CHAPTER 1

6 0 0
                                    

Enahs Pov.

" Hey miss, tama nayan. " gulat akong napalingon sa lalakeng umagaw ng hawak kong alak.

" ANO BA!?! " sigaw ko.

" Tama nayan, masyado ng madami ang nainom mo. "

" Ha! Ano namang pake mo? "

" Umalis ka na nga dito, pakealamero ka din ei noh? " dagdag ko pang sabi.

Fuck, mga lalake nga naman talaga. Hindi pa naman ako masyadong lasing. Bwisit kasing lalakeng yun, iniwan banaman ako. Ang tanga lang isipin na , hindi ko alam kung anong problema nun at nakipaghiwalay.

" H-hoy kuya, isa panga " sigaw ko sa waiter, hays may tama na ata talaga ako.

" Ma'am masyado na pong marami ang nainom ny-"

" WAG KANG MAG ALALA KUYANG WAITER!?!  MAGBABAYAD AKO!?! " sarkastikong sigaw ko sa kanya, dahil sa sigaw nayun, lahat ng mga mata nila saaken nakatingin.

Mayamaya may dala nadin syang alak na agad ko namang tinunga.

" HOOOOOO, PARTYY PARTYYY " lasing na sigaw ko, dahil sa lakas at ganda ng tugtog

-

Adan Pov.

Ibang klaseng babae, ang lakas uminom tsk tsk. Mukhang may tama na talaga sya, hmm. Broken ata tong babae na'to kaya nagpapakalunod sa alak. Maganda, sexy, maputi, matangk--

Pre, wag mo namang titigan baka matunaw yan. HAHAHAHA " sabi ng bestfriend kong si peter.

" Oy, hindi kaya. " pagsisinungaling ko pa. Nako magaasar nanaman tong bakulaw nato, lakas panaman ng topak nito kapag nangaasar.

" Nakooo, mga palusot mo pre. Hindi na uso yan sa pinas. HAHAHA" o diba? Nagsisimula na sya.

Hindi ko nalang sya pinansin dahil naagaw ng atensyon ko yung mga nagkukumpulang tao, kaya dali dali din ako pumunta doon. Di ko nadin pinansin ang paulit ulit na tawag saken ng kaibigan ko.

" Ano ba! Ang bastos mo ah? " sigaw nito.

" Parang hinawakan kalang naman " malanding tugon ng lalake.

Agad naman nangunot ang noo ko ng makilala kung sino yung babae, na nakikipagsagutan sa lalake. Tssk, lasing na nga talaga. Pinapanood ko lang sya sa ginagawa nya, nakakatawa lang isipin na kahit lasing na sya mukhang matino pa din ang pag iisip nya dahil sa mga binibitawan nitong mga salita. Habang nanonood ako bigla nalang lumapit yung lalake sa babae at agad nya itong hinila palapit sa kanya. Pero hindi pa nito napapalapit sa kanya ay hinila ko na din ito palapit saken.

" Hey, what are you doing? " inis na sigaw sa aken ng lalakeng naagawan ko. Pero hindi ko na ito pinansin dahil dali dali na akong umakyat sa vip room para ipunta doon ang dala kong babae.

Lintik kasi, mukha pa naman syang inosente. Pa lasing lasing pa kasing nalalaman yan tuloy, aish. Bwisit.

" A-ano ba! Bitiwan mo nga ako, nasasaktan na ako!? " agad ko namang binitiwan ang kamay nya, shit. Ang sungit naman nito, sya na nga tinulungan.

" Alam mo miss, matulog kanalang. Lasing kana."

" Ano bang pake mo....mr? "

" Ikaw na nga itong tinulungan, ikaw pa ang galit! "

" Sino bang may sabi sayong tulungan mo ko ha!? Ha!? " sigaw nya sa mukha ko.

" Ano ba!?! Bakit kaba sumisigaw sa mukha ko! " fuck, ano bang klaseng babae to. Ang ingay masyado, ang sakit sa tenga. Habang pinupunasan ko ang mukha ko. Napatigil nalang ako sa pagpupunas dahil sa sinabi nito.

" Bakit ba kasi kayo mga lalake ng iiwan nalang bigla bigla nang iiwan kayo ng walang dahilan.Kapag nakuha nyo na ang gusto nyo, itatapon nyo nalang kami. Aish, ganyan ba talaga kayong mga lalake? sarap lang ang hinahanap sameng mga babae, pero kapag nakaraos na. Para ka ng basurang itatapon nalang kapag tapos kanang gamitin. " malungkot nyang pagkakasabi. Agad naman nangunot ang noo ko ng may makita akong luhang pumatak sa pisngi nya.

" Kaya kaba nagpakalasing? " mahinahon kong tugon.

" Oo, masyado kasing masakit. Hindi ko nga alam kung bakit sya nakipaghiwalay. Tapos tinanong ko kung ano bang problema, ang sabi naman nya sawa na daw sya. Sawa? Ha. Nakakasawa ba talaga ako? Nakakasawa bang mahalin mo lang sya? Nakakasawa ba ugali ko? Bakit ayaw nya nalang sabi saken na hindi nya ako minahal, minahal nya lang ata ako kasi pera at katawan lang ang habol nya saken. Ako naman si tanga pumatol din, kaya ito ako ngayon. Mukhang tangang nagpapakalasing. Akala ko panaman sya na yung lalakeng para saken. Akala lang pala yun. " umiiyak na sabi nya. Kaya naman agad kong kinapkap ang aking pantalon.

" Here" sabi ko sabay abot ng panyo. Agad naman syang nag angat ng tingin at dali daling tinanggap ito

" Thanks "

Pagkatapos kong iabot sa kanya, ay napaalam na din akong bababa para makapagpahinga na din sya.

" Shit, yung wallet ko " sabi ko pa, tanga naman talaga oh. Mukhang naiwan ko ata sa Vip room.

Pagkadating ko sa room ay dali dali naman akong kumatok, nangunot ang noo ko dahil wala akong naririnig na tugon. Kaya naman ako nalang ang nagbukas nito. Hays, naiwan ko nga. Nakahinga na din ako ng maluwag ng makitang nakatulog na pala sya.

Tsk, tsk, sa susunod wag ka na mag papakalasing dahil sa kanya. Grabe, nasayo na ang lahat tapos sinayang kapa?  walang kwentang lalake. Sabi ko pa sa aking isipan bago lumisan sa kanyang kwarto.

" Ano pre, nakaraos kana ba? " Bulong nyang sabi saken, pag katapos kung umupo sa tabi nya habang nag pupunas sa aking mukha. Hindi ko parin makalimutan ang nangyare.

" Baliw, hindi no. " pagdadahilan ko pa.

" Ulol ka pre, ang hina mo. Nanjan na ei, sinayang mo pa hooo. "

" Baliw ka talaga, wala naman kaming ginawa ei. Broken pala yun, kaya nagpakalasing. " paglihis ko sa aming usapan.

" Oh, sayang naman. Ang ganda nya kaya " tango tango nya pang sabi na animo'y may iniimagine. Nag-usap lang kami ng nag-usap tungkol sa nangyare kanina, hanggang sa maisipan ko ng umuwi. Pag kauwi ko ay dali dali din akong humilata sa aking kama. Pero bago ako pumikit may pumasok nanaman sa aking isipan.

Bakit hindi ko ba makalimutan yung nangyare kanina?

Yan ang huling kong sinabi bago ako pumikit. Hanggang sa nakatulog nalang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE SACRIFICE Where stories live. Discover now