuan dati. Ayaw ko na. Hindi na ako sasali!"

"Okay. Payag ako. Marunong na ako don't worry," anang Dindo. Medyo kampante siyang makakatama siya.

"Oh ayon naman pala eh. Mayroon kayong tig-sa-sampung bala. Kaya ang pinakamataas na maasintang target ay dalawampu. Tara na, let's go!"

Nasa field na sila. Nakapuwesto na ang ilang mga kasamahan nila. 

Ang sama ng tingin ni Astra kay Dindo pero nginitian lang siya ng lalaki. "Humanda ka 'pag natalo tayo. Babayaran mo ako ng 100, 000. Sige ka!"

Tumawa lang ito sa kanya. "Mukhang pera ka Ash. Wala ka nang ibang iniisip kundi pera," pagbibiro nito. Kaya nakatikim siya tuloy ng isang tadyak.

"Okay let's start. One, two, three go,"  sigaw ng nagsilbing taga-organisa ng laro.

Pumuwesto na si Astra. Itinuon na nito ang armas sa target niya ganun din si Dindo. Nakatama siya ng siyam. Nadaplisan lang ang isa kaya hindi ito nalaglag sa pinag patungan. 

Umupo muna siya sa may damuhan saka pinanunood ang lalaki na nag-aasinta pa rin. Hindi siya makapaniwala ng bilangin ang natitirang target. Dalawa na lang at baka mauungusan siya ng lalaki. 

"Paano siya gumaling sa pagbaril? Noon alam ko hindi siya marunong," usal niya saka tumayo. Tapos na si Dindo at walang may natira sa target nito. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahiya. 

Ngumiti ito sa kaniya. "Okay na. I'll do my best para sa'yo,"  makahulugang sabi nito saka umupo sa tabi ni Amore na nag-i-iskor. "Wow. I see you. Ang galing mo naman Dindo. Sa nakikita ko rito sa listahan ko. Kayo pa lang ang may pinakamaraming natamaang target," sabi ni Amore.

"Talaga? By the way, puwede bang magtanong tungkol kay Astra?"

"Bakit, ano ang gusto mong malaman na tungkol sa kaniya?"

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Where stories live. Discover now