5

372 25 4
                                    

IVAN looked spaced out. Mukhang problemadong-problemado ito. And it bothered her. Nitong mga nakaraang araw ay sobrang busy ng binata. Kasama kasi ito sa panibagong show na niluluto ng kanilang station. Dahil doon ay palagian ito sa mga meetings. Tagos ang tingin ni Ivan sa laptop. Wala doon ang focus. Nanibago siya. Hindi kasi siya sanay na ganoon ang binata. May mga stubles na rin ang panga nito.

Hindi na siya nakatiis. Lumapit siya sa table nito at kinatok iyon para makuha ang atensiyon ni Ivan. She succeded. Bakas ang pagkagulat nito nang makita siya.

"Bakit tulala ka?"

"Hindi, ah." Mariing tanggi nito.

Mabilis na inabot niya ang dulo ng cap nito at hinila iyon. Sumimangot si Ivan.

"Florence Marie, masakit na sa pagkalalaki ko 'yang ginagawa mo, ha."

Sa halip na masindak at natawa pa siya. Umupo siya sa upuang malapit dito. "Huwag ka na kasing umarte diyan. What's bothering you? Dahil ba 'yan ng new show?"

Iwinagayway nito sa harap niya ang kamay. "Nah, just petty things."

"Like?"

Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. Ah, she missed this.

"Wala nga ito. Kulit mo."

Tumaas ang kilay niya. "Alam ko. Saka as if namang I'll stop bugging you."

"Halata nga."

"So?"

Huminga ito nang malalim. "Bothered ako tungkol kay Mikaela. Galing ako sa kanila this weekend kaya hindi ako nakatuloy sa inyo."

Si Mikaela na tinutukoy nito ay ang pamangkin nito kay Ate Ingrid, ang bunsong kapatid ni Ivan. Si Ivan ang typical na OA na Tito pagdating kay Mikaela. Daig pa nito ang sariling ama ng bata palibhasa ay ito na ang nalakihang ama ni Mikaela. Hiwalay na kasi ang Ate nito at ang ama ni Mikaela.

"Hindi ka bothered, Ivan, OA ka lang talaga pagdating sa pamangkin mo."

"Sobrang paratang na 'yan."

She just laughed. "Kailan mo ba matatanggap na thirteen years old na si Mikaela. Teenager na siya. She's no longer a baby. So stop treating her like one."

"Bakit ba ang bilis lumaki ng bata ngayon?" Himutok nito. Tatay na tatay talaga.

"Tumatanda ka lang talaga."

Nanunuksong ngumiti ang binata. "Asus, nagsalita ang eighteen years old. Magkasing-edad lang tayo, Florence. Matanda lang ako sa 'yo nang ilang buwan."

"Mas matanda ka pa rin." She put an emphasis to her words. Mas lalong sumimangot ito. "Ano bang issue mo kay Mikaela?"

Muling umungol si Ivan, naalala ulit yata ang pinoproblema. "Ibang-iba na talaga ang gusto niya ngayon, kahit sa mga binabasa. Noong ini-scan ko ang librong gusto bigla kong gustong itapon."

"Dahil?"

"Puro love story."

"And what's wrong with that? Fiction lang ang binabasa ng pamangkin mo. Doon siya na-e-entertain. Reading books about love is so ordinary for teenage girls. Walang masama doon, Ivan. Normal na normal ang pamangkin mo."

Mas lalong nalunkot ang mukha nito. "Ayaw na rin ako halos kausapin. Aba'y kulang sa human interaction ang batang iyon. Palaging nakatutok ang atensiyon sa cell phone. Pagmulat pa lang yata ng mga mata cell phone na ang hawak."

Tres Marias: Florence Marie, Love RemainsKde žijí příběhy. Začni objevovat