Chapter 1

281 25 0
                                    

Ronnie's POV 

 '' Tama na ang palabas na to Ronnie, wipe all that tears. Get up there's so much to life and dont waste anything about it .'' pag cheer up ko sa aking sarili sa mismong salamin ko dito sa kwarto. 

Sinimulan kong pahidin lahat ng luha. It is almost one month na akong nagmumukmok at hindi na to mabuti para sa akin. Maybe this is the time to show off again who really am without the man I loved before. 

'' Fighting Ronnie, this is not new to you get up .'' pagcheer up ko muli sa aking sarili. Matapos mag drama sa harap ng salamin agad naman akong tumayo upang magpunta sa banyo dahil gusto ko ngayon lumabas. 

I will spoiled myself with everything today. Naisipan kong magpunta ng parlor para magpa-ayos at magpagupit na dahil sa may kahabaan na din itong buhok ko. 

Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna, para sa akin
Mabuti nang mag-isa
Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang
Ako muna

Nang matapos ko ang kanta ni Yeng, ay siya ding pagkatapos ko sa pagligo at agad din naman akong lumabas para makapag-ayos na din. I know wala na dito si Lolo even Jacob sure akong nasa company na sila ni lolo. Nang matapos akong makapag-ayos agad din naman akong bumaba. Pagkadating ko sa baba nakita ko naman si nanay Liza na nanonood ng tv sa sala. 

'' Oh anak, ikaw pala yan san ka .'' pagtanong sa akin ni Nanay ng makita niya ako. 

'' Opo nay, labas lang po ako . '' pagsagot ko sa tanong ni nanay. 

'' Tsaka nay masyado ko nang inaabuso ang aking sarili na hindi ko naman talaga dapat ginagawa .'' habol ko pa. 

Nakita ko naman ang pag-ngiti ni nanay Liza dahil sa aking sinabi. Alam ko naman kasi halos isang buwan akong hindi makausap dahil sa buwesit na lalaking yon. Kailanman hindi na siya makakabalik pa sa buhay ko never. 

'' Mabuti naman anak alam ko naman may isang lalaki talaga ang nakatadhana sa iyo anak kaya huwag na huwag kang magsasawang maghintay . '' 

Napaisip naman ako sa sinabi sa akin ni nanay liza. Umupo naman muna ako sa katapat nitong sofa habang siya ay pinatay ang TV. 

'' Nay, pano kong wala talaga .'' pagtanong ko kay Nanay. Diba kasi malay mo wala talaga tapos antay ka lang ng antay hanggang sa wala naman talagang dumating para sa iyo. 

'' Ganito kasi yan anak, walang masamang maghintay. Wala mang kasiguraduhan at least naghintay ka at umasa para sa bandang huli wala kang pagsisisihan. Nais ko lang ipabatid sa iyo anak na wag kang mawalan ng pag-asa hangga't nabubuhay ka pa. Tingnan mo si Jacob nagmahal din ng isang tulad mo sinuportahan ko dahil kailanman hindi mo pwedeng turuan ang isang tao kung sino ang kanyang mamahalin. Maghintay ka anak alam kong may darating. ''mahabang lintaya sa akin ni  Nanay liza .

'' Diba nay parang ang sakit naman kasing umasa tapos wala pala talaga .'' sabi ko naman dito. 

'' Magiging masakit talaga siya anak kung sa iisang bagay ka lang umaasa. Dapat lagi mong gawing balanse , dahil wala pang kasiguraduhan ang lahat hanggat hindi pa nangyayari para sa bandang huli hindi ka masasaktan .'' 

Tama nga si nanay Liza kailangan kong balansihin ang lahat kailangan hindi lang ako naka focus sa iisang bagay. 

'' Maraming salamat nay, una na po ako nay huh pakisabi na lang kay lolo kapag late akong makauwi .'' pagpaalam ko kay nanay Liza. 

Tumango naman si nanay sa akin kaya agad naman akong lumabas. Makalipas ang ilang minuto nakarating ako sa isang exclusive na parlor dito sa lugar namin which is kilala na nila ako as one of their respectful customer. 

The Certain Life of RonnieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon