CHAPTER 1

80.2K 690 46
                                    

CHAPTER 1

June 2011

AALIYAH’S POINT OF VIEW

“Calling the attention of all students. Please proceed to the gathering hall now. I repeat, please proceed to the gathering hall now.” Saad ng isang tinig na nagmula sa mga speakers na nakapalibot sa paaralan.

Dali-dali akong pumunta sa gathering hall matapos kong marinig ang boses ni Mr. Valdez.  Luminga-linga ako para hanapin ang chairs na naka-assign sa section namin. Naglalakad ako sa may center aisle nang biglang…

*BLAAAAG!!!*

"Ouch!" Napatingin ako sa taong nabangga ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong napaupo siya sa sahig.

"Miss Lab, I'm sorry po. I didn’t intend to bump on you. I was looking for-“ I was cut mid-sentence dahil nakita kong tinutulungan na siya ng isang estudyante na makatayo.

Hay, ano ba ‘yan, Aaliyah?! First day na first day ay dinapuan ka ng kamalasan!

"Miss Ramosa, I don't need any further explanations. Just make sure that you'll look where you're going!!" Nagtaas siya ng boses and it sends thrills on my spines. Iba na talaga kapag si Ms. Lab ang nag-sabi.

Palibhasa, siya ang head teacher dito. Ugh!

Ipagpapatuloy ko na sana ang paghahanap sa mga upuan noong out-of-sight na si Ms. Lab pero someone caught my attention. Ang gwapo niya kasi. What?! NO! Ang ganda kasi ng mga mata niya. Seriously?! HELL NO! Ugh. Nakaharang kasi siya sa dadaanan ko. Oo, tama. Kaya ko siya napansin ay dahil sa pagharang niya sa akin.

“CLUMSY.” Antipatikong bati niya sa akin.

“Huh?” I asked, sarcastically.

Oo, narinig ko naman ang sinabi niya na clumsy daw ako. Sanay naman na ako dahil simula first year pa lamang kami ay ‘yan na ang nakasanayan niyang itawag at ipang-asar sa akin.

He smirked and half-smiled. “That’s the best word to describe you.” And with that, he left.

Hindi ko na pinansin ang kahanginang bumabalot sa pagkatao niya. Sabi ko nga kanina, sanay na ako. It took me around five minutes to find a seat.

“Excuse me, is this chair already occupied?” nakangiti kong tanong doon sa lalaking nakaupo sa katabing upuan. Ngunit ang mga ngiting iyon ay nawala din namang agad-agad dahil sa sagot niya.

“No one has occupied it yet. But you can’t sit there,” mariin niyang tugon sa akin.

Aba?! Anong karapatan niyang sabihin na hindi ako pwedeng maupo dito?

Tinignan ko siya para subukang sungitan pero hindi ko na pala kailangan mag-effort na mag-sungit dahil diretso na sa pagkulo ang dugo ko.

Kapag mas minamalas ka nga naman, oh!

“Paul.” I said, putting an emphasis on his name.

Si Paul Justine A. Salcedo, ang karibal ko sa lahat ng bagay. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na maraming babae ang nagkakagusto sa kanya dahil sa angkin niyang kagwapuhan at katalinuhan. Sure, he was every girl’s dream guy excluding mine. Simula pa noon ay hindi na kami magkasundo dahil sa kayabangan niya at walanghumpay na pangaasar niya sa akin.

"At your service!” Pangiti-ngiting saad niya.

The smile of the devil. Ugh!

"Ang kapal naman ng mukha mong ‘wag akong paupuin dito! As if naman gusto kitang makatabi, ‘no!" Medyo napataas ata ‘yung boses ko kaya hinawakan niya ‘yong mga balikat ko at pinaupo ako.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon