Chapter 23: Something fishy -2257

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay let's go," yaya niya sa lalaki. Sumunod naman si Dindo kahit kinakabahan pa rin. Matagal na kaya iyon, last year pa kaya di sya sure if marunong pa siya.

"Nandito na tayo sa firing area. Isuot mo na ang headphones na 'to. Kahit papaano ay hindi ka mabibingi dahil sa ingay na gawa ng putok ng baril," seryosong saad ng babae.

"Okay, posisyon na at ituon mong mabuti ang baril mo sa mismong target mo," dagdag pa niyang sabi.

"Ganito ba? Tama na ba itong ginagawa ko?" tanong niya kay Astra.

"Hey, tama na ba? Bakit ka tumatawa lang diyan, sige tawanan mo lang ako nang tawanan dahil baka sumpungin ako ng katamaran ko at umalis na lang ako bigla rito Astra," sunod niyang wika. Naiirita na siya sa pagtatawa nito.

" I'm so sorry, hindi ganyan. Sige na nga, dito na nga ako sa likod mo. Igigiya kita. Para sa susunod na paghawak mo ng baril ay sakto na."

"Okay, hawakan mo na ng dalawa mong kamay. Ang isang daliri mo ilagay mo sa gatilyo ng baril. Dali,"wika ng babae saka pumwesto sa likuran ng lalaki. Hinawakan niya ang kamay nito saka iginiya sa mismong target.

"Okay, ready ka na ba? Ganito lang naman dapat ang tamang paghawak ng baril. Sa mga first timer ay kailangan na dalawang kamay talaga ang gamit pero kapag magaling ka na pwede nang isang kamay na lang," paliwanag pa nito.

"O—okay."

"Sige, iputok mo na," utos  ni Astra sa lalaki.

"Tika lang, kailangan ba talagang nandiyan ka sa likod ko? Parang hindi yata ako makagalaw ng husto Astra. Please, usog ka nang kaunti palayo sa'kin. Ang init ng panahon at heto ka dumidikit pa sa'kin?" naiilang na nagtanong si Dindo sa babae.

"Hoy, ano ba ang pinagsasabi mo? Ang badoy ng alibi mo. Paano kita maigiya ng husto kung ang layo ko? Huwag mo na lang bigyan ng malisya ang ganitong sitwasyon. At alam mo malabo namang magkakagusto ako sa isang tulad mo. Hindi kita type Dindo kaya umaayos ka nga!" sarkastikong wika niya.

"Sige, iputok muna!" malakas niyang sabi saka ipinutok na nga ni Dindo ang hawak nilang baril.

Sapul ang target. Magaling talaga si Astra magturo palibhasa sanay na siyang humawak ng baril.

"Wow. Ang galing! Sige,magta-try pa nga ako ng bago, sige ako na lang muna. Mamaya mo na ang ako turuan kapag palpak. Diyan ka na tingnan mo na lang ako sa gagawin ko," pagamamalaking saad niya. Hindi naman siya sure kung matatamaan niya ang target o madaplisan man lang.

Buong puso niyang itinuon ang hawak niyang baril sa target at saka ipinutok. Tulad nang mga pangamba niya at iniisip ay hindi man lang nadaplisan ang traget. Nakakahiya ang ipinakita niyang pagmamalaki kay Astra kanina, ayon naman pala'y napakapalpak.

Palihim na natawa si Astra. Tumalikod  na lang ito para hindi makita ni Dindo.

"Tss. Nakakainis naman!" sigaw niya na puno ng pagkadismaya. Kinuha niya muli ang baril na ginamit niya saka pumwesto ulit. Ipinutok niya itong muli. Sunod-sunod niya itong ginawa hanggang sa mapagod siya at maupo.

"Oh, suko ka na?" pangungutya ang tono ng boses ni Astra ng magtanong tiningnan niya ng masama ang babae.

"Here, tubig. Uminom ka muna. I think nauuhaw ka na. Huwag mong pwersahin agad ang sarili mo. Ganyan talaga ang unang pagsasanay. Hindi mo naman talaga iyon agad-agad ma-perfect. May bukas pa at susunod pang araw," wika nito saka umupo sa tabi niya.

"So what? Di ba ang sabi mo tuturuan mo ako hindi ba? Di ba ayaw ko 'tong gawin nung una at talagang pinilit mo lang ako. At ngayon na gusto ko nang matuto iyan lang sasabihin mo?"

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon