43

77 8 2
                                    

Babe's POV

Me and Hulio is currently on the way to Zyreese's house. I received a text from Cleo na doon na raw kami dumiretso. I can't help myself to overthink about what is going to happen. I glanced at Hulio whois currently driving. May kung anong tension ang meron sa loob ng sasakyan. Wala ni isa sa amin ang umiimik.

"Are you hungry? Daan muna tayo drive-thru?" Umiling naman ako alok niya. "Kumain ako ng pandesal sa apartment ni El," tumango naman ito bilang sagot at hindi na kami uli nagka-imikan pa. Tahimik lang akong nanonood mula sa bintana ng sasakyan habang siya'y naka focus sa pagmamaneho. Sa totoo lang ay iba ang ugali niya kapag wala sila Elra. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Tila ba'y nagiging seryoso siyang tao tuwing kami-kami lang.

Pakiramdam ko ay may namamagitan sa kanila at alam kong hindi lamang ako ang nakakapansin non.

"Don't worry about Elra and Meg. Hindi makakapunta dun si Phyton. Sinabihan ko na rin mga kaibigan ko sa area namin na bantayan sila," he tried to reassure me. I know Elra is a strong lady but still, we don't know Phyton's extent. May sa demonyo ata ang taong iyon.

"Curious lang, are you and El together?" I asked which made him flustered. Kapansin-pansin ang pagpula ng dulo ng kanyang tainga. "What kind of question is that?" he sighed. His car made a turn, malapit na ata kami. "Hindi kami. Kaibigan lang talaga," he answered.

I just gave him a smile. You are not a great liar Hulio. Halata ka masyado.

"Sa tingin mo ba makakausap natin si Zyreese?"

"Huwag mong ibahin ang usapan huy. Saan kayo nagkakilala ni Elra?" tinignan niya ako. He sighed again and answered me. "We are neighbors, of course mag kakilala kami," his phone suddenly rang. He chose to ignore it and continue to talk.

"Naging close kami before yung nagyari dun sa ano, who's that again? Yung tumalon sa mall?"

"Zanaya?" he nodded, "Ayun, basta before that accident. Naging close kami kasi nakitulog siya sa apartment ko nung may daga sa apartment niya. Diba she texted me na sunduin sila, tapos ayun nalaman niyo na friends kami," I just nodded. Delikado ka na Hulio.

"Nakakausap mo pa ba si Jazzle and Bianca? Elra told me na hindi na niya raw sila nakakausap. She's worried baka may nangyari sa kanila."

"No, but ang alam ko they're staying at Zyreese's," I don't know but he's flustered by that information. "Bakit sila andoon?" I only shrugged.

Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay nila Zyreese. Lumakas ang kabog ng aking dibdib nang may makita akong ambulansya at truck ng bumbero. Dali-dali kaming bumaba sa sasakyan at nagtanong kung ano ang nangyari.

"Ate ano pong nangyari?" tanong ni Hulio sa isang ale na halatang nagulat rin sa nangyayari. "Nasusunog yung lumang bahay jan sa looban. Naiwan pa nga ata yung dalaga nila sa loob. Zyreen ata pangalan? Ay Zyreese pala. Yung magandang dalaga nila jan," nagkatinginan kami ni Hulio nang marinig naming ang pangalan ni Zyreese. Naunahan kami ni Phyton.

Umupo kami sa gilid ni Hulio, hindi maaaring lumapit sa bahay dahil delikado. Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. Andito pa kaya si Phyton? Nakikita niya ba kaming dalawa dito? O dumiretso siya kela Elra?

Bakas din ang pag-aalala kay Hulio na kanina pa tinatawagan si Elra. "El, answer please," ngunit pag ring lang ang aming naririnig. "Hulio?" napatayo kaming dalawa nang lumapit sa amin si Cray. Hindi ko aakalaing andito rin siya.

"Okay lang kayo?" he asked. "Yeah, we just got here but si Zy," Hulio answered. Napatingin kaming tatlo sa nasusunog na bahay. Hindi naman alam kung anong sasabihin. Imposible na sabihing nakaligtas si Zy sa sobrang lakas ng apoy. Buong bahay ang natupok. Himala na kung iisiping buhay siya.

Isang babae ang tumawag kay Cray, hindi ko alam pero parang pamilyar siya. "Una muna ako," paalam niya at tumango nalang kami bilang sagot.

Hulio kept on calling Elra. And until now, hindi parin namamatay ang apoy. Ramdam ang init nito mula sa pwesto naming. Napalingon naman ako nang may dumating na kotse. Bumaba mula dito si Cleo at isang lalaki.

"What happened?" she immediately went to us. I couldn't answer because I also don't know. "By the way this is Cray, you've met already, right?" Nagkatinginan kami ni Hulio. Kanina lang ay kausap naming si Cray, bakit may panibagong Cray sa harap namin?

"He's Cray?" Hulio asked which made Cleo confused. "Yeah? Akala ko ba Nakita na kayo?" This time, 'Cray' joined the conversation. "This is the first time we met. What are you talking about?"

Suspicion grew in the three of us. If he's the real Cray? Who is the person we've been working with?

Suddenly, a police officer went to us. "Detective Cray? Are you handling this case?" he asked the detective which he nodded as an answer. "May witness na nakakita na may babaeng lumabas diyan sa bahay minutes before the fire started. Nagvivideo ang ating witness at nahagip ng camera ang babae."

The police officer showed a screenshot in the said video, "Kitang-kita yung mukha detective, malinaw rin ang pagkakuha. We are currently investigating the motive pero ayon sa isang anonymous tip, maaaring kaugnay daw ng serial killing na nagaganap ngayon sa lugar natin," he added.

"Wait," Cleo zoomed in the picture to have a clearer view. We are shocked to see a familiar face. Even Hulio is shocked. Hindi naming aakalain na siya ang gumawa nito.

"That's...

Zle."

DistrictWhere stories live. Discover now