1

658 25 0
                                    

She was tapping her fingers. He was looking at her. They both sighed.

Florence stopped tapping her fingers on the desk and looked at the guy across her. Abot-tainga ang pagkakangiti ng kaibigan. Or rather nakangisi ito sa kanya.

Tumikhim si Florence at umayos ng upo. Itinigil na rin niya ang ginagawa. Kinuha ni Florence ang mga papel na nasa kanyang mesa. Kasama na ang ilang mga papel na kailangan niyang basahin sa bahay.

"Flo, brokenhearted ka ba?" walang pasakalyeng tanong ni Ivan, ang lalaking katapat niya at hindi maawat-awat ang tingin sa kanya.

Iniikot ni Florence ang swivel chair patalikod sa binata. "Not in the mood to talk, Ivan. Sorry."

Sa halip na tumigil at tumahimik ay sumulpot pa ito sa kanyang harapan. Curiosity was written in his eyes.

"Come on now. Alam mo sabi nga ng mga psychologist mas magandang may outlet sa mga ganyang nararamdaman. You can always tell your friend, you know."

Muli niyang iniikot ang silya patalikod sa binata. "Pero siguro naman sinabi ng psychologist na iyon na mamili ng kaibigan na pagsasabihan or better yet sa psychologist na lang magsabi huwag na sa kaibigan."

Ivan snapped his fingers. "Aha! So brokenhearted ka nga."

"No," mabilis na tanggi ni Florence.

"Basted?" alanganing tanong nito.

Inilapag na niya ang papel na hawak, malabong patahimikin siya ng lalaking ito.

"Hindi ako basted, okay."

"Really? Hindi ka basted pero hindi ka rin broken hearted? Na sa 'yo na kaya lahat ng tell tale signs ng isang broken hearted." Titig na titig pa rin si Ivan sa kanya.

Ano ba'ng itsura ko?

"Natutulala ka sa kawalan. Noong isang araw bigla ka na lang natigilan noong nakarinig ka ng love song habang nasa kalagitnaan tayo ng taping. Kanina sa may malapit sa Starbucks nakakita ka ng mag-jowa umasim na agad ang mukha mo. At tapos nagpagupit ka pa. Nangangayayat ka rin! Hindi ka siguro makakain." Dere-deretsong litaniya ni Ivan bilang sagot sa tanong sa kanyang isip. Sa lahat naman yata ng lalaking nakilala niya ito ang pinaka-tsismoso at ubod kulit.

"Exaggerated na 'yan." She said as she rolled her eyes.

"Seryoso ako, Florence. You had manifested all the signs of a brokenhearted."

Umiling-iling siya. "Whatever."

Hinalbot nito ang papel na sana ay kukuhanin ulit niya. "Florence Marie, alam mong isa akong mabuting kaibigan. Noong nag-break kayo ni Arman, which was over a year ago, hindi ba naging sandigan mo ako noon. Nakita kita sa may rooftop ng TV station natin habang ang lahat ay nagsiuwian na, pero ikaw parang walang bukas sa kakaiyak. I comforted you and gave my shoulders for you to cry on."

Napakunot ang noo niya. Had it been one year? Ganoon na ba katagal wala sa buhay niya si Arman, her ex.

"Wala akong choice noon dahil ikaw lang ang available. At for your information, kinulit-kulit mo ako noon na sabihin sa 'yo ang dahilan kung bakit ako umiiyak. As in super kulit the point that you were annoying the hell out of me. And you call that a help?" Dere-deretso rin niyang ganti sa panunumbat nito.

Ngunit sa kabila noon ay mukhang walang balak si Ivan na tigilan siya. "It's still a help no matter what form. Come on, Flo, magtapat ka na. Hindi ako magiging judgemental, promise. Tatanggapin pa rin kita bilang kaibigan. Alam mo namang hindi kita kayang tiisin. Ikaw ang favourite lifestyle host ko."

Tres Marias: Florence Marie, Love RemainsWhere stories live. Discover now