[Ch.17] Happy Birthday.

Start from the beginning
                                    

"Ah, that Paolo, sayang. Babatiin ko na sana siya ng maaga para sa birthday niya. Oo nga pala, one month na ako rito pero hindi pa rin ako nakaaadjust sa time difference. Ugh, 16 hours late rito."

"Ah, oo. Next time na lang, baka mamaya o bukas pumunta siya rito. Sige, bye, Ian."

"Hey, wait." pagpigil ko sa kanya. "Are you ok? I'm here," I assured her. Alam ko kasing may mali sa kanya o di kaya may problema siya. Alam ko, hindi kami ganon kaclose na sa puntong magshashare siya ng personal sa akin, but I'm here for her anyway.

Hindi ako nakarinig ng tugon sa kanya bagkus, mga hikbi ang itunugon niya sa akin. "Hey, Ella, uy! Bakit ka umiiyak?" tanong ko. 

"Si.. si Anton kasi eh." Halos hindi niya masabi ung gusto niyang sabihin. Ngunit ang hindi ko maintindihan. Why was she crying because of that Anton? Diba naiinis siya ron? Sa pagkakatanda ko nga eh ayaw niyang nakikita iyon. "What's with him? May ginawa ba siyang m-mali?" I couldn't find the right words to use.

"Yun nga Ian eh, ginawa niya yung tama pe-pero hindi ko alam kung bakit," she paused. "Hi-hindi ko alam kung bakit... nasasaktan ako." Hindi ko alam kung paano magcomfort ng babae sa ganitong sitwasyon.

"Hindi ko alam kung anong nangyari between the two of you. Pero ikaw na rin ang nagsabi, Ella, tama yung ginawa niya. Why would you get hurt by him? Wala naman siya sa iyo, diba?" I was  trying to make her find what was making her feel that way.

"Yun nga eh, akala ko wala lang siya pero.. mali ako. Ay naku! Bakit ko nga ba sinasabi sa'yo toh?" she faked a laugh. "Pasensya na ah, si Aya ang tinawag mo rito pero drinamahan lang kita," she continued, still with that fake laugh.

"That's ok. Alam ko namang iniingatan mo si Aya riyan. Basta Ella, just do what you know is right."

"Yeah, I will. Thank you, Ian. Sorry talaga."

"Aish. Don't say that. I'm here for you." Ang tagal din naming nag-usap pa tungkol sa ibang mga bagay. I never thought I would enjoy talking to Ella. Yeah, I was with her a lot of times way back at the Philippines, pero hindi ko naman siya napapansin. Laging si Aya yung naiisip at binibigyan kong atensyon.

Napagdesisyunan ko ring umuwi sa isang buwan. Sa totoo lang, nais kong umuwi sa araw ng birthday ni Aya pero hindi talaga pwede eh. Hindi ako papayagan ni Dad. Next month, mayayakap ko nang muli ang babaeng pinakamamahal ko.

// Ayanna's Point of View

"Ayanna, mag-ayos ka na nga riyan! Pupunta rito yung pinsan mo," sigaw ni mama mula sa ibaba. Nakahilata lang kasi ako rito sa kwarto ko. Birthday ko na kasi bukas, dito raw magse-stay yung pinsan daw namin and worst, aalis na si kuya bukas. More or less, I won't see him for the next two months. 

Hindi naman namin pinsan yung dadating. Bakit kaya pinayagan ni mama na rito magstay yun? Baka kung ano pang kalokohan gawin non. Tulad nga ng sinabi ko noon, iba ang pamilyang Villafuerte lalong lalo na sa Ilocos. Tinitingala sila. Mayaman at kilalang pamilya kasi. Anak siya sa yumaong unang asawa ni Don Fortunato Villafuerte, yumao ang kanyang ina sa panganganak sa kanya. Lumaki na siya na si Tita Lorraine, ang asawang ka-uli ni Don Villafuerte, ang kumakalinga sa kanya bilang ina. 

Kina Tita Lorraine naman mananatili si Kuya Paolo sa loob ng 2 buwan. Paborito kasi siya nun. Ninang kasi ata niya si tita sa binyag. Si Tita Lorraine ay kapatid ng asawa ni Tita Joanne. Si Tita Joanne naman ang kapatid ni Papa. Kaya hindi talaga kami blood related dun sa 'pinsan' daw namin na rito magbabakasyon. Sana kasi bumalik na lang siya sa Vigan kesa rito siya magbakasyon! 

He's My Cousin!Where stories live. Discover now