I'm confused again...

2 0 0
                                    

ARAW ng Huwebes,halos patapos na ang mga laro sa sports week.At iilan na lamang ang merong final match tulad ng soccer,volleyball at basketball.Medyo nanghinayang si Gene sa takbo ng ranking dahil nasa pangatlong pwesto lang ang PolSci at tie pa sila ng Law.Wala na ring pag-asa na makaharap nila ang Faculty of Engineering dahil ito at ang Med ang maglalaban para sa final standing.

Buti nalang panalo sina Prexie sa cheerdance competition kaya meron silang nakuha na gold medal.At ngayon ay patungo siya sa practice area ng mga ito para sunduin ang babae.As usual,Prex is chanelling her primadona self. Siguradong siya na naman ang magdadala ng sangkaterbang outfits nito.Ano ba kasi ang ginagawa ng boyfriend nito at di pinagsilbihan ang kaibigan niya?

May mahigit sampung minuto din bago niya narating ang recreation area kung saan naroon ang opisina ng iba't ibang clubs sa unibersidad. At magkatabi pa ang opisina ng volleyball at cheerdance club kaya saktong pagdaan niya ay nakarinig siya ng pagtawag.

"Gene,hey,lapit ka muna dito."He knew that voice,it's Cal.Pumihit siya para harapin ito.

"Yes?"

He saw Cal with the other members of the clubs.Some of them are still in there jerseys,and others are in plain shirts with their college logo painted at the back. Medyo nahiya pa siya dahil halos lahat ay napalingon ng tinawag ang pangalan niya.

"Kanina ka pa namin gustong kausapin kaya lang ayaw ni Prexie na ibigay 'yung number mo."Ani Cal na nilapitan siya at inakbayan."May result na kung sino makakapasok sa team ngayon."

Natigilan siya."T-talaga?Uy,asan ba naka-post,tingin ako,o."

Ilang araw na niyang iniisip ang bagay na iyon maliban sa isyu nila ni Austin.Nang mag-umpisa ang semester ay nagtryout na siya at dinagdagan pa iyon ng pagsali niya sa team nila sa sports week para magpakitang gilas.Sana ay makapasok siya sa final list.

"Tara sa loob."Iginiya siya ni Cal papasok sa loob."Di pa sila nakapag-post, kasi kanina lang lumabas ang result.Kaya lang alam namin na excited ka,inuna kana namin."

May kinuha ito na puting papel sa kalapit na mesa saka inabot sa kanya."Tingnan mo."

He scanned the list of new players. There were ten names listed on the sheet.And he couldn't contain his happiness upon seeing his name on top.He did it!Kasali na siya sa varsity team ng Hanyin,maglalaro na siya ng volleyball para sa university.

"I'm in."Nakipaghigh five siya kay Cal dala ng labis na tuwa."Dream come true 'to para sa akin."

"Welcome to Destroyers,Gene.O, ready kana ba sa training?"Cal asked."Just a hint,terror si Kuya Pax sa practice."

Ngayon pa lang kinakabahan na siya sa unang araw ng training ngunit ang mahalaga ay natanggap na siya sa volleyball team.Simula pagkabata ay pangarap na ni Gene na makapaglaro sa isang sikat na team kaya nag-aral siya ng mabuti para makapasok sa Hanyin.Unang linggo pa lang ng orientation ay sinaulo na niya ang schedule ng tryout at practice ng grupo.At di nga siya nabigo.

"Don't worry,gagalingan ko para wag ako mapag-initan ni Kuya Pax."Masayang turan niya.

"That's good to hear."Napabaling siya sa pintuan nang marinig ang boses ni Austin.Halatang kanina pa ito nakikinig sa usapan nila ni Cal.Nakasuot ng volleyball uniform ang binata at nakasukbit sa balikat nito ang kulay itim na duffel bag."It's nice to see you around."

"Ahem!So,magpapagawa na ba kami ng mas marami pang pompoms nito,sure na dadami pa ang miyembro ng fans club natin."Si Aster,kasunod pala ito ni Austin.

Pinamulahan siya sa sinabi nito."Di naman ako pogi katulad nyo eh.But I have a trio to cheer for me exclusively."Ang tinutukoy niya ay ang tatlong kaibigan.And speaking of his girlfriends,naalala niyang naghihintay pala si Prexie sa kabila."Ah,guys,I have to go.Shit!Patay ako kay Prexie."

Kung Makakawala Lang Ang FeelingsWhere stories live. Discover now