Chapter 25: Unexpected Meet up

Ξεκινήστε από την αρχή
                                    

Napaka-suspense naman ng mga pangyayari. Nag-abalang din siya.

Nang mai-alis na ng babae ang kanyang hood ay pareho silang pinanlakihan ng mga mata. Hindi nila maisip na talagang magkakilala nga sila.

Look who's this girl. She's Scarlett, Amore's friend.

"Amore, ikaw nga," wika nito na halos ibinulong lang ni Scarlett. 

"Scarlett," sambit din ni Amore.

"Shhh. Huwag ka nang magsalita baka may makapansin satin," pagbabala niya sa kaibigan. Baka maipakita pa sila sa TV kung gagawa sila ng eksena, ayon tuloy mabibigyan pa nila ng chance na matunton sila ng kaaway.

Pinigilan muna nilang maiyak dahil tiyak na kapag gumawa sila ng eksena ay maraming dudumog sa kanila.

Kaya para iwas sa anumang kapahamakan ay nagpasya silang humanap ng safe na lugar para makapag-usap.

Sa isang park sila nakarating. Di naman matao ang lugar.

Pagkarating nila roon ay agad silang nagkayakapan. Hindi nila inaasahan na muli silang magkikita. Hindi nila alam pareho na magkakalapit lang pala sila sa Cebu. Sa Maynila lang naman sila nagkakilala at naging magkaibigan.

"Kamusta ka na Scarlett? Magaling na ba ang mga sugat mo? Are you totally fine?" agad na usisa ni Amore sa kaibigan.

"Okay na ako. Huwag kang mag-aalala. Eh, ikaw kamusta ka? Hindi ko inaasahan na magkikita tayo," sagot nito sa kanya. Gusto naman talaga niyang hanapin si Amore pero di niya alam ang island tinitirahan nito.

"It's a small world. May tiyuhin akong nakatira sa isla kaya dito ko naisipang magtago muna pansamantala."

"Talaga ba? Saan nga 'yon. I tried to find you pero hindi kita makontak eh, Wala kang signal."

"Oo, mainam doon dahil malayo sa kabihasnan kaya hindi ako makikilala. At speaking of signal, mahinang-mahina."

"Kasama mo pa rin ba hanggang ngayon iyong tinulugan mong lalaki? Di ba siya ang rason kung bakit naipit ka na naman sa gulo?"

"Oo, magkasama kami. Siguro tadhana na ang may pakana nun. Dati pa naman talaga ako nagmamanman sa kilos ni Regor, alam mo namang siya ang hinihinalaan kong suspect sa  pagkamatay ng Daddy ko."

"Ang sama niya talaga. Humanda talaga siya sa'kin, Amore. Tutulungan kitang maghigante pangako. Malaki na rin ang kasalanan niya sa akin,"naikuyom niya ang mga palad.

"Saka na natin isipin 'yon."

Nagkayakapan ulit sila. Dinama nila ang isa't-isa. Pero nang magsimula ulit si Scarlett na magsalita ay naging emosyonal na ito.

"Akala ko nga hindi na kita ulit makikita Amore, akala ko noong binaril ako ni Regor ay tuluyan na akong mamamatay. Pero isang himala ang nangyari. I'm still alive and kicking. Alam mo kahit ganun ang nangyari sa'kin ikaw pa rin ang inaalala ko nung mga panahon na iyon," humihikbing pahayag ni Scarlett.

"Scarlett naman oh. Huwag na nating pag-usapan 'yan. Naalala ko rin tuloy na halos hindi ako kumain buong araw noong nalaman ko na may nangyaring masama sa'yo at kagagawan ni Regor. Mas lalo pa niyang pinagtibay ang loob ko para maghigante ng lubasan sa lahat ng mga ginawa niya. Sige na tahan na. Gusto ko makita ang matapang na Scarlett na kaibigan ko," wika niya saka hinahaplos ang likod ng kaibigan.

"I'm so sorry, dahil sa ginawa ko naapektuhan ka tuloy. Pero tulad nga ng mga sinabi mo Amore, hmm. Maghihigante tayo sa paraang tayo lang ang may-alam. Ngayon sina Astra na raw ang bahala doon. Malaki naman ang tiwala ko sa kanya at sa lahat ng mga kasamahan natin. Kaya don't worry," masigla na nitong pahayag. Tumahan na kasi ito pagtapos ng sinabi ni Amore sa kanya.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα