We need to set expectations...

0 0 0
                                    

"SET!Timmy,pasa mo kay Lance.Aussie,Gene,defense!"Maaga pa ay pawisan na sila sa team.At ngayon ay maririnig na sa halos kabuuan ng gym ang boses ni Coach Yuan habang inaayos ang gameplay nila.

May mock game sila sa mga sandaling iyon.Sinulyapan ni Gene si Austin na nakatayo sa tabi niya.Medyo nakakunot ang noo nito at salubong ang mga kilay,nakapokus ang atensyon sa bola na ngayon ay hawak ni Timmy.Halos dalawang araw na siyang di pinapansin nito.

Saglit niya itong inirapan at pumusisyon na para sa depensa.Ito ang kinaiinisan niya sa lahat,okay na sila nito.Bakit ba kasi bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin?Aantayin nalang niya na matapos ang praktis saka ito kakausapin ng masinsinan.

Tumagal din sila ng halos isa at kalahating oras bago nagdesisyon si Coach Yuan na magpahinga.Nakita ni Gene na paalis na sa court si Austin at patungo sa kalapit na lalagyan ng tubig.Dali-daling sinundan niya ito.

Bakas sa mukha ang pagkagulat nito nang humarang siya."What the----".

"Can we talk for a bit?"

Pinagkrus niya ang mga braso sa harapan.It's now or never.Hindi siya magpapasindak dito.

"For what?"

"Kasi ang weird mo,di mo ako kinakausap!Kaya kung may problema ka sa akin,ngayon na natin pag-usapan para matapos na."

"Can't you see we are on practice."Nakasimangot nitong sabi sa kanya habang kumukuha ng bottled water."Wala naman tayong dapat na pag-usapan."

Napasabunot siya sa sariling buhok sa tinuran nito."Nope!We have been in this freaking cold war for days.Nag-uusap pa tayo nung nakaraang gabi tapos bigla nanlamig kana.Aba Aussie ha,sumusobra kana."

"Liar".Anito na inismiran siya.

"Huh?!"Sinungaling daw siya.Pilit niya inalala kung ano ang di niya nasabi na totoo dito.Wala naman.

"Sabi mo uuwi ka sa inyo,eh bakit nakatambay ka lang sa dorm.May bisita ka pa."Sunod-sunod na litanya ni Austin na ikinabigla niya.Iyon lang ang dahilan nito.Sa ganoon lang kasimple na bagay ay magbabago na ang pakikitungo nito.

"So,ayun naman pala.Sana diba nagtanong ka tsaka si Ate 'yon."Natawa siya bigla ng madinig ang sinabi nito.Kung nagkakaganito ba si Austin,ibig sabihin nagseselos ito.Pero teka lang bromance naman sila at di pa boy's love level.

"Talaga?"Parang ayaw pa nito maniwala."A-ate mo?"

"Oo nga.Bakit nagseselos ka ba?'Kala mo siguro may dinala akong chicks noh?"Pambubuska pa niya na ikinapula ng mukha nito.

"Anong nagseselos?!Hindi kaya."Akmang aalis na ito sa tabi niya ngunit hinawakan niya ang dulo ng uniform nito para pigilan ito.Sa loob-loob ni Gene ay nakaramdam siya ng kakaibang saya dahil sa inakto ni Austin kahit na di man ito diretsong sinabi.

Teka lang, parang ako  yata ang mag-aadjust sa mood swings nito ah!

"Sandali lang,o siya sige basta bati na tayo."Nginitian niya ito."Next time tanungin mo ako bago ka magkaganyan."

Isang tango ang naging sagot nito.Naglakad na sila pabalik sa gitna ng volleyball court para patuloy na mag-ensayo.Napansin niya na nawala na ang tension sa pagitan nila at naging maganda na ang coordination nila.

Matapos ang practice ay nagkani-kaniyang gimik na ulit sila.Naunang umalis si Kris na tila nagmamadali yata. Batid nilang istrikto ang ama nitong congressman pero hindi naman sa punto na may curfew ang binata. Lagi nalang itong may pinupuntahan pagkatapos ng training nila. May time pa nga nA sa sobrang pagmamadali ay nagsilaglagan ang mga gamit nito. Siya pa nga ang nakapulot ng condoms na kumalat. Binalewala na man niya iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kung Makakawala Lang Ang FeelingsWhere stories live. Discover now