Simula

1.4K 47 1
                                    

Simula

Seer

"Ah!"

Isang malakas na pagbagsak ang nangyari sa katawan ko. Narinig ko ang mga dagungdong ng mga paa ng bawat tao sa paligid.

"Trandi! Tumayo ka kaagad!" Wika ng Ate ko sa di kalayuan. She was holding her young son, Leo on her arms.

Sinubukan kong tumayo pero muling napahiga dahil sa mabibigat na pagtapak sakin ng mga dumadaang tao.

"Aww!" I winced and grabbed my aching hand.

"Trandi!" Ang boses ng Ate ko ngayon ay inaalod ng maiingay na sigawan.

"I'll be right behind you, Eya. Don't worry!" Sigaw ko kahit na alam kong hindi na niya maririnig iyon.

Humupa na ang mga tao na nagsisipag-alisan. Sinubukan kong muli tumayo pero naramdaman ko ang pag-sakit ng paa ko. Nabalian pa yata ako dahil sa pagkakapatid kanina.

A couple of hunters went to the direction kung saan nang-gagaling ang ingay ng tao at alulong ng mga lobo.

A group of bloodlust wolves came to attack our village. Kaya ngayon nagkakagulo sa lugar namin and the people need some protection from the Hunters.

Nakita nila akong nakahandusay at hirap na gumagapang papalayo sa lugar pero hindi nila binigyang pansin ang katulad ko.

Then a small and pale hand reach out to me. A girl with her long and curly hair smiled at me.

"Let me help you, Miss." She said as she softly lifts me up.

She was smaller than I was, but she carried me like it was nothing. On her uniform I can see the symbol na nagmumula sa isang grupo ng sikat na Hunter.

Naririnig ko ang tawanan ng mga kasamahan niya.

"It's just a peasant. Bakit pa niya tinutulungan yan?"

"Magka-uri kaya ganyan."

Pagkatapos ay humalakhak ang dalawang lalaki sabay alis at dumiretso na kung nasaan ang ibang kasamahan.

"T-thank you... but you don't have to help me." Nahihiya kong sabi.

Ngumisi ang babae sabay lapag sakin ng dahan-dahan sa isang patag na bato na malayo sa ingay at kaguluhan.

"Don't worry about it. Sino pa ba ang tutulong sayo kung hindi ako?" She inwardly rolled her eyes sa mga kasamahan na paalis, "Those guys are bunch of assholes with so much prejudice sa mga commoners and people living on the outer-land."

I gripped my broken foot and nodded, "I understand. That's why you don't have to help me Miss Hunter."

She squatted in front of me and took my foot. "Ano ang sinasabi mo diyan? Isn't that our duty? An oath we took when we became a Hunter? To protect the lives of the people on this Kingdom."

Inilabas niya ang kamay niya and with a swift hand gesture, napagaling niya agad ang pilay kong paa.

"You're in luck. I am a B-Rank healer." She said then started to walk, "Go and catch up to your family. This is not a safe place for you to stay."

Nang mawala na sa paningin ko ang babae, tumayo na ako at saka nagsimulang tumakbo patungo kung saan man maraming tao.

"Eya?" I called out the name of my older sister, pero tila nalulunod ang boses ko sa mga iyak ng bata at iba pang ingay.

"Eya!" I shouted para marinig ako ng kapatid ko. Pero iba ang nakapansin ng boses ko.

The Elders, who runs our village looks at me darkly.

In the Midnight HourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon