"Okay, I'll give you ten minutes to discuss about your project."

"Excuse me, Sir. What is our project all about?" nagmamagaling na tanong ni Paul.

"Good question, Mr. Salcedo. Your project will be an interpretative dance. Since you have 5 members, one of you will have to sing and the rest will dance, of course,” paliwanag ni Sir Valdez.

“Are we going to choose our own song, Sir?” tanong ng isa sa mga kaklase ko.

“No. Music will be "Officially Missing You” by Tamia. You will have to interpret the song in your own ways. No questions ask. Understood?"

A-ano? Officially missing you? Ang senti naman ni Sir! Sa dinami-dami ng songs, ayun pa ang napili! The reason behind? No one knows.

Sumagot naman kaming lahat. “Yes, Sir.”

~*~

Dumating ako sa bahay nila Demi nang tama lang sa oras na napagusapan namin. Nang makapasok ako sa sala ay nandoon na pala silang lahat at ako na lamang ang kulang. Humanap ako ng mauupuan at sa kamalas-malasan nga naman ay sa tabi na lamang  ni Paul ang bakante.

“Oh, Ali. Ano pang tinatayu-tayo mo dyan? Maupo ka na kaya para makapag-simula na tayo?” bungad sa akin ni Demi na itinuturo pa ang bakanteng upuan sa tabi ni Paul.

Don’t I have a choice?

Dahil sa nakatingin na silang lahat sa akin at hinihintay na akong maupo ay dumiretso na lang ako sa tabi ni Paul kahit labag man sa kalooban ko. Tinignan ko si Demi sa oras na makaupo ako at nginitian lang naman niya ako.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung gaano namin kinamumuhian ni Paul ang isa’t-isa.

Nananadya ba sila? Tsk.

“Magsimula na tayo,” saad ni Ate Mhina.

Si Mhinalyn B. Vargas, ang pinaka-ate naming lahat. Hindi lang sa edad kundi pati na rin sa kanyang ugali. Siya ang pinakamatandang babae sa batch namin at siya rin ang gumaganap na ate naming lahat. Napakalaki ng respeto ko sa kanya dahil sa angkin niyang katapangan. Sa pagkakaalam ko ay matalik rin silang magkaibigan ni Paul.

I wonder how did it happen.

“Teka lang, guys! Wala ba kayong napapansin?” pag-kontra ni Demi.

“Huh? Anong napapansin?” usisa ni Ate Mhina.

Ngumiti lang si Demi at tinignan ako from head to feet. Matapos sa akin ay ganoon din ang ginawa niya kay Paul.

“Tignan niyo ‘yung dalawa,” utos ni Demi kina Ate Mhina.

“Ano’ng meron sa amin?” conscious na tanong ko.

Err, ano ba’ng trip nitong kaibigan ko na ‘to?

“Pareho lang naman po kayong dalawa na naka-white plain t-shirt,” saad ni Demi habang tinuturo pa ng dalawang hintuturong daliri niya ang mga suot naming t-shirt ni Paul.

Napatingin naman ako kay Paul at ganoon din siya sa akin.

Ugh. Spell awkward.

“At hindi lang ‘yun! Pareho pa kayong naka-faded jeans,” dugtong niya pa.

Muli akong napatingin kay Paul at sa suot niyang jeans.

Oo nga, ‘no?

“Wow! Oo nga, pareho kayo!” natutuwang bigkas ni Ate Mhina.

“Teka, teka! Hindi pa ako tapos!” singit naman ni Demi. “Pareho din silang naka-converse shoes, oh! Magkaiba lang ng kulay pero pareho pa din,” tuwang-tuwang sabi niya pa.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon