"Hindi naman po."

"Ayy oo nga pala, wala na kayo. Hoy! Sayang naman, feel ko na kayo na hanggang dulo, proud pa naman ako sa sarili ko dahil ako ang dahilan ng pagkakakilala niyo, tapos...?" Gusto kong matawa sa pagkakasabi no'n ni Mamsh, parang chinichikahan niya kami ngunit tungkol naman sa'min ang kanyang chika.

Hindi siya katulad ng ibang mga teachers na parati na lang seryoso at pagtuturo lang talaga ang pakay. Ibang iba si Mamsh, siya kasi ay mas gusto niyang makihalubilo sa kanyang mga estudyante, ang bait bait niya at mataas pa kung magbigay ng grades.

"Aray naman, Mamsh." Napahawak si Elie sa kanyang dibdib. Napangisi na lang ako. "Nililigawan ko nga uli.t"

"Ayy, totoo?" baling niya sa'kin. Tumango na lang ako at kaunting napangisi. "Sana hanggang simbahan na 'yan, ah. Ninang ako sa kasal ninyo."

"Anong ginagawa niyo Mamsh?" pag-iiba ko sa usapan.

"Wala bang sinasabi ang Mama mo sa'yo?"

"Hindi naman po kasi ako nagtatanong." Nahihiyang tumawa ako.

Hindi pumapasok sa isip ko o kaya wala na akong pakialam sa ibang bagay.

"May bagong pakulo kasi ang SSG, bawat department daw gumawa ng pa-contest sa mga estudyante, kaya ayan. Next month pa naman 'yon, first week." Tinapunan niya ng tingin ang pinto ng kanilang department.

"Ang daya talaga, bakit noong kami walang ganyan," reklamo pa ni Elie.

"Kung meron man ay hindi ka rin lang naman sasali," asar ko pa.

Natawa naman siya at umiling.

"Hoy, kayong dalawa. Balita ko ay dance instructors na kayo ngayon, ah."

"Kinukwento rin pala 'yon ni Tita," natatawang wika ni Elie.

"Oo naman, pinapakwento ko siya. Saan ba kayo nagtuturo ngayon?"

"Sa Eastview po, kaunting ballroom lang naman," sagot ko.

"Siya nga pala, kaya ko kayo pinapunta rito ay... kung pwede lang naman, ay magturo kayo roon sa dance club para sa opening program ng SSG."

Tumagilid ang aking ulo dahil sa kanyang sinabi. Buong akala ko ay maliit na get-together lang 'to para man lang maka-catch up.

"Adviser pa rin po kayo no'ng dance club?"

"Oo, hindi ko namang magawa na umalis doon," nakangiting sagot ni Mamsh.

"Ano pong klaseng sayaw?"

"Folk dance."

"Mahirap o madali?" biro ni Elie. Natawa naman si Mamsh.

"Sige pahirapan niyo ang mga estudyante ko. Masyadong nagmamarunong, e. Ang alam lang naman puros hiphop at mga K-pop."

"'Yon naman kasi ang uso," ani ko habang nakangisi.

"Wala pa rin namang makatatalo sa sariling atin. Ano kayong dalawa? Game ba?"

Nagkatinginan kami ni Elie. Meroon na kaming tinuturuan na grupo, baka hindi na kayanin ng schedule namin. Lalo na si Elie na meroon pang trabaho.

"Pag-iisipan pa namin, Mamsh. May trabaho pa kasi ako at may isa pang grupo na tinuturuan," wika ni Elie na may halong pagpapaumahin.

"Hapon naman kayo magtuturo, 'di ba alas tres kayo roon sa college students. Kapag uwian na nila kayo magtuturo."

"Kakausapin pa namin sila Nate, Mamsh. 'Yon din kasi ang sumali sa'min sa community nila. Kung kailangan niyong dance instructor para sa contemporary dances, sila na po ang kunin niyo."

Love in SyncWhere stories live. Discover now