Chapter 32: Asking for Forgiveness

Start from the beginning
                                    

"Ah, Basta akong bahala. Kaya kong magpanggap basta iba ang mukha ko. Hindi ko naman pwede na hindi tatanggalin ang maskara ko, dahil kapag hindi maghihinala siya sakin"

"Okay. I will make you another prosthetics face, akala ko dati noong nagpagawa ka sakin para sa cosplay lang iyon pala isa ka nang assassin Amore. Iyon din pala ang rason kung bakit mo ako pinapagalitan sa tuwing manghuhuthot ako ng pera hindi pala madali ang trabaho mo. I'm so sorry for it."

"Aist! Kalimutan mo na iyon. Ang mahalaga ang sa ngayon. Sorry din inilihim ko sayo. Eh, tuloy na damay ka pa sa mga pinanggagawa ko"

"Asus, no problem. Ha ha ha"

Naging maayos na ang modo ni Dindo. Nakatawa na rin ito.

Hindi talaga nito naiwasan na magtanong ng mga nangyari pagkatapos nilang tumakas ni Amore at ni Liam.

"Amore, uhmm... Pwede bang magtanong sayo? Sana sagutin mo he he he"

"Bakit? Ano iyon?"

"Ano ba ang nangyari pagkatapos ninyong tumakas ng lalaki? Nasaan na siya ngayon?"

"Ah, si Liam? Hmm. Nasa safe na lugar din siya. Bakit mo naman pala naitanong ha?"

"Curious lang. So, hindi ba kayo nagkasama noon pagkatapos?"

"Actually ganito makinig ka. Ikukuwento ko sayo ang lahat"

"Sige,"

Nakinig din naman si Dindo habang kinikilig ito at napapangisi sa mga sinasabi ni Amore.

"Wow, talaga? Kapatid pala siya ni Regor? What a coincidence naman?"

"Shhh. Huwag ka munang maingay hindi pa tapos ang sinasabi ko!"

Tumahimik na man si Dindo at muling nakinig.

Nagkuwento ulit si Amore sa mga sumunod pang pangyayari.

Napangisi ulit si Dindo at parang nanunukso ang dating ng ekspresyon nito.

"What? Ha ha ha. Talaga ang sweet niyang tao? So, dahil sweet siya, wala bang namuong pag-ibig sa bawat isa sa inyo? Oh, maging crush man lang? Ayieee, guwapo kaya si---sino ba iyon ulit"

"Tse! Ang engot mo Dindo. Si Liam, iyon ang pangalan niya"

"Ayiee, depensive siya. Huwag mo nang i-deny dahil habang nagkukuwento ka ang tamis ng mga ngiti mo. Denial stage ka pa. Asus, Amore huwag ka nang magsinungaling napagdaanan ko na iyan"

"Oo, na ikaw na ang eksperto pagdating sa pag-ibig! Pero tiklop rin naman ang buntot mo pagdating kay Britney, hindi ba?"

"Hoy! Ang bunganga mo. Huwag mo akong ibuko Amore. Pero in denial stage siya. So, what happen next?"

Napailing na lang si Amore saka nagpatuloy na ulit sa pagkukuwento.

Napatawa naman ng malakas si Dindo ng maikuwento na ni Amore ang nangyaring paligsahan nila ni Liam sa isla. Iyong panahon na nanghuli sila ng ibon at nagparamihan sila subalit nakahuli lang si Liam ng isa at natalo ito.

"Nakakatawa siya. Ang guwapong lalaki hindi marunong manghuli ng ibon gamit ang baril? Hahaha"

"Hoy! Eh, ano naman? Eh, ikaw nga hindi marunong eh, kahit martial arts nga hindi mo alam"

"Anong hindi? Hmm. Marunong na ako ngayon. Tinuruan ako ni Astra. So, what's next?"

"Wow, sige mamaya titingnan ko kong magaling ka na nga", sarkastikong sabi nito. "Nakakairita ka na Dindo ha, tigilan mo iyang kakatawa mo!", saway niya sa kaibigan na panay ang halakhak. Tinutukso lang siya nito.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Where stories live. Discover now