[Ch.9] Best Friend

7K 150 22
                                    

[Ch.9] Best Friend

// Ayanna’s Point of View

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman noong mga oras na yun. Earlier that day, I was forcing him to tell something about his ex and now that I knew her... why am I feeling this way? Para akong nabibilaukan kahit wala namang laman iyong bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react.

The next scene strucked me even more, I saw Kuya Paolo hugging that Abby really tight. Kitang kita ko kagustuhan niyang mapalapit dito, sa tingin ko nga’y may gusto pa si kuya sa kanya. Eh saan ka naman kasi nakakita ng ex boyfriend na kung makayakap eh kala mo may mangaangkin sa ex girlfriend niya? Parang wala namang ganun, ex na bitter marami.

“Hey, Pao, ano na lang iisipin ng girlfriend mo? Hey,” sabi niya habang kumakalas sa yakap ni kuya.

“Girlfriend? Who?” tanong ni kuya. Palinga linga pa sa paligid niya.

That Abby glanced at me.

“Siya? She’s my cousin,” turo sa akin ni siopao. Hindi ko rin maintindihan itong si Abby eh, if she thought that I was Kuya Pao’s girlfriend, why would she tell me that she was his ex? Isn’t that improper?

“A-aya. Ayanna Salvatorre,” pagpapakilala ko. Ganun pa rin, kakaiba pa rin ‘tong lalamunan ko, para bang may bara na hindi ko maintindihan. Hindi ko nga nagawang sabihin ng diretso ang pangalan ko. Ayos naman ang pakiramdam ko kanina, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito ngayon, hindi kaya may nakain akong masama sa restaurant kanina?

“Oh. Hi, Aya! You’re cute! I’m your Ate Abby,” sabay kurot sa magkabila kong pisngi. Eh.

“Maawa ka naman sa pisngi niya, Abby,” suway ni kuya kay Ate Abby.

“Ang cute niya Pao! Bakit hindi ka nagmana sa kanya? Nakakaawa naman yang mukha mo eh! Hihi.” Kung titingnan mo siya, talagang mukha siyang seryosong tao, pero ngayon, nakikita ko na iyong pagiging isip-bata niya.

“Hindi ako nagmana sa kanya kasi nagmana siya sa akin. Ok?”

“Asa ka naman! Panget mo kaya. Haha!” Mali ata ako ng impression kay Ate Abby, mukha namang mabait siya, akala ko yung maarteng sosyalin. But seriously, she has good looks. Hindi na ako magtataka kung bakit siya nagustuhan ni kuya. Ang tanong na gumugulo sa isip ko, bakit kaya sila nagbreak? Eh mukhang ok naman sila. Mukha ngang miss na miss nila yung isa’t isa, I could see in their eyes that they’re longing for each other. What happened between the two of them?

“Abby..” napalingon kami sa babaeng kasa-kasama kanina ni Ate Abby, tinuro niya ang relo niya.

“Oh, gosh! I almost forgot, we need to go. Naghihintay nga pala yung friend namin. Bye Pao, bye Aya! I’ll call you some other time ok, Pao?” inayos na niya yung bag niya roon sa kabilang table.

“But... I though you dele—“

“Yeah. Dinelete ko nga,” she stopped at nilingon si kuya, “but unfortunately, kabisado ko pa rin. Haha!”

Umalis na si Ate Abby at yung kaibigan niya, kami namang lima, nanahimik lang. Nakakapanibago, sa tuwing maglalagi kasi kami nina Liz at Ella rito ay lagi kaming nagiingay at nagkukwentuhan ng kung anu-ano.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon