This feeling is becoming intense...

3 0 0
                                    

"MINE!"Austin shout at Kris upon seeing the ball moving towards his direction.Pinalo niya iyon pabalik sa kabilang bahagi ng net kung saan alertong nakaabang sina Cal,Aster at Kaide.

Kasalukuyan silang nagwa-warm up para sa gaganapin na intensive training nila simula sa linggong iyon.Istrikto ang kanilang coach na si Yuan at maging ang iba pa na kasama sa training ng team.It is known that Hanyin has one of the best training facility for all kinds of sports including a whole bunch of experts to assist in every sport.

Isa ito sa malaking dahilan kung bakit nag-aagawan ang mga magagaling na atleta para makapasok sa nasabing unibersidad.An institution that offers both topnotch education and sports program,who would not want that.Maswerte ang sinuman na mapabilang o makapasok sa napakahirap na entrance exam.

Magkasama sila sa team ni Gene,ito ang madalas na setter nila.Napansin ni Austin na iyon ang expertise ng binata,napangiti siya nang matitigan ang pawisang mukha nito.Halos hinihingal na ito sa pagod pero determinado parin.

"Hayop talaga mga banat mo ngayon ah."Si Kris na nakipag-apir sa kanya."Iba ang epekto kapag inspired,sabihin mo,may bago ka ngayon noh?"

Nginisihan niya si Kris."Hulaan mo,dre."Sinundan niya iyon ng nakakalokong tawa.

Nang lingunin niya si Gene ay nakatuon ang atensyon nito sa hawak na bola.Nilapitan niya ito at naupo sa tabi nito."May problema ba?"

Napailing ito."Wala naman."Anito na di parin nag-angat ng tingin. "Bakit mo naman naitanong?"

Inakbayan niya ito.He could feel him getting tensed."Nakangiti ka pa sa laro kanina eh,ngayon ang lalim na ng iniisip mo."

"My mood can shift anytime."May halong inis na sagot nito sa kanya. Nakapagtataka na ang bilis naman magbago ng mood nito,kanina ay masaya pa itong naglalaro kasama siya.

May nagawa ba siya na dahilan para mag-iba ang mood nito.Parang wala naman.

"Tsk,tell me.Galit ka sa'kin?"

"Hindi nga."Napapiksi pa ito pero ayaw naman tumingin sa kanya. Ipinatong nito ang iniinom na mineral water sa tabi ng bench at akmang tatayo na ngunit hinila niya pabalik.

Napasimangot si Gene."Austin,may praktis tayo."

"Liar.Pareho tayong lalaki,kaya alam ko na may problema sa asal mo na 'yan."Napaisip siya saglit.He just remembered something now. "Are you jealous?"

Pinandilatan siya nito saka napalinga sa paligid."Can't you make your voice lower?Baka may makarinig sa'yo."

Pinitik niya ito sa noo.Hindi ni Austin alam ang gagawin kung matatawa ba o maiirita ng tuluyan sa dahilan ng pag-dadrama ni Gene.He's been talking with Kris about the reason of his positive mood today.Gene surely misunderstood their conversation.

"You're thinking that I'm cheating on you?C'mon,I was talking about you."Aniya dito na di mapigilan ang mapangiti.Bigla naman itong pinamulahan ng mukha sa sinabi niya.Gene is blushing in front of him and he find it really adorable.

"Babalik na ako sa court."Anito.He smiled at him."Just forget it.Balik na tayo sa court."

Umalis narin siya buhat sa pagkakaupo sa bench para sundan ito.Nagpatiuna na si Gene sa gitna at pumuwesto malapit sa net.He winked at him.

Pagkatapos ng practice sa gym ay nagsialisan na ang ilang miyembro ng volleyball team.Ang iba sa kanila ay may mga projects pa na kailangang tapusin.Isa sa mga kondisyon ng varsity na dapat makapasa sa bawat subject at kapag hindi ay siguradong matatanggal sa team.Kaya doble kayod ang mga players na ibalanse ang paglalaro at pag-aaral.

Kung Makakawala Lang Ang FeelingsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt