[Ch.26] Avoided Schism

3.8K 66 25
                                    

[Ch.26] Avoided Schism

// Ayanna's Point of View

The next day was the 9th day of March. Nagising ako ng maaga dahil sa tawag ni Ian. Sa totoo lang medyo nainis ako, ang aga-aga naman kasi niyang tumawag eh pwede namang anytime of the day. Pero naisip ko na iba ‘yung oras sa kanila, baka nag-effort pa siya para lang mabati ako at hindi ko iisipin na nakalimutan niya. At naisip ko rin na si Ian naman yun… I didn't think of denying the call, overseas call 'yun eh. I didn't want to dismay Ian because he's a… friend.

"Ian! Happy 10th!" agad kong bati sa kanya para makabawi roon sa mga pinag-iiisip ko. I may not have loved Ian but at least I care for him and I find him as an important guy. 

“Ha-happy 10th baby.” Hindi ko alam pero para bang ang gloomy ng boses niya... yung para bang ang bigat-bigat ba nung pakiramdam niya. I didn't know why but I began to worry about Ian at that moment. Pag nagkaka-usap kasi kami eh most of the time ay jolly yung tone niya. But now, parang may feeling siya ng uneasiness.

“Ok ka lang ba, Ian? Wag ka ngang ganyan! Para ‘tong baliw!” I tried to cheer him up. Lagi naman kasi niyang ginagawa para sa akin iyon, maybe this time ako naman dapat ang magpasaya sa kanya. 

“S-syempre ok lang ako, na-na miss lang talaga kita, Aya.” Napangiti na lang ako ng dahil doon. Bakit kasi sa lahat ng taong pwedeng mahalin ni Ian, bakit ako pa? I know I’m lucky for having him but I just love Paolo so much more. Sana makahanap nalang si Ian ng iba—yung makakapagpasaya sa kanya. Yung babaeng hindi gagawin sa kanya ‘yung ginagawa ko. Yung babaeng hindi siya lolokohin. I want the best for Ian and I know I’m not even close to being the girl he truly deserves. He deserves a lot more than to be fooled by someone like me. I’m guilty, I know.

“Miss na rin kita.” It wasn’t a lie. I miss Ian and his company—his sweetness, his thoughtfulness, his fun-side… yah, I miss him. Narinig kong nag-sniff siya mula sa kabilang linya kaya tinanong ko siya, “sinisipon ka ba?”

“Ako, sinisipon? Ah-ah oo eh, ga-gabi na kasi ako naligo k-kahapon,” sagot niya sa akin. Hay, eto talagang si Ian ang tigas ng ulo. Sinabi ko na sa kanyang huwag maliligo ng gabi eh. I care about him still! Sana nga magustuhan na lang niya ‘yung girl na lagi niyang kasama sa LA, yung Sandrine ba ‘yun? Sana nga.

“Tsk, huwag mo nang ulitin yan okay? Uminom ka rin ng gamot mo at magpahinga ka. Ha? Bye, pahinga ah!” Kailangan niya ng oras magpahinga. Talaga ‘yung lalaking iyon oh.

“Gusto p-pa sana kitang maka-usap..” He sounded serious. I didn’t know why he was like that. Dahil siguro masama iyong pakiramdam niya at wala siyang kasama ng mga oras na iyon. I wish you were here… aish. Kung nandito si Ian sa Pilipinas ‘e di ang kumplikado lalo ng buhay ko.

“Next time na lang yan, Ian. Mas kailangan mong magpahinga ngayon.”

“Okay. Basta next week, Saturday, Wag kang magschedule ng kahit ano. Can I have that day for the b-both of us? I love you, Aya… Please.”

 

“Ha? Saturday... Okay.” I ended the call. Hindi ko alam kung weird lang ba si Ian dahil may sakit siya ngayon o dahil may problema siya roon. Alin man sa dalawa, sana maging okay na siya. Yan din kasi ‘ying personality ni Ian—mahilig siyang magsarili ng problema niya. Hindi nga niya sinabi sa akin kung ano yung problema niya sa pamilya. I get it, hindi ko naman siya ino-oblige na sabihin sa akin ‘yun. What I mean is... dapat may tao siyang mapaghihingahan ng problema niya. Kahit hindi ako yun okay lang.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon