2

420 24 0
                                    

"LOUISA, patingin ulit ng ring," aniya kay Louisa pagpasok nito ng kuwarto.

Sumampa na rin ito sa kama kung saan nakaupo sila ni Reth at talagang hinihintay ang pagpasok nito. Kahit matatanda na sila ay magkakasama pa rin silang tatlo sa iisang kuwarto. Sabi kasi ng kanilang Mama, kung nasa iisang kuwarto lang daw silang tatlo kahit may tampuhan no choice sila kundi i-resolve ang conflict dahil by the end of the day magkikita-kita pa rin silang tatlo. Magkakasamang matutulog at ang isa't isa pa rin ang makikita paggising sa umaga. That way, iba raw ang bonding nilang tatlo, na sa palagay naman niya ay effective. Kahit noong maliliit pa sila hindi tumatagal ng isang araw ang pag-aaway nilang tatlo. Halos hindi na nga rin niya maalala ang huling pagtatampuhan nila. Iba-iba man ang personalidad nila malapit na malapit pa rin sila sa isa't-isa.

Inilahad ulit ni Louisa ang singsing sa kanilang dalawa ni Reth.

"Ang ganda. Ang galing pumili ni Kenette," puri ni Reth. "Hindi nakiuso sa diamond engagement ring ang lolo mo. Unique na unique ang style. Bagay sa personality mo, Louisa. Weird."

Halatang high pa rin sa saya si Louisa. Hindi pinansin ang pambubuska ni Reth. "Pina-customize daw niya 'yan. Kinabahan nga ako nang makita ko ang singsing. Hindi sa pagsagot ng yes ako kinabahan. Kinabahan akong baka hindi magkasya."

Sabay pa silang napatawa ni Reth. Then she grinned. "Magkakasya 'yan. Tinanong sa akin ni Kenette ang ring size mo. Nahulaan na yata na 'yan ang una mong magiging concern."

"Kaya naman pala confident ang loko nang isuot sa akin ang singsing."

"Sana makaramdam si Matthew na ayaw ko ng basta diamond ring lang. Gusto ko rin something unique," malakas na hiling ni Reth.

"Asus, kaya naman pala kanina habang nagco-coffee tayo panay ang banggit mo na natutuwa ka sa unique engagement ring. May hidden message na pala," pumalatak pa siya.

Dumapa si Reth at naghalumbaba. "Eh, sana lang makuha ang message ko."

"Paano kung hindi nga unique pero super mahal naman. Base kasi sa personality ni Matthew diamond ring na ubod nang mahal ang bibilhin para sa 'yo. Para saan pa ang hacienda at businesses niya kung pucho-pucho lang na singsing ang ibibigay n'ya sa 'yo."

Reth grunted.

"Teka lang, nakakahalata na ako, ha." Binalingan niya si Reth. "Margaret, huwag mong sabihing nararamdaman mong malapit na ring mag-propose si Matthew."

Kailangan talaga magkakasunod ang pangyayari sa buhay ng dalawang ito? Nang magka-boyfriend magkasunod, aba'y sa engagement magkasunod pa rin yata.

Pilyang ngumiti si Reth. Sinundot siya sa tagiliran. "'Uy, kinabahan. Don't worry, Flo, mukhang matagal pa naman kami ni Matthew. Busy pa 'yon sa pagpapayaman. Nag-eenjoy pa rin naman ako sa paglalayas. Saka hihintayin ka na muna naming magka-boyfriend para kung sakali secured kami na hindi ka tatandang dalaga. Pinanindigan lang masyado nitong si Louisa ang pagiging panganay. Mauuna nang lumagay sa tahimik."

Nakahinga siya nang maluwag.

"Malapit nang mabawasan ng isang Maria ang kuwarto natin." Bigla siyang nalungkot sa realization. Louisa's real name was Louisa Marie. Ito ang panganay sa kanilang tatlo. Reth was Margaret Marie, second, while her real name was Florence Marie. Hence their father called them Tres Marias. Bukod pa sa ang mga pangalan nila ay hango sa feminist writers noong '70s. They never called Louisa Ate. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay bawas na ang respeto nila dito.

Tres Marias: Florence Marie, Love RemainsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt