30

147 24 0
                                    

third person's pov ⌫︎

The four young men started their task. Its not easy. Elyza told the place where she saw Phyton and Francine.

"Austere Bridge," binasa ni Rence and ngalan ng tulay. Sa ibaba ng tulay, may napansin silang kumpulan ng tao.

"Bumaba tayo dun," aya ni Cray sa tatlo. Hindi kaagad sumunod si Hulio dahil kumukha pa ito ng litrato ng lugar.

Sa pagmamadaling sumunod sa mga kasama ay may nabangga ito.

"Sorry," he picked up the guy's things. "It's okay," the guy patted his back and left.

Nang maka-dating sa kumpulan ng tao ay nakita nila ang bangkay ng isang dalaga.

Hindi sila makalapit dahil na rin sa mga tao.

"Paki-usap po namin ay huwag na sana kayong lumapit dito," pagsusumamo ng tanod na halatang naiinis na sa kulit ng mga tao.

"Paano natin malalaman na si Francine 'yun? Hindi tayo makalapit." tanong ni Hulio sa tatlo.

"Umiyak ka," seryosong saad nila.

"Uy gagi, bakit ako?"

"Ikaw na," sabi ni Rence na nagpipigil ng tawa.

"Hala, teka paano ba," tumalikod siya para mag-isip nang napansin ni Roosevelt ang papel sa likod nito.

Kinuha niya ito at itinago sa bulsa niya. "Hulio, bilisan mo."

"Eto na tangina mahal talent fee ko ha."

Nilabas niya ang kanyang cellphone at nagkunyaring may kausap.

"Elra... pucha, huwag ka umiyak," nagsi-tinginan sa kanya ang mga tao nang marinig nila ito.

Nagbigay sila ng daan para sakanya. Nagtakip siya ng bibig nang makalapit.

Nagpipigil ng tawa ang tatlo sa galing umarte ni Hulio. May paluha-luha pa siya. Nakuha niya ang pansin ng mga tanod kaya hinayaan na nila itong lumapit.

"Sundan mo na Cray, hindi niya alam isasagot niya," utos ni Roosevelt. Tumango lang si Cray at sumunod kay Hulio.

"Kuya," sabi nito at nagkunyaring malungkot kahit gusto na niyang tawanan ang kasama.

"Mga iho, nakikilala niyo ba ang bangkay?" tanong ng isang tanod kaya tumango ang dalawa.

"Ganyan na ganyan po yung suot ng kaibigan namin nang malunod po siya," sagot ni Cray.

"Sigurado ba kayo?" tanong uli ng tanod. Hindi padin tumitigil sa pag-aacting ni Hulio. Kunyari ay natulala pa ito.

"Opo. May picture po siya bago nalunod," pinakita ni Cray ang litrato ni Elyza at Francine nang magkita sila bago ang aksidente.

"Kaibigan din po namin yang babae," napatango nalang ang tanod. "Diretso nalang kayo sa morge. Para na din maano niyo na," tumango ang dalawa.

Nag-alisan na ang mga tao nang makuha na ang bangkay. Natira ang apat na nagtititigan lang.

"Tara na kaya?" aya ni Rence.

"Wait," pinakita ni Roosevelt ang papel na nakita niya kanina. "I saw it on your back," he pointed at Hulio.

"Eh?"




DistrictWhere stories live. Discover now