Chapter 4: Fishing Together

Start from the beginning
                                    

Sa halip na kumain si Liam ay tumayo ito at sinamahan siya nito papunta sa kanyang tiyuhin.

"Bakit po?"

"Pumunta ka pala sa bayan? Naku, tulungan ninyo muna akong hugasan ang mga isda saka ilagay sa freezer. Gutom na ako, mauna na akong kumain."

"Oo.Sige po," sagot niya.

"Tiyo naman. Kakainis naman si Tiyo Gusting. Magpapatulong pero tayo lang pala ang gagawa."

"Huwag ka nang magreklamo, tara na. Mabilis lang naman ito dahil kakaunti na lang ang mga isdang natira."

"Sige, Mahal," nakangiting wika nito.

"Pwede ba Am, stop calling me "Mahal" kung tayong dalawa lang ang magkasama, nakakailang kasi," anito.

"Hmm. Alam mo Liam sinasanay ko lang sarili ko lalo na sa pagtawag ng ganito sa'yo. Don't worry, nakausap ko kanina ang kaibigan kong doctor na si Dindo, gumagawa na rin siya ng paraan para makabalik agad ako ng Maynila. Three months will do, huwag kang mainip sa pagpapanggap. Ginusto mo 'tong sumama sa'kin kaya magdusa ka!"

"Okay. Tapos na. Halika na, gutom na gutom na ako. Kaya please stop scolding me, okay?"

"Fine!"

Pumasok na nang bahay ang dalawa at kumain. Sarap na sarap sa pagkain si Liam, talagang napatunayan ni Amore ang galing niya sa pagluto. Maaaari nga talaga siyang maging Chef.

"I like the foods. Sarap!" wika ni Liam habang nagsusubo ng pagkain. "Alam mo Am, paborito ko ang tinolang manok. Buti na lang at naisipan mong ipagluto kami ng ganito. Siya nga pala ano pa ba ang ginawa mo sa bayan maliban sa namalengke ka?"

"Well, bumili ako ng dalawang cellphone, ibibigay ko iyong isa sayo mamaya. Mabuti na at may magamit ka. Marami rin ang SIM cards na binili ko. In case na may makabuko ng number, edi tapon agad. Bukas, tatawag utli ako kay Dindo para sa update ng mga plano namin."

"Talaga? Wow, thanks. Salamat sa masarap na pagkain at sa bagong cellphone."

"No problem, kaya umakteng ka na lang ng husto. Oh, heto pa. Damihan mo sa pagkain. Saka pala mamaya mamamangka ako, gusto kong mamasyal ulit sa dati kong tambayan. Siguro nakita mo kanina ang maliit na isla, isang kilometro yata ang layo galing dito. Maganda roon, kaya pupunta ako roon mamaya. Magdadala na siguro ako ng tent dahil baka gabihin ako roon. Tanong ko lang! Sasama ka ba? Kung ayaw mo okay lang din naman."

"Yeah. I saw it. Na-curious nga ako kanina about that small island. Naikuwento na rin iyan sa'kin ng Tiyo mo kanina. Madalas ka daw pumupunta roon sa tuwing nagbabakasyon ka rito."

"Oo, gustong-gusto ko ang lugar na iyon. Sa susunod na araw, kakausapin ko ang namamahala sa mga isla rito na bibilhin ko iyon. Gusto kong mapasakin ang Tinagong isla. Maliban sa maganda iyon, magandang patayuan ng isang kastilyo. At ako ang prinsesang nakatira roon. Di ba masaya?"

"Wow. Ang galing ng mga plano mo. Talaga bang gusto mong maging prinsesa? Parang mga bata lang ang nangangarap ng mga katulad niyan."

"Tse. Wala kang paki, natatandaan ko pa ang mga sinabi sa'kin ni Lysander na balang araw gagawin niya akong prinsesa at siya naman ang aking prinsipe. Gusto niyang makapagpagawa kami ng isang kastilyo na kaming dalawa ang titira kasama ng magiging anak naming dalawa. Di ba ang unique nun?" Bigla siyang nalungkot.

"Pero, paano na? Ni hindi ko na siya nakikita mula noong iniwan niya ako hanggang ngayon. Darating pa kaya ang panahon na iyon Yam? Ang panahon na magkikita kami muli?"

"Oo na. Si Lysander na talaga ang nangako ng lahat. Hindi ko alam kung darating o babalik pa siya. Nasasaiyo ang desisyon kung mananatili ka pa ring umasa na balang araw babalik pa siya. Sundin mo ang sinsabi ng puso mo."

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Where stories live. Discover now