7

371 25 0
                                    

"MAY NAPULOT akong pasalubong para sa 'yo, Florence." Tili ni Reth na ikinalingon nilang lahat. Lumabas ito para pagbuksan ng gate ang nobyo.

Abot-tainga ang ngiti ni Reth. Nahinto ang pagsinga niya. Kasunod ni Reth si Matthew. Maging si Louisa at Kenette ay napahinto sa ginagawa at nag-aabang sa pasalubong na idineklara ni Reth.

Agad niyang tiningnan ang mga kamay ng kapatid. Mahilig mag-prank si Reth. Baka kung anong insekto ang nakita sa labas at naisipang ipanakot sa kanila ni Louisa. Kapag ganoong masama ang tama ang sipon niya malamang mag-aaway sila ni Reth.

"Ano'ng kalokohan na naman 'yan, Reth?" Itinuloy na niya ang pagsinga. Wala itong hawak sa magkabilang kamay. Safe sa insekto.

"Ta-da!" Reth said in a singsong manner.

Bilang sagot sa tanong niya, lumitaw ang kanyang pasalubong este si Ivan. May hawak itong basket at libro sa kabilang kamay. Tumaas-baba pa ang kilay ni Reth. Proud na proud sa grand entrance na ginawa ni Ivan.

Natawa siya. Tuluyang pumasok ang tatlo .

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

Binati muna ni Ivan si Kenette at Louisa. Inuumang ni Ivan sa kanya ang basket na dala. Puno iyon ng kalamansi.

"Dumadalaw sa may sakit. Dahil yata sa akin kaya ka nagkasakit." Tila may hinanap ito. "Sina Tito?"

"Nasa library," sagot niya. Umusog siya para makaupo ito sa sofa. Buti na lang pala at naisipan niyang maligo nang maaga. Hindi siya nito naaubutan sa dugyot stage niya.

"Ay, wait. Ako na ang tatawag," boluntaryo ni Reth. Nasa kabilang upuan naman ito at si Matthew. "Ma! Pa! Kompleto ang future son-in-laws n'yo!"

Louisa and Kenette laughed. Maging si Matthew ay hindi na rin napigilan ang pagngiti. Siya? Naeskandalo. Nahagip niya sa damit si Reth bago pa man makalayo.

"Margaret!"

Ngumisi lang ito mabilis na kumawala sa pagpigil niya. Wala namang comment si Ivan. Lalo yata siyang magkakasakit.

Naramdaman niya ang kamay ni Ivan sa kanyang noo.

"Wala akong lagnat. Sipon at ubo lang talaga."

"Ang pula na nga ng ilong mo. Para ka ng si Rudolph. Ka-boses mo na rin si Inday Badiday."

Ang tanda ng comparison. Hindi na alam ng millennials. "May sakit nga, 'di ba?" Humugot ulit siya ng tissue. Kandong na nga niya iyon simula nang umupo doon dahil bahin siya nang bahin. May alcohol na rin sa lamesa.

Isinenyas nito ang basket ng calamansi. "Inom ka ng calamansi juice."

"Salamat. Titimpla ako mamaya." She found the gesture cute. Ang suwerte ni unrequited love sa isang ito.

At least naiiba ang dala nito at hindi sandakmak na prutas. He brought what she needed. Iyon nga lang parang magtitinda naman siya ng calamansi. Tatlong kilo yata ang calamnsi nitong dala.

"How's the preparation going, Louisa?"

"Kumpleto na sa listahan at peg si Louisa. Taga-oo na lang ako saka tagabigay ng budget." Sagot ni Kenette na natatawa.

"Grabe ka naman." Namula si Louisa.

"Louisa, huwag ka nang tumanggi. Tambay ka sa Pinterest lately," pambubuking na rin niya.

Tres Marias: Florence Marie, Love RemainsWhere stories live. Discover now