Story #1: Follow you

13 0 0
                                    

FOLLOW YOU

Lumaki ako sa hindi mayamang pamilya. Mahirap ang buhay namin. Lalo na dahil lumaki ako sa probinsya ng Tagkawayan. Ang trabaho ng ama ko ay isang simpleng pagbebenta ng mga hayop at ang nanay ko naman ay maghapon lang sa bahay.

I am the oldest among my siblings. Kaya naman sa murang edad ay pinilit kong magtrabaho para makatulong sa pamilya. Pero sa kagustuhan kong mag aral pinilit kong mag half classes. Nag aaral ako sa umaga, nagtatrabaho naman ako sa gabi.

Pero sabi nga may mga bagay talagang kahit pilit mong abutin ay hindi mo makukuha. There are things that are not meant to be yours. There are things that you need to let go and forget.

Tumigil ako sa pag aaral. I just finished second year high school. For me it was so devastating. I want to finish my study so much. Hindi man sa pagmamalaki pero lagi akong nasa honor. At nakakapanghinayang.

Pero pinilit kong kalimutan ang lahat at harapin ang panibagong yugto ng aking buhay.

Nakarating ako ng Maynila at Cavite para makapagtrabaho. Patuloy din ako sa pagpapadala ng pera sa aking pamilya sa Tagkawayan.

I learned how to socialized and be nice to others. I realized that there's so many things that you need to see. You need to embrace and behold.

Maraming bagay ang nagsubok sa aking paninindigan at lakas but I chose to be brave and more realistic.

At sa huli nakarating ako sa Lucena City. Kung saan tuluyang nagbago ang buhay ko. Nakilala ko ang isang lalaking...hindi ko akalaing makakasama ko sa hirap at ginhawa.

"Ano ka ba naman Luz! Bakit hindi ka lumabas diyan sa kwarto mo! Para ka namang anti-social eh!" Sabi ni Cecil na naging kaibigan ko dito sa apartment na aming tinutuluyan.

Napasimangot ako sa sinasabi niya. Ayaw ko talagang lumabas dahil makikita ko na naman yung mechanical shop. Sa baba nitong apartment ay yun agad ang mabubungadan mo.

Pero may isa akong lalaking kinaayawan doon. Paano ba naman napaka papansin! Palagi niya akong inaasar sa tuwing lumalabas ako. Hindi ko alam kung kulang ba siya sa pansin o nakasinghot lang siya ng drugs.

Aaminin ko na! Hindi naman kasi ako kagandahan! Ang tatay ko nga ay hindi nagagandahan sa akin sila pa kaya?!

Pero hindi ko maintindihan kung bakit ako pa talaga ang napagdiskitahan nung lalaking yun!

"Ano? Sasama ka ba?" Tanong ulit ni Cecil.

Napabuntong hininga ako. Kaarawan kasi ngayon nung isang kaibigan namin at imbitado rin ako. Nakakahiya namang hindi sumama at baka hanapin ako. Ang kaso kasama din yung lalaking nang aasar sa akin!

Sa huli ay wala rin akong nagawa. Nagbihis ako ng maayos na damit at sumama kay Cecil. At pagbaba ko pa lang sa apartment ay kantyawan na ng mga lalaki ang naririnig ko.

"Richard andyan na ang darling mo!"

"Boyop! Lakas mo tol!"

"After so many years! Nakasilay din ang Richard!"

Halos takpan ko na ang tainga ko sa mga kantyawan nila. At isa pa lahat sila ay nakatingin sa akin kaya mas naiinis ako. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa. Ayaw ko pa man ding nasa akin lahat ng atensyon!

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad pero naharang kami ni Cecil ni Ding. Siya ang matalik na kaibigan ni Richard. The annoying guy.

"Pansiminin mo naman si Richard oh. Kahit isang saglit lang." Natatawang sinabi ni Ding.

Kumunot ang noo ko sa kaniya. Hindi ko alam kung nagmamakata ba siya o ewan. Basta naiirita na ako sa kanila.

Compilation of Short StoriesWhere stories live. Discover now