10

594 30 0
                                    

SHE STARED at him. He was staring at the night sky. Her heart raced again. Dinala si Florence ng kanyang mga paa sa rooftop. Hindi naman niya inaasahang naroroon din si Ivan. Nakatalikod ito sa kanya. Nakaupo habang nakatingala sa langit. Maybe it was fate that brought them together. Maybe it was destiny. Maybe after all this time they were really meant to be.

Humigit siya ng hinga bago humakbang papunta sa kinaroroonan ng binata. Umupo si Florence sa tabi ni Ivan.

"Toxic week?"

Gulat na gulat si Ivan. "Florence? Florence?"

Hindi pa ito nakontento sa paulit-ulit na pagtawag sa kanyang pangalan. Hiwakan pa ang mga balikat niya, inalog siya nang kaunti. Ibiniling-biling ang kanyang mukha. Nawala ang kaba niya at napalitan ng pagtataka.

"Ano'ng nangyayari sa 'yo? Okay ka lang ba?"

Natigilan ito at binatawan siya. Kumamot pa ito sa ulo. Ivan smiled.

"You're real."

"Ano'ng palagay mo sa akin, imagination? Hallucination?" Natatawang tanong niya sa binata.

Humalukipkip si Ivan. Ikiniling pa ang ulo habang nakatingin sa kanya. "Maybe."

She chuckled. "You're being weird. Baka gusto mo pang kurutin ako para ma-prove na hindi ako imagination lang."

Tumango-tango lang ito hindi naman siya kinurot. Nanatiling nakatingin lang sa kanya. Bigla naman siyang nailang. Bumalik ang pagkabog sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay umiikot ang tiyan niya sa sobrang nerbiyos. It was like when her first time doing the news program. Naghahalo-halo ang excitement, ang kaba, ang saya.

Tumikhim siya. "Dumaan ako sa Studio 4 kanina." Tukoy niya sa Studio kung saan pinagdadausan ang audition para sa upcoming show.

"Why?"

Tumikhim ulit siya. Lakasan na ito ng loob. "Sabi mo dati bakit hindi kita dinadaanan sa studio edi dumaan ako."

Tumaas ang sulok ng labi nito. Lumabas ang pamosong dimple. Sumemplang ulit ang puso niya.

"Na-miss mo ako?"

Sigurado siyang nag-init ang kanyang pisngi. Tumingala siya sa langit. "Kaya ka nga dinaanan, eh."

"Hmm, that's a good start." Nag-inat si Ivan. Ito naman ang tumikhim. "Nag-date kayo ni JB?"

She groaned. "Nagkape lang kami. It's not a date. Masyado lang na-sensationalize ng media kasi nag-post siya ng picture ko."

Tumango-tango naman ito. "Flo..."

"Hmm?"

"May sasabihin ako."

Ewan niya pero abot-abot ang kaba sa dibdib niya. Siguro dahil sa seryosong mukha ni Ivan. Bigla niyang naisip si Coleen.

Oh-oh! Baka tungkol kay Coleen ang sasabihin nito.

"Florence, huy, natutulala ka na wala pa man akong sinasabi." Napakamot pa ito sa ulo.

Tibayan mo ang loob mo, Florence Marie.

Umayos siya. "Sorry. Go on. I'm listening."

Nagulat siya nang bigla nitong gagapin ang kanyang mga kamay. Huminga ito nang malalim.

Tres Marias: Florence Marie, Love RemainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon