Chapter 26: 2nd Practice

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sure. Basic lang naman  kaya it's  easy. Watch and learn," pagmamalaking wika ni Dindo saka pumakawala agad ng mga sunod-sunod na suntok sa may punching bag.

"Hambog!" usal niya saka nag-ikot ng mga mata niya si Astra.

"Oy, parang kanina pa may tumawag sayo ah. Sino ba sila? I think mga kasamahan ninyo ano? Ano ba ang mga pinagagawa nila ngayon, bakit parang balisa ka? Sige, sagutin mo na lang muna ang tawag. Ako na ang bahala dito. Huwag kang mag-alala hindi ako tatakas," nakangising wika ni Dindo na parang nang-aasar.

"Sige. Sisiguraduhin mo lang. Hindi ka naman talaga makakatakas dahil nasa labas lang ako. Sige aalis muna ako. At puwede ba sa susunod huwag kang magtanong ng kung anu-ano. Ang daldal mo, lalaki ka pa naman," wika ni Astra saka umalis na.

Napailing nalang si Dindo at nagsimula na ulit na pumakawala ng mga suntok sa punching bag.

"Wooh... Ang sakit na ng kamay ko. Nakakapagod naman pala ng boxing. Mas gusto ko pang bumalik ng trabaho ko sa hospital. Mas maka-ehersisyo pa ako kahit subrang busy doon. Bakit ko pa naman paglaanan ng panahon ang walang silbing practice na 'to ng martial arts kung wala naman akong hilig dito? Nakakainip lang," wika niya saka tumigil sa pagba-boxing. Bumaba siya sa may gilid ng ring side at umupo siya sa may upuan na nandodoon.

Nakita naman siya kaagad ni Astra nang  bumalik na ito. Natapos na nitong sagutin ang ikalawang tawag.

Tiningnan siya ng babae ng may pangsusuya. Sino ba naman ang hindi masusuya sa kanya, eh kalalaking tao ang lamya? Puro inarte lang nasa utak.

Kung tutuusin nga nakaya ng lahat ng myembro ng OMARE CORPs na magsanay ng mga martial arts at paghawak ng iba't-ibang klase ng armas para maging protection laban sa mga kaaway kahit na mga kababaihan sila. Siya pa kaya na kalalaking tao at napakatipuno naman ng kanyang pangangatawan.

Napangisi si Astra habang naglalakad patungo sa kanya.

Nang makita niyang nakangisi ang babae ay dali-dali siyang tumayo at akma na sanang babalik sa may ring ng magsalita si Astra.

"Enough for today. May pupuntahan akong importanteng misyon. Sige. Aalis na tayo. Huwag ka nang magprotesta pa. Sa hideout ka na lang magpalit. Ihahatid muna kita bago ako aalis," wika nito.

"Okay. Saan naman kayo pupunta? At anong misyon na naman iyon? Pwede bang malaman?" pagtatanong niya sa babae habang sumusunod siya kay Astra nasa unahan naglalakad.

"Mamaya ko na sasabihin sa'yo pagbalik ko. Hindi pa naman successful kaya hindi ko pa pwedeng sabihin," sagot nito sa kanya ng balingan siya nito.

"Okay. Napakamisteryoso naman ng grupo ninyo. May mga misyon na laging ginagawa. Kailan pa ba kayo titigil sa misyon ninyo?" sunod pa nitong tanong. Daig pa niya ang imbestigador kung makapagtanong.

"Hmm. Kailan nga ba? Siguro kapag tapos na naming pabagsakin ang taong maysala sa'min. Hindi naman kami ganun kasama tulad ng nasa isip mo. Kaya huwag ka na lang magtanong para huwag lalo gumulo ang utak mo."

"Okay. By the way, nasaan na ang sulat na galing sa parents ko? I need to read it right now."

"Just wait, ibibigay ko iyon mamaya pagkarating mo sa hideout. Bilis na, sakay na. Para mabilis kitang maihatid at  mabasa mo na ang sulat," sagot nito sa kanya at agad na isinara ang pinto ng sasakyan.

"Okay. Thank you pala Astra. Kahit napaka-astig mo ang bait mo pa rin naman pala. Iyan ang gusto ko sa isang babae. Astig na mabait pa."

Tumawa lang si Astra sa sinabi ni Dindo. Ano namang kabaduyan ang naisip nito kung bakit nasabi niya iyon. Walang epekto iyon kay Astra.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon